I got bored kaya hiniram ko kay Aikee yung libro niya ng Codes and ciphers. Meron siyang copy noon since mahilig siyang magsearch ng tungkol sa mga codes. Mas madali lang intindihin ang kanya kaya naman di ako nahirapan pag aralan. Iba iba iyon kaya naman nakakalito pero kung iintindihin mabuti at sasauluhin mas maiintindihan natin. Sobrang abala ako sa pagtingin kaya di ko namalayang andito na pala ang mga kasamahan ko at nagyayakag na silang magswimming. Bukas ko na lang ito itutuloy. "Hindi ka pa ba tapos dyan, France?" tanong ni Elyze. "Bakit?" taka kong tanong sa kanya. "Wala naman. Baka kasi gusto mong sumama, magpupunta kami sa mall rito sa RD. Maraming sale ngayon doon from outside." masatang sambit niya na kinatuwa ko. Agad akong bumangon at kinuha ang aking gamit. "Tara na!"

