"You okay?" Maximmo asked multiple times. I nodded my head and looked at his hands on mine. Isang oras na ang byahe pero hindi pa rin nawawala ang hawak niya sa kamay ko. Kagabi, bago ako umuwi ay tumambay muna ako sa BGC. Hindi ako uminom, literal na tumambay lang talaga para makapag-isip. Kahapon kasi parang distracted talaga utak ko. Pero ngayon, alam ko na talaga kung ano ang plano ko. 'Yon ay ang ipagpapatuloy ko itong paghihiganti. Sinimulan ko na 'e. Ito 'yong gusto kong mangyari kahit noon pa man. Inalala ko ang unang araw na galit na galit ako sa kaniya. 'Yong unang linggo kung gaano ko siya sinumpa na mamatay at kung gaano ko ipinangako na wasakin din siya tulad ng pagkawasak niya sa akin. Wala akong pakialam kung ano man ang mangyayari sa susunod. Pero isa lang talaga ang si

