"WHAT the hell, Nina?” bulalas ni Timothy nang maabutan ang babae sa reception area ng condo ni Von. “There you are!” langong turo nito sa kanya saka bumaling sa receptionist na nagturo sa kanya sa kinauupuan ng babae. “See? I told you, he’s coming! I’m his girlfriend. Of course, he’ll come!” buhol-buhol ang dilang wika nito. Nagpakawala siya ng buntong-hininga saka isinabunot ang daliri sa buhok. “I’m sorry for this,” paumanhin niya sa receptionist. Agad niyang pinangko ang dalaga saka dinala sa unit ni Von. Von went back to Batangas three days ago kaya siya lamang ang naroon. Inihiga niya ito sa sofa saka ito tinitigan. Hindi niya inaasahang magiging ganoon ang hitsura ni Nina. The ever-glamorous girl he met in nine years ago. The ever-confident girl she dated for eight years. He n

