Rafael "Anak namin!" Nakuyom ko ang aking kamao sa sinabi ni Ken. Talaga lang ha? Ayaw ko sanang maniwala pero nang hilain niya si Liegh at nagpaubaya na man siya ay tila naniwala ako. Kaya ba ganoon sila ka-close dahil.may anak sila? "Rafael..." Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. It was Xia. Magkikita kami sa mataong lugar dahil ayaw kong pag-isipan siya ng masama ng kanyang asawa. She was married but her mariied life is not in good shape. Kaya narito siya ay para takasan muna ang hindi magandang buhay niya sa asawa. I don't know exactly what happened, pero sabi niya hindi na siya masaya sa buhay may-asawa. That he is hurting her... not physically, but emotionally. Muli akong sumulyap sa gawi ni Liegh. Nahuli ko siyang nakatingim rin sa akin at nalipat pa sa babaeng palapit

