Chapter 49

1515 Words

Tila kay bigat ng ikot ng mundo sa akin. Ang kaligayahang pinalasap sa akin ng Diyos ay naging panandalian lamang, dahil ang kaligayahang binigay niya ay kinuha niya agad. Pahiram niya lamang pala at ngayon ay binawi na. Lagi pa ring sumasagi sa isip ko ang mga katanungan, ang sumbat sa Diyos. Sinabi ko sa sarili kong tanggap ko na pero, hindi ko pa rin pala maiiwasan na bigla na lang panghinaan ng loob. Maalala si Raphael. Napahimas ako sa malaki ko ng tiyan. Iisa na lang ang nagiging dahilan kaya lumalaban pa ako,  ang anak namin ni Raphael. Ang pamilyang iniwan niya at niregalo bago man siya mawala. Ang nag-iisang matatawag kong akin talaga. Akin dahil manggagaling siya sa akin. At nanggaling siya sa pagmamahalan namin ng kanyang ama. Bukod kay Kristel na nanatili sa aking tabi, kina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD