Chapter 44

1082 Words

"Are you okay?" Hindi ako umimik sa tanong na iyon ni Kristel. Dalawang araw na akong nakauwi sa tinitirhan namin. Dalawang araw na rin akong nagmumukmok sa kuwarto ko at halos walang ganang kumilos. "Liegh..." "Iwan mo muna ako, Kristel please. Gusto kong mapag-isa." Putol ko sa sasabihin pa ni Kristel. Ayaw ko munang mapag-usapan ang isang bagay na nagiging dahilan ng kalungkutan ko. Alam ko naman na iyon ang puntirya niya kaya heto na naman siya sa kuwarto ko. Dalawang araw na rin niya akong pinipilit magsalita. Magpaliwanag kung bakit bigla, wala na kami ni Raphael. Galit na galit siya, ngunit hindi niya ako napilit magkuwento. Hindi ko pa kaya, dahil maalala ko lamang si Raphael. Gaya ng pagka-miss ko sa kanya nang sobra. Tila unti-unting namamatay ang puso ko sa sakit ng ginawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD