Akala ko, paggising ko wala na akong madama sa sarili ko. Pero hindi, kasi, binabagabag na naman ako ng nangyari kagabi. Nang nasaksihan kagabi. Hunghang ang pakiramdam ko, buti na lamang may isang taong nagiging dahilan para muling bumangon. "Good morning, Nanay!" bati ng anak kong tumalon sa kama. "Good morning, Rapha!" Pilit kong pinasaya ang tono ng boses ko. Yumakap pabalik sa kanya nang bigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap. "Nanay, how are you po? Tito Ken said, you are not feeling well today..." Napakunot ang noo ko. Anong oras na ba? Akala ko ay kagigising lang ni Rapha, pero nang sipatin ko ang itsura niya ay bihis na siya kaya malamang ay nakababa na rin siya at kinulit na rin niya siguro si Ken. "Princess, let your Nanay take a rest..." Napalingon kami ni Rapha sa na

