Mabait ang mag-ina sa amin. Katulad sila ni Kristel na halos alagaan kami at ituring na kapamilya nila. Nakikita ko kung gaano kasaya si Rapha habang kalaro si Kenneth sa tuwing day-off nito. Aktibo at bibo habang binabasahan siya ni Nanay Editha ng mga libro, gaya ngayon. Ako naman ay busy sa paghahanap ng trabaho sa computer. "Grandma, what happened to your face?" Naalarma ako sa tanong ng anak ko kay Nanay. Lumingon ako sa gawi nila at hinahaplos ng anak ko ang kaliwang bahagi ng mukha ni Nanay Editha. May malaking pilat ang kalahati ng mukha nito kaya pala laging nakabalabal kapag lumalabas ng bahay. Nagsalubong ang tingin namin ni Nanay Editha. Apolegetic ang mga mata ko samantalang nangiti lamang siya ta tumango bago balingan si Rapha. "Sa isang aksidente ko ito nakuha, apo. Maha

