MATAPOS siyang angkinin ng binata ay tila napapadalas na siyang galawin nito. Lalo na't siya ang lalaking unang naka-angkin sa dalaga.
“Pagsilbihan mo'ko!” mariing utos ng binata kahit katatapos lang niya itong galawin. Umiling si Maui, dahil masakit ang pagkab4b4e niya sa sobrang haba at laki ba naman ng alaga ni Lendrick.
Masama rin ang pakiramdam niya. “Ayaw mo? Gusto mo ba ulit bumalik sa seldang iyon?” naiinis na banta ng binata sa dalaga.
Napapaluhang umiling si Maui. Ayaw niyang bumalik sa kulungan kaya kahit labag sa kalooban niya ang pagpapahirap sa kaniya ni Lendrick ay nagsakripisyo siya. Dahil umaasa siyang muli sa pag-asang kakarampot sa puso niya. Na balang araw ay makakamit rin niya ang hustisyang kaniyang ninanais na makamtan. “Matuto kang sumunod sa gusto ko, at wag na wag kang magreklamo sa anumang ipapagawa at gagawin ko sa'yo. Mula no'ng nakalabas ka ng kulungan, pagmamay-ari na kita! Naiintindihan mo ba?!” sabay sakal sa dalaga.
Ilang sandali bago siya nito binitawan. “Nagkakaintindihan ba tayo?!” wala sa sariling napatango si Maui, dahil kapag lumabag siya sa kagustuhan nito ay paniguradong hindi na niya makakamit ang hustisya at ang paghihiganti sa taong dumiin sa kaniya upang makulong nang walang kasalanan..
Pilit na tumayo si Maui at paika-ikang naglakad palabas ng kwarto upang ipagluto ang binata nang may kadena sa paa.
Pagbukas ng dalaga ng refrigerator ay wala itong anumang laman na pwede niyang lutuin para kay Lendrick. “Paano ako makakapagluto kung wala namang laman ang ref niya? Ginagago niya ba ako?” naiinis na bulong ni Maui sa kaniyang sarili.
“Napakalayo ng ugali niya kay Grey!” dagdag niya pa. Naisip niya na baka pakana ito ng pamilya ng yumaong nobyo, ang pahirapan siya nang husto.
Ngunit kailanman ay hindi sinabi ni Grey sa kaniya na may identical twin ito. Ang buong akala niya ay nag-iisang anak lamang ito.
At bigla nalang siyang naduwal. Kumaripas siya ng takbo patungo sa labado. Tatlong buwan na rin siyang hindi dinalaw ng kanyang kabuwanang regla at nang angkinin siya ng binata. At dahil hindi siya pinapakain ng maayos ng binata ay tanging laway lamang ang naisuka niya sa labado.
------
Paakyat na sana siya sa hagdan nang bigla siyang nahilo at nawalan ng malay.
PAGGISING niya ay nasa hospital na siya ngunit hindi niya nasilayan ang mukha ng binatang si Lendrick tanging doktor lamang ang naro'n.
“Dok? Ano'ng nangyari? Paano ako napunta dito?”
“Isinugod ka ng mister mo rito nang matagpuan ka niyang walang malay sa may hagdan. Mabuti nalang ay hindi napano ang bata na nasa sinapupunan mo, hija.”
At maya-maya ay bumukas ang pinto. Pumasok ang binata, may dala itong prutas at lugaw. “Tatlong buwang buntis ang misis mo, hijo!” nabitawan ni Lendrick ang plastik na hawak niya sa labis na gulat.
--------
Ang buong akala ni Maui ay magbabago na ang pakikitungo ng binata sa kaniya dahil ipinagbubuntis niya ang anak nito ngunit nabigo siya. “Abort that baby! Ayokong magkaro'n ng anak sa babaeng pumatay sa kakambal ko!”
“Ayoko. Hindi ko ipapalaglag ang batang nasa sinapupunan ko kahit patayin mo pa ako. Wala siyang kasalanan! At tsaka dugo't laman mo ito!” mariing sagot ni Maui.
Sinampal siya nito ng malakas na halos ikatabingi ng mukha niya. “O sige, saktan mo na ako. Gawin mo ang lahat ng gusto mo sa akin pero isa lang pakiusap ko, iyon ay huwag mong idadamay ang anak ko sa galit mo sa akin. Bali-baliktarin mo man ang mundo, anak mo pa rin ang batang nasa sinapupunan ko!” tumulo ang luha sa mga mata ni Maui at prinoktahan niya ang kaniyang tiyan sa pamamagitan ng pagharang ng dalawa niyang kamay. Hindi man naging maganda ang pakikitungo sa kaniya ng ama nito ay hindi iyon rason upang pagkaitan ng buhay ang bata.
“Huwag kang mag-alala anak, hinding-hindi ko hahayaan na saktan o patayin ka ng iyong ama!” pangako niya sa batang nasa sinapupunan niya.
--------------
“Mas nanaiisin ko pang bumalik sa kulungan kaysa patayin mo ang anak natin. Kahit mabilanggo ako habang buhay ro'n ay wala akong pakialam, basta't hahayaan mo siyang mabuhay.”
Padabog na lumabas ang binata. “Proprotektaham kita anak, kahit kapalit no'n ay ang kalayaan ko.”
NANG mabalitaan ng ina ni Lendrick ang pagbubuntis ni Maui sa kaniyang apo ay agad niyang pinuntahan ang resthouse kung sa'n naroon ang kaniyang anak na si Lendrick.
“Mom? What are you doing here?” nagulat ang binata nang bumungad sa kaniya ang mukha ng kanyang ina.
“Kung 'di sinabi ng kaibigan kong doktor na buntis ang babaeng pumatay sa kakambal mo , hindi ko pa malalaman? Kailan mo ba balak sabihin sa akin? Ano ang plano mo?”
“Wala akong balak na ipaalam sa inyo ang pagbubuntis niya dahil plano kong ipa-abort ang bata habang maliit pa ito. Ayokong magkaro'n ng anak sa babaeng iyon!”
“What? Pinagplanuhan mong ipa-abort ang bata? Are you out of your mind, Lendrick? That is your child!” galit na sagot ng ina ng binata. “Apo ko iyan at hindi kita hahayaan na gawin iyan sa bata.”
Napahilamos ng mukha ang binata. “Let me take care of your child. Hayaan mo kami ng daddy mo na mag-alaga sa magiging anak mo. Please anak,” napabuntong-hininga ang binata.
Nabitawan ni Maui ang tasang hawak niya na may lamang tsaa nang makita niya ang ina ni Lendrick. Nanginginig ang tuhod niya , baka may masama rin itong binabalak sa batang sinapupunan niya. Sabay na napalingon sa gawi niya ang mag-ina.
“Bakit 'di mo siya ilipat sa mansyon natin? Nang sa gano'n ay masigurado namin ang kaligtasan ng anak mo sa babaeng iyan?”
“No, hindi ako makakapayag na makatungtong ang babaeng iyan sa mansyon natin!” umiiling na wika ni Lendrick sa kagustuhan ng ina.
NGUNIT sa huli ay napapayag rin ang binata sa pakiusap ng mommy niya. Wala na siyang ibang choice. Kinabukasan ay isinama si Maui ng ginang pauwi ng mansyon.