CHAPTER 9: CRY

1356 Words
Hetera's POV Pagkarating namin sa bahay, sinalubong kami ni mama ng yakap. Nakita ko naman si papa na nasa sofa nanonood sa TV, lumapit ako sa kanya. "Papa." Sabi ko at bahagya akong nagulat nang i-angat niya ang kamay niya para makapagmano ako.  "Magpalit ka na ng damit, kakain na tayo." Sabi niya na mas lalo kung ikinagulat.  Kaya naman dali-dali akong lumapit kay kuya at sabay na kaming umakyat. Bago pa ako makapasok sa kwarto kinausap ko muna siya, "Kuya." "Yeah? Anong problema, baby sis?" "May sinabi ka ba kay papa?" Tanong ko sa kanya, siya lang naman ang ka-close ni papa. "Wala naman. Bakit?" "Ang weird lang ni papa, eh." Sabi ko at napakamot na lang sa ulo.  Hindi kasi gano'n si papa. Kapag nakauwi na ako galing school hindi niya ako papansinin at pag magmamano na ako sa kanya kailangan ako pa ang kukuha ng kamay niya para makapagmano ako o minsan naman sinisigawan niya ako kaya umaakyat na lang ako. "Sabi ko naman sa'yo Hetera kapag nandito ako hindi mag-iinit ang ulo ni dad." Naging seryoso naman ang tono ng boses ni kuya. "O-oo nga naman." Sabi ko at pumasok na sa kwarto. Naghilamos ako at nagpalit na ng damit. Gano'n pa rin ang mga mata ko may contact lenses. Bumaba na ako at dumiretso sa dining room, nandoon na rin sila at tumabi naman ako kay kuya. Nagsimula na rin kaming kumain. "Hetera, kumusta sa school?" Tanong naman ni mama kaya tumigil ako sa pagnguya ng pagkain at uminom muna ng tubig. Hindi okay, ma. Hindi ako okay. Bago pa lang ako, may nambu-bully na.* "Okay lang, ma. Masaya po." Sabi ko at ngumiti ng pilit. "That's good. Masaya ako, masaya ka sa school mo." Nakangiting sabi ni mama. "May nakakaalam na ba sa mga mata mo?" Tanong ni papa, napalunok naman ako. "Meron po---" "ANO?!" Napasigaw si papa kaya naman napayuko ako. "Pa, pakinggan mo muna si Hetera." Singit ni kuya. Kaya naman nagsalita ulit ako, "Pero, secret naman po. Tanggan naman po ako ng dean at hindi naman po sinabi ni Von." Paliwanag ko. "Mabuti naman kung gano'n. Mahihirapan tayong maghanap ng panibagong school kung hindi ka tanggap dahil sa mga mata mo." Sabi ni papa, hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi ni papa. "Nagkita na pala kayo ni Von." Sabi naman ni mama. "Opo." "May magbabantay na sa'yo do'n, anak." Hindi naman ma, eh. Kung alam mo lang ugali ni Von.* "Oo nga po, eh." Nasabi ko na lang. "Darating na ang lolo mo." Sa pagkasabi ni Papa nabulunan tuloy ako kaya inabutan ako ni kuya ng tubig, "Ahh." Sabi ko. Nakakatakot si lolo. Tingin niya pa lang, feeling mo malulunod ka na dahil sa kulay asul niyang mga mata. Isa pa, ayaw niya sa akin. Naalala ko na naman ang pagpapahiya niya sa akin last  time no'ng mag reunion ang lahat ng family namin. Kinakabahan talaga ako kapag may ganitong pagtitipon, dinner with family. Lahat ng Lim ay nag dinner sa isang mamahaling hotel sa Singapore. Doon din nangyari ang pagpapahiya sa akin. "Cheers for the Lim family." Sabi ni lolo at tumayo sila mama, papa, tita, tito at iba pa, nanatili naman kaming nakaupo ng kapatid ko at mga pinsan ko. Matapos nilang itaas ang kanilang baso at sinabi ang katagang 'cheers' umupo na sila at nagsimula na kaming kumain. Hindi pa ako naglalagay ng contact lenses nang mga araw na 'yon.  Habang kumakain kami nagsalita si lolo,"Hetera Lim." Seryosong sabi niya kaya naman inangat ko ang ulo ko at tumingin sa mismong mga mata ni lolo. Nabasa ko tuloy kung ano ang nasa isipan niya. /Iyang mga mata mo, alam mo bang makakasira 'yan sa apelido nating Lim./  'yan ang nasa isipan niya at lumabas din sa bibig niya. Nanatili lamang akong nakatingin sa mga mata niya habang iniisip kung bakit napalaki ng problema nila sa mga mata ko. "Dad." Sabi ni papa. "Hindi kaaya-aya." Umiiling na sabi ni lolo, dismayado sa pagkatao ko.  Hindi mo gugustuhin na ang mismong pamilya mo ang magtutulak sa'yo palayo. Mas mabuti pa na maging ampon na lang kaysa ganito ang mangyari, maiintindihan ko pa kung ampon ako dahil iisipin kong hindi naman nila ako tunay na kadugo kaya magagalit sila sa 'kin. Pero, bakit ang mga mata ko?  Tinatagan ko ang loob ko sa kabila nang tingin nila sa akin, "Grandfather, I'm sorry ganito ang mga mata ko." Sabi ko at nagpakawala siya ng malakas na tawa. /Nagawa mo pang mag sorry sa akin?!/  Napayuko naman ako dahil sa naisip ni lolo. "Helzi, bakit ba gan'yan ang lumabas sa sinapupunan mo? Nakakahiya." Sabi ni Lolo. "Dad, you're insulting my children." Sabi ni mama. "Is that so?"  "Dad, kumain na lang tayo." Sabi naman ni papa pero hindi siya pinapakinggan ni lolo. "Sa susunod, ayokong makita ang pagmumukha mo Hetera. Wala akong apo na may gan'yang mga mata. You disgust me and all the Lim!" Sa sobrang lakas ng pagkakasabi ni lolo binalot ng boses niya ang lugar, mabuti na lang kami lang ang nandito. "Im..I'm sorry, lolo." Naiiyak nang sabi ko. Hinawakan naman ni kuya ang kamay ko, "Don't cry." Sabi ni kuya pero hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak habang kumakain at dahil wala lang silang pakialam, hinayaan ko na lamang ang sarili ko dahil sa paraang ito gumagaan ang pakiramdam ko. "Don't cry, please? Everything will be alright." Tumingin naman ako kay Von na nagsalita sa tabi ko. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at nakita ko ang nasa isipan niya. /Creepy eye monster./ Sa mga oras na 'yon, doon ko nalaman kung ano ang tunay na ugali ni Von. Hindi siya totoo, sa madaling salita mapagpanggap na tao. At iba pang Lim, gano'n din ang naging tingin sa akin kahit na tahimik sila. Isang creepy eyed monster ako sa paningin nila. "Alam mo naman na ayaw ka niyang makita, hindi ba?" Sabi ni Papa. Tumango ako, "Opo." "Dad, next time na lang natin pag-usapan 'to." Sabat naman ni kuya. "Tama si Harles. Kumain na lang muna tayo." Pagsang-ayon ni mama. Kahit wala na akong gana pinilit ko na lang na ubusin dahil mapapagalitan na naman ako ni papa kapag nag-inarte pa ako sa harapan niya, kumain na lang ako ng tahimik habang nagku-kwento si kuya para maibsan ang tensyon sa pagitan namin ni papa. Nang matapos kaming kumain nagtungo ako sa garden. Malamig kasi ang hangin doon at ako lang mag-isa, favorite place ko 'to sa bahay. Minsan ba naiisip mo, bakit nabuhay ka pa? Aanhin mo ang buhay mo kung hindi ka naman nila tanggap. Hindi masaya 'yon. Tumingala naman ako para pagmasdan ang madilim na kalangitan. Siguro nga dapat akong magpasalamat sa'yo kung hindi dahil sa mga mata ko hindi ko malalaman kung ano ang tingin nila sa 'kin pero alam mo ang masakit? Dahil masasakit ang mga salitang binibitawan nila tungkol sa 'kin kahit na hindi nalabas sa mismong bibig nila nakikita ko naman kung ano ang tumatakbo sa kanilang isipan. Bakit ba, ako pa?  Bakit ganito? Karapat-dapat ba akong masaktan, bakit?* Naipikit ko na lang ang mga mata ko dahil nagbabadya ng tumulo ang luha ko.  "Nako, iha. Iiyak mo lang 'yan." What the.* Nasa tabi ko na si manang.  "Manang!" Sabi ko at pinunasan na kaagad ang luhang tuluyang lumabas sa mga mata ko. "Balang araw, maiintindihan mo rin kung bakit ka binigyan ng diyos ng gan'yang magagandang mga mata." "Magaganda? Maganda ba ang sabihan na, creepy eye monster?" At bahagya naman akong tumawa, matagal ko ng tinanggap na gano'n ang tingin ng mga pamilya ko sa 'kin. "Hindi kasi nila naiintindihan, iha. Hayaan mo, nalalapit na ang liwanag sa buhay mo." Mas lalo akong natawa sa sinabi ni manang pero mayroong parte sa puso ko na umaasa na sana mangyari ang sinabi niya. "Palagi ba akong nasa dilim? Gano'n ba manang?" "Tumpak ka diyan!" Nagawa pang magbiro ni manang. "Manang naman, eh." At napabuntong-hininga naman ako. "Ay sus! Pasasalamatan mo rin ako, Hetera. Sinasabi ko sa'yo, kapag dumating na siya." Napakunot naman ang noo, "Tungkol saan naman at sino ang dadating, manang?" "Oh siya, sige na pumasok ka na sa loob at magpahinga dahil bukas may pasok ka pa." Sabi niya ni-hindi man lang pinansin ang sinabi ko. Inalalayan niya na akong makatayo, nakaupo kasi ako sa damuhan. "Sige, manang." Nakangiting sabi ko sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob. Mabuti na lang nandito rin si manang sa tabi ko. Nandiyan din siya no'ng mga panahon na malungkot at umiiyak ako, hanggang ngayon naman. Isa siya sa mga taong nagpapagaan ng loob ko lalo na't kapag nakita niya akong mag-isa, sasamahan niya ako. Kaya napakaswerte ko rin na inalagaan niya kami ni kuya, madami akong natutunan sa kanya dahil sa kabila ng mga masasakit na sinabi ng mga pamilya ko sa 'kin hindi nagbago ang ugali ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD