Hetera's POV Ngayong araw na ang pinakahihintay ng lahat kung saan magkalaban kaming dalawa ni Wilson. Wala nang sinabi si dean na mayroon pa kaming makakalaban na taga-ibang school kaya walang naging problema sa 'ming dalawa ni Wilson. Matapos kong magbihis ay muli akong humarap sa salamin at nilagyan ko na ng contact lens ang isang mata ko. Napahawak naman ako sa aking dibdib saka huminga ng malalim. Kaya mo 'to, Hetera.* "Hetera? Nak?" Lumingon naman ako kay mama na kakapasok niya lang sa kwarto. "Bakit, ma?" "Are you ready? Galingan mo, ha?" Ngumiti naman ako at tumango. Nakatali ang buhok ko ngayon para hindi maging sagabal ang buhok ko mamaya lalo na't gaganapin ang laban sa open auditorium. "Nand'yan na nga pala si Wilson, hinihintay ka sa labas." "Okay." Sabi ko naman at n

