CHAPTER FOUR

1351 Words
RAFAEL Habang nakaupo ako dito sa counter sa loob nag bar upang hintayin ang kausapin ko na kaibigan. Iniisip ko si Khala. Bata pa lang kami gusto ko na siya hanggang sa umalis kami ng bansa na hindi ko alam ang dahilan ni Mommy at Daddy. It's been 10 years na hindi ko siya nakita. Kamusta na kaya siya? Galit ba siya sa akin dahil umalis ako na walang paalam sa kanya? Mga katanungan ko sa aking sarili na hindi ko alam ang kasagutan. Dahil simula ng umalis kami ng Pilipinas wala akong contact sa kanya. Pero ngayon na wala na sila Mommy at Daddy. Kailangan kong bumalik ng Pilipinas. Sana sa pagkikita namin wala pa siyang boyfriend o asawa. Nasa malalim ako nang pag-iisip nang may sumigaw sa aking likuran. Pagharap ko bigla bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ang isang magandang dalaga. "Marlyn dito." Narinig ko ang babae na sumigaw kanina tinawag ang magandang babae na Marlyn pala ang pangalan. Bagay sa kanya ang kanyang pangalan. Sa isip-isip ko. "Cute." Tanging nasabi ko lamang. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Napaka natural wala manlang make-up. "Hey, bro! I'm sorry, i'm late." Bati sa akin nang kaibigan ko kaya napabalik ako sa tamang wesyo. "Bro! What's up! You're late." Wika ko sa aking kaibigan at nagkamayan kami. Niyaya niya akong pumasok sa isang vip room at duon kami nag-usap. May mga kasamahan pa pala siya at mga may mga kasamang babae. Dahil hindi talaga ako katulad nila na mahilig sa babae pagkatapos namin nang importanteng usapan nagpaalam na akong mauna nang umuwi. Hbang palabas ako ng bar napansin ko ang babae na nakayuko kaya tumayo muna ako saka tiningnan siya kung saan siya pupunta. Naisip ko na kung lalabas siya tatanungin ko kung sino ang kasama niya. Ngunit nagulat ako nang nabangga siya ng isang lalaki at nataponan siya ng inumin. Mabilis ang hakbang ko upang lapitan siya dahil napansin ko na lasing na ang lalaki. Sakto nang makalapit na ako siningil siya ng lalaki kaya ako na nag sabi na ako na ang magbayad. Nang tumingin ang magandang babae sa akin napatulala ito na walang kurap na nakatingin sa akin. Hanggang sa hinubad ko ang aking jacket para ilagay sa kanyang likuran. Para hindi siya malamigan. Nagulat nalang ako na tumakbo siya nang mabilis paakyat sa second floor. Susundan ko sana siya dahil nag-alala ako na baka kung saan siya pupunta. Ngunit nakita ko na may yumakap sa kanya na dalawang babae kaya tuluyan na akong lumabas nang bar. Pagkatapos kong bayaran ang lalaki. Kailangan ko pa kasing umuwi sa bahay ng maaga upang mag impake. Aayosin ko lang dito ang naiwan sa akin ng aking mga magulang upang makabalik na ng Pilipinas. Habang naglalakad ako papunta sa aking sasakyan bigla naman pumasok sa aking isipan ang maamo niyang mukha at napaka inosenti nyang mukha. Magkikita pa ba tayo? Tanong ko lamang sa hangin. Pag pasok ko sa aking sasakyan kaagad na akong bumyahe pauwi. "Mommy, Daddy! Kamusta po kayo? It's been 5 months nang iniwan niyo ako. Ang hirap Mommy,Daddy. Ngunit kakayanin kong mabuhay mag-isa. Bukas Mommy aalis na ako. Kailangan ko nang bumalik sa Pilipinas. Duon ko ho ipagpatuloy ang buhay ko. Nakausap ko na po si Tito Bernard. Tutulungan niya po ako para makapag simula ulit. Pangako Mommy, Daddy. Gagawin ko ang lahat maging proud kayo sa akin. Saka baka ho matagal ako dito makabalik. Sana po gabayan niyo ako Mommy, Daddy. I love you and miss you both po." Kausap ko kay Mommy at Daddy. Dinalaw ko sa kanilang libingan dahil aalis na ako bukas papunta ng Pilipinas. Ilang minuto pa ako nanatili sa kanilang libingan hanggang sa umalis na ako. Habang na sa byahe ako bigla kong naalala ang bar at ang babae kaya sa halip na dumiretso ako pauwi. Dumiritso ako sa bar kahit alas onse pa lang nang umaga. Wala naman akong balak pumasok gusto ko lang makita for the last time ang bar kung saan ko nakita ang magandang babae. Pagdating ko sa harapan ng bar tiningnan ko ang paligid. Napaka tahimik. Hanggang sa nag desisyon na akong umuwi. 15 minutes na pag byahe ko nakarating na rin ako sa bahay. Kaagad akong naligo at nagluto ang aking lunch. Pagkatapos kong kumain nagpasya akong matulog muna. Wala akong ginawa buong araw ngunit nakaramdam ako ng pagod. Siguro excited lang na makabalik ng Pilipinas upang makita muli si Khala. Pero kung nuon kapag maisip ko si Khala ang bilis kaagad nang t***k ng puso ko. Pero bakit ngayon sumasagi na sa isipan ko ang babae na nakita ko sa bar. Sa aking pag-iisip hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako ng mahimbing. "Iho, kamusta ang byahe. Saka condolence iho. We're sorry na hindi kami nakapunta. Hindi din namin alam. Kamusta ang byahe?" Sunod-sunod na tanong ni Tita nang sinundo ako na nila ni Tito sa airport. Thanks God, finally I'm already here at the Philippines. Niyakap ako ni Tita at tinapik ako ni Tito sa balikat. Ang bait pa rin nila. Katulad pa rin sila dati na parang anak ang turing nila sa akin. "Maraming salamat, Tita,Tito. Okay lang ho Tita. Biglaang lang din kasi ang nangyari kay Mommy at Daddy. Masakit man na bigla akong iniwanan ng mga magulang ko, pero kailangan kong tanggapin Tita ,Tito." Sagot ko sa kanila. "I'm glad you're okay iho. Welcome back to the Philippines." Masaya na yuran ni Tito. Gusto ko sanang tanungin kung nasaan si Khala. Paglabas ko kanina ng airport hinanap kaagad ang aking mga mata si Khala pero si Tita at Tito lang ang nakita ko. Gusto ko sanang magtanong ngunit nauhan ako ng hiya. "Salamat Tito. Finally after how many years nakabalik din ako dito sa wakas." Masaya kong sabi sa kanila. "Sayang at wala si Khala. Sumama siya sa kanyang kaibigan upang magbakasyon. Hindi bali tatawagan ko siya upang ipaalam na nandito ka na. Kapag malaman niya 'yun, Nako tiyak na uuwi kaagad 'yun." Nakangiti na sabi ni Tita. Kaya ngumiti ako dahil excited na talaga akong makita si Khala. Pero nagtaka ako na hindi na gaano ka bilis ang pagtibok ng puso ko kapag binabanggit ang pangalan niya. Sumasagi kaagad ang magandang imahe nang babae na nakita ko sa bar sa Switzerland. Pinilig ko ang aking ulo para kalimutan ang babae. Dahil malabo na talaga na magkita kami. "Ano ang plano mo iho. Ngayon na nandito ka na?" Tanong ni Tito Bernard habang nasa loob na kami nang kanyang sasakyan. Isasama daw nila muna ako sa kanilang bahay saka na ako maghanap ng matutuluyan. Gusto nga nila na nasa bahay nalang nila ako ngunit sinabi ko na gusto kong mag-isa lang muna para natutunan kong mamuhay mag-isa. Kaya sinabi ni Tita na bukas nalang ako mag hahanap nang condo. Kailangan ko daw muna magpahinga dahil 12 hours ang byahe ko kaya umuo nalang ako sa kanila. "Ahm! Tito gusto ko sana asikasuhin ang naiwan dito ni Daddy na negosyo. Nakakahiya man Tito pero gusto ko sana humingi ng tulong. Kailangan ko lang po ipagpatuloy ang negosyo ni Daddy na naiwan dito Tito." Nahihiya kong sabi. Ngumiti si Tito sa akin at sinabi niya na siya ang bahala sa lahat. Kaya laking pasasalamat ko talaga sa kanila ni Tita. Habang nasa byahe kami panay ang kwento ni Tita sa aking tungkol jay Khala. Tinanong niya din ako sa naging buhay ko sa Switzerland. Gumaan ang aking nararamdaman dahil parang nakatagpo ako muli ng isang Ina. Napaka lambing at bait ni Tita ang saya niyang kausap. Hanggang sa nakarating kami sa kanilang bahay. Tulad pa rin ng dati ang kanilang bahay. Walang pinagbago. Pagbaba ko nang sasakyan. Tiningnan ko ang katabi nang bahay ni Tita. Ang bahay namin nuon. Naging magkaibigan ang magulang ko at sila Tita saka kami ni Khala dahil magkapit bahay kami nuon. Sinabi kanina ni Tita na isang buwan kami nakaalis tumawag raw si Mommy sa kanya na ibinta ang bahay. Wala talaga akong alam sa nangyari nuon. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit basta-basta nalang kami umalis sa Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD