THIRD PERSON Nagtaka na talaga si Marlyn dahil kaka deliver lang ng bulaklak may kumatok na naman ulit. At sa kanyang pagbukas isang malaking teddy bear naman ang binigay. Kasama daw sa pa welcome sa bagong guest. Kahit naguguluhan siya tinanggap niya pa rin. Maya-maya may kumatok na naman. Hindi na sana bubuksan ni Marlyn dahil naisip niya na marami naman siyang hotel na, na puntahan pero walang pa ganito. VIP pa nga siya minsan. Pero dito sa Mindanao may ganito pala sa kanilang hotel? Hindi na sana papansinin ni Marlyn ang kumakatok ngunit hindi talaga tumigil sa pag katok kaya napilitan ulit si Marlyn na buksan kung sino ang kumakatok. Pagbukas niya, isang fresh buko juice naman ang binigay tamang-tama daw inumin sa mainit na panahon. Dahil na-miss rin ni Marlyn ang buko juice tinangg

