CHAPTER TWO

1101 Words
MARLYN "Best, ingat ka. Ma-miss kita. Palagi kang tatawag sa akin huh? I love you best." Naluluha na sabi ni Khala. Nandito kami ngayon sa airport dahil ngayon ang flight namin ni Mommy papunta ng Switzerland. It's been 4 years na tuluyan nang naghiwalay si Mommy at Daddy. Nakaraang linggo lang kami naka graduate ni Khala nang highschool. Ilang beses pang pumunta si Daddy sa school upang kausapin ako. Ngunit hindi ko siya kinausap. Kahapon lang din na approve ang kanilang divorce ni Mommy. Mga isang taon din na iniyakan ni Mommy si Daddy. Kahit hindi sinasabi o pinapakita ni Mommy sa akin. Alam kong mas masaktan siya sa paghiwalay nila ni Daddy. Palagi ko siyang narinig na umiiyak sa kanyang kwarto. Pero ngayon tanggap na ni Mommy na tuluyan nang Hindi talaga Sila ni Daddy. Mas naging bata nga tingnan si Mommy ngayon. Palagi na rin si Mommy pumupunta sa mga party nang kanyang kaibigan. Hindi tulad ng dati na nasa bahay lamang siya. Inaabangan ang pagdating ni Daddy galing trabaho. Inaasikaso sa lahat. Ginawa ni Mommy ang lahat, pero Hindi pa rin sapat para kay Daddy. Si Daddy naman tuluyan na silang nagsama ni Lucy dahil ang balita ko umalis ang kanyang asawa kasama ang kanilang anak. At hindi nagpakita pa kay Lucy. Kinuha ni Lolo ang kompanya kaya hindi ko alam kung ano ang trabaho ni Daddy ngayon. Pero wala na akong pakialam sa kanya. Simula n'ong niloko niya si Mommy nawala din ang respito ko sa kanya bilang isang ama. Yumakap ako kay Khala at hindi din maiwasan na tumulo ang aking luha. Ma-miss ko rin siya. Siya ang sandigan ko n'ong mga panahon na labis akog nahirapan at nasaktan sa paghiwalay ni Mommy at Daddy. Napa swerti nga ni Khala dahil mayruon siyang buong pamilya. Super bait ni Tito at Tita at lagi silang naka suporta sa lahat nang gusto ni Khala. Napaka bait at talino naman kasi ni Khala kaya mahal namin siya. "I love you, best. Salamat sa lahat, lahat. Pagdating ko tatawagan kita kaagad. Mag-ingat ka dito. Saka no boyfriend muna hanggang hindi tayo nakapag tapos ng pag-aaral sa college." Tinaasan ko ang aking kamay para mag promise finger kami. "Promise best. Walang boyfriend hanggang hindi tayo nakapag tapos. I love you best. Ngayon pa lang miss na kita." Wika niya at niyakap ang aking kamay. "Salamat iha, Mag-ingat ka sa pag-uwi. Sending my regards Kay Mommy at Daddy mo." Nakangiti rinnna Sabi ni Mommy Kay Khala. "Ingat kayo,Tita. Ma miss ko ho kayo!" Saad din ni Khala kay Mommy . Pagtapos nagyakapan kaming tatlo bago kami ni Mommy pumasok sa airport para mag check in papunta nang Switzerland. Duon ko ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Duon din kami magsimula ni Mommy nang bagong buhay na wala si Daddy. Bininta na kasi si Mommy lahat na ari-arian namin dito. Kaya hindi pa tiyak kung kailan kami makabalik nang Pilipinas. Humarap ulit ako kay Khala sa huling pagkakataon. "Good bye, Philippines." Bigkas ko nang tuluyan na kami ni Mommy pumasok sa eroplano. Mahabang oras pa ang byahe namin ni Mommy bago kami maka landing ng Zurich airport. Kaya sumandal ako sa upuan saka pumikit. Habang nakapikit ako hindi ko maiwasan na isipin ang mga panahon na kasama pa namin nuon si Daddy. Masaya kaming pamilya kahit saan kami pumunta. Napaka sweet niya Kay Mommy at maalaga sa amin. Kaya nga idol na idol ko si Daddy. Sinabi ko nuon sa sarili ko na kapag oras na magka boyfriend ako. Kailangan katulad ni Daddy. Pero Ngayon nagbago na ang aking isipan. Hindi ko talaga naisip na magawa ni Daddy na lokohin si Mommy. Buong buhay ni Mommy minahal siya at pinagsilbihan. Pero nagawa pa rin na lokohin at saktan ni Daddy si Mommy. Kaya inisip ko din na huwag nalang mag boyfriend o asawa kung katulad lang naman ang mga lalaki kay Daddy na hindi makuntinto. Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang aking luha. Naramdaman ko nalang na pinahiran na pala ni Mommy ang aking pisnge. "Iha, sweety stop crying na. Let's move on. Happy na si Daddy mo sa babae niya. Kaya dapat maging happy din tayong dalawa sa bagong buhay natin. Huwag natin sayangin ang mga luha natin sa mga walang kwenta. Pero kahit ganun ang ginawa nang daddy mo. Tandaan mo Daddy mo pa rin siya sweety. Kaya if time will come na magkita kayo muli kilalanin mo siya bilang daddy." Naluluha na wika ni Mommy. "I love you, Mom!" Wika ko sabay yakap kay Mommy. Napaka bait at mapag-mahal ni Mommy kaya napaka swerte ko na siya ang naging mommy ko. "I love you so much, sweety!" Malambing na wika ni Mommy. Nakatulog kami ni Mommy habang nasa eroplano. After 12 hours na byahe naka lapag na rin sa wakas ang eroplano sa Zurich airport. Excited na akong makita at mayakap si Lolo. Si Lolo Gray ang Daddy ni Mommy. Namatay last year si Lola kaya si Lolo nalang ang magiging kasama namin sa bahay. May mga relatives naman kami dito. Kaya hindi ako mahirapan makisa sa ibang lahi. N'ong nalaman nga nila na dito na kami ni Mommy for good sobra din silang excited na makapunta na ako dito. Paglabas namin nang airport nakaabang na kaagad sa amin si Lolo Gray kaya mabilis ang hakbang ko upang makarating Kay Lolo. Sinalubong ako ni Lolo nang mahigpit na yakap. "Apo ko, I miss you! How's your trip? I'm so glad that finally you're here for good apo!" Masayang turan ni Lolo. Marunong naman mag Tagalog si Lolo dahil palagi siyang pumunta ng Pilipinas nuon. Kaya hindi ako mahirapan mag English. "I miss you Lolo, kahit isang araw ka lang naman nauna dito sa amin ni Mommy." Nakangiti ko ng sabi sa kanya. Umatend din si Lolo nang graduation ko. Siya pa nag ang nag sabit sa akin ng aking medal. Highest honor kami ni Khala. Ginulo naman ni Lolo ang aking buhok. Parang bata pa talaga ang Turing niya sa akin. Lumapit na rin si Mommy at humalik kay Lolo. Matapos ilagay ng driver ni Lolo ang mga gamit namin sa sasakyan. Pumasok na rin kami upang bumyahe sa bahay ni Lolo. Masaya kaming sinalubong nang aming mga relatives at may hinanda pa silang kunting salo-salo para sa pa welcome nila sa amin ni Mommy. Masaya kaming nagkamustahan nang aking mga pinsan at mga Tita at Tito. Bukas daw isasama nila ako mamasyal. Susulitin daw namin mamasyal habang wala pang pasok. Sobrang saya namin ni Mommy sa mainit nilang pag tanggap sa amin. "Thank you Lord." Lihim kong pasalamat sa panginoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD