RAFAEL AFTER TWO YEARS "BRO, ready ka na ba? Ano oras ang flight mo bukas? Mag enjoy ka muna sa bakasyon mo. Ako na muna ang bahala sa kompanya mo." Wika ni Gab, habang umiinum kami ng alak dito sa kanilang bahay sa may biranda. Tinawagan ako ng pinsan ko na kailangan ko na umattend ng binyag ng kanilang anak. Kaya naisipan ko din na magbakasyon muna. Dalawang taon ang nakalipas ngunit hindi ko parin nakita si Marlyn. Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na muli kaming magkikita. Ilang beses na rin ako pumupunta sa Switzerland upang bisitahin si Mommy Amelia at Lolo Gray. N'ong una nga ayaw ko din sana pumunta sa America . Ngunit hindi ko alam kong bakit pati sa Harlem atat na atat na pumunta ako ng Los Angeles California. N'ong namatay si Tito Arnulfo nakuha ko ang lahat na mana n

