THIRD PERSON Hindi makapaniwala si Mrs. Amelia at Mr. Gray na bumalik si Marlyn at may kasama pa'ng tatlong bata. Mahigpit na nagyakapan sina Marlyn at Amelia ng tuluyan ng maka lapit si Mrs. Amelia kay Marlyn. Yumakap din si Mr. Gray nang makalapit siya sa mag-ina na umiiyak. Pagkatapos bumaling sila sa tatlong bata na nakatingin sa kanila. Nakaupo na si Rafael sa sofa habang kasama ang tatlong bata. Kinuha kasi kanina ni Rafael kay Marlyn si Marriane para malaya niyang mayakap ang kanyang Mommy. "Mga apo ko, I love you mga apo. I'm so happy that finally may apo na ako. Thank you Lord!" Naluluha na sambit ni Mrs. Amelia habang isa-isang binuhat ang triplets sabay pug-pog ng halik sa buong mukha. Malakas naman na humagikhik ang mga bata. Pagkatapos kasi ni Mrs Amelia halikan pinasa niy

