SAMANTHA POV Gabi na at nandito kaming dalawa ni Zyne sa living room ng bahay n'ya. Sinabi kasi n'ya na may kailangan kaming pag usapan at nagtataka naman ako kung ano iyon. Baka palalayasin na n'ya ako? ''Zyne, tungkol saan ba ang pag uusapan natin?" tanong ko sa kaniya ng makita ko na may hawak itong isang papel at ballpen. ''Nag isip-isip ako kanina and since nabago na nga lahat according to our first plan. Ngayon ay gagawa pa din tayo ng bagong contract,'' daretsong sabi nito na ikinagulo ng isip ko. ''Contract?" ''Yeah," sagot nito. "Hindi ba may naging contract tayo dati? Ngayon ay pinapawalang bisa ko na 'yon" sabi n'ya at nagulat ako. ''Ibig mong sabihin, hindi na tayo maghihiwalay pagkatapos ng isang taon? Road to forever na tayo?" natutuwang tanong ko. ''Road to forever?

