SAMANTHA POV Panibagong araw at maaga akong gumising ngayon para magluto. Nakakahiya naman kasi kay Sky kung gigising siya na walang almusal dahil bisita pa man din siya rito. Itinatali ko ang buhok ko habang nagmamadaling bumaba ng hagdan ng may narinig akong boses mula sa kusina. ''While waiting for the food, drink your milk first.'' Sumilip ako sa may kusina at anong gulat ko ng may nauna na pala sa akin. ''Oh," wika ni Sky ng mapansin niya ako. "Good morning Samantha,'' nakangiting bati ni Sky na ikina-gulat ko. ''G-Good morning Sky. Good morning Rain,'' nakangiting pagbati ko. ''Good Morning Auntie Samantha,'' pagbati pabalik ni Rain at ngumiti ako. ''Pasensya ka na kung pinakialamanan ko ang kusina niyo ni Zyne. Maaga kasi kaming nagising ni Rain dahil maaga kaming nagpahinga k

