TMIMD 11

2647 Words
Nakahiga ako ngayon at nagiisip ng mga bagay bagay hanggang sa di ko namalayan na nagkatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa sigaw. "Wahhhh!" Sigaw ni lana kaya napadilat ako at agad na hinanap ng mata ko kung nasaan si lana at nakita ko sya sa higaan nya na nakaupo. "Why are you shouting?" Tanong ko kay lana na nasa katabi kong higaan. "Sorry nagising kita." Sabi nya. "Its okay bakit ka ba kase sumigaw?" Tanong ko ulit. "Because Aaron messaged me!" Sabi nya sakin. "Anong sinabi nya patingin dali!" Excited na sabi ko saka tumayo sa hingaan ko at tinabihan sya at pinakita naman nya sakin yung message. @Aaron: Hi L. How are you? @Lana: I'm fine A. You how are you ? @Aaron: Also doing fine, when are you going to visit me here, huh? @Lana: I'm going with my cousins before the vacation ends is that okay? @Aaron: Yeah sure ang tagal na nating hindi nagkikita. @Lana: Sige see you! @Aaron:Bye see you soon i miss you! "Wahhhhh!" Sigaw ko. Bigla namang bumukas yung pinto at iniluwa non si eli. "Anong nangyayari?" Tanong nya samin ni lana. "Tignan mo to eli bilis!" Sabi ko kay eli at dali-daling inabot yung cellphone at binasa yung message ni aaron. "Wahhhhhh!" Sigaw ni eli tapos biglang bumukas yung pinto at iniluwa sila brixx,lorraine at matheo. "Anong nanayari?" Tanong ni brixx. "Nothing." Sabi ni eli. "Sigaw kayo ng sigaw ano ba yung tinitignan nyo?" Tanong ni lorraine. "Tanong mo kay lana." Sabi ni eli kay lorraine. "Ano yon lana?" Tanong ni brixx. "Nagmessage kasi si aaron tapos pinabasa ko sa kanila." Sabi ni lana. "Ano namang minessage?" Tanong pa ni brixx. "Eto oh tignan mo." Sabi ni lana sabay abot ng cellphone. Maya maya pa ay natapos nya nang basahin. "Pupunta tayo doon bago matapos yung bakasyon?" Tanong ni brixx. "Yes magpapaalam tayo kay tita." Sabi ni lana. "Baka hindi tayo payagan." Sabi pa ni brixx. "Ako magpapaalam kay mommy." Sabi ko sa kanila. "Wahhh makakalabas ulit tayo ng bansa!" Tuwang tuwa na sabi ni eli. "Gustong gusto mo talagang umalis ng Pilipinas eli." Sabi sa kanya ni lorraine. "Hindi naman nakakasawa na kasing magstay dito gusto kong makakita ng ibang lugar." Sagot ni eli kay lorraine. "Brixx gusto daw nyang makakita ng ibang lugar sya nalang ipatapon mo sa Europe." Sabi ni lorraine kay brixx. "Ipatapon sa Europe?" Takang tanong ko. "Yeah ipapatapon ko si lorraine sa Europe." Sagot ni brixx sakin. "Nako brixx nalove at first sight kalang kay Lhove eh!" Sabi ni lorraine kay brixx. "Lhove?" Sabay sabay na tanong namin. "Si Lhove Kyle's cousin." Sabi ni lorraine. "Pinsan ni kyle?" Sabay sabay na tanong ni lana eli at matheo. "Oo." Sagot ni brixx. 'Kyle?' 'Lhove?' Tanong ko sa sarili ko na ikinasakit ng ulo ko kaya napahawak ako sa ulo ko at napansin yata nila yon. "Anong nangyayari sayo andra?" Tanong ni brixx sakin "Sumasakit yung ulo ko." Sagot ko kay brixx habang nakahawak padin sa ulo. "Kumuha ka ng biogesic lorraine!" Utos ni brixx kay lorraine sinunod naman kaagad ni lorraine si brixx. Maya maya ay dumating na si lorraine na may dalang biogesic at tubig na agad binigay sakin. "Inumin mo na saka ka humiga." Sabi sakin ni lorraine. "Thank you!" Sabi ko at ininom na yung gamot saka humiga sa kama. "Bakit sumakit yung ulo mo?" Tanong ni brixx sakin. "Lhove? Pamilyar yung pangalan na yan." Sabi ko kay brixx. "Anong itsura nung lhove?" Tanong ko pa kay brixx. "Andra wag mo na munang intindihin si lhove magpahinga ka muna at maya maya ay kakain na tayo." Sabi ni brixx sakin. "Anong oras na ba?" Tanong ko kay brixx. "5:39 PM." Sabi ni brixx. "Thanks!" Sabi ko at pumikit at diko na namalayang nakatulog na pala ako. "Andra!" May tumawag sakin kaya idinilat ko yung mata ko para makita kung sino yung tumawag. "Bakit brixx?" Tanong ko nung nakita ko sya sa tabi ko. "Kakain na." Sabi nya kaya tumango ako at tumayo para pumuntang banyo. "Okay wait nyo nalang ako." Sabi ko kay brixx at pumunta na ng banyo para may hilamos at toothbrush saka lumabas. "Tara na!" Yaya ko sa kanila. "Dito tayo kakain." Sabi ni brixx. "Ah kala ko kase sa labas." Sabi ko at umupo na sa tabi ni lana. "Kain na tayo gutom na ako." Sabi ko sa kanila at kumuha na ng pagkain. Habang kumakain kami ay nanonood kami ng netflix. "Andra okay ka na ba?" Tanong ni lana sakin. "Yeah i'm now okay." Sagot ko kaya tumango sya. Nang matapos kaming kumain ay nagsipuntahan na kami sa kuwarto para mag pahinga dahil 8:00 pm na. "Lana kamusta kayo ni aaron?" Biglang tanong ni lorraine kay lana. "We're fine i guess?" Patanong na sagot nya. "Ano nang relasyon nyo?" Tanong ni eli. "We're bestfriends." Sagot ni lana. "Still bestfriends? Ang tagal namang maging kayo." Sabi ko. "Dont pressure me!" Sabi ni lana sakin na ikinatawa namin. "hindi ko pa nga alam nararamdaman nya sakin eh." Dagdag pa ni lana. "Aww. Friendzone!" Mapangasar na sabi ni eli kay lana kaya nagtawanan ulit kami. "Ikaw din naman eli friendzone ka kay carl." Sabi ni lana na ikinatahimik ni eli. "Oh eli natahimik ka yata?" Natatawang tanong ko. "Tinamaan si eli." Tumatawang saad ni lorraine. "Tigilan mo ko lorraine ikaw nga pinagpalit sa kamukha ng idol nyo." Sabi ni eli na ikinatawa namin. "Foul ka!" Sabi ni lorraine kay eli na mas lalong ikinatawa ko. "Hoy andra ikaw tawa ka lang ng tawa jan porque ang suwerte mo sa boyfriend mo." Sabi ni eli sakin na ikinataka ko. "Boyfriend?" Takang tanong ko. "Yari ka kay brixx eli." Pananakot ni lorraine kay eli. "A-ano ka ba e-eli n-niloloko k-ko lang naman si a-andra." Utal utal na sabi ni eli. "Tigilan nyo na nga yan at matulog na tayo." Saway sa kanila ni lana kaya nagsiayos na sila at kanya kanyang humiga kaya humiga na din ako at natulog. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Naglalakad ako ngayon papunta sa loob ng mall para bumili ng ireregalo ko kay kyle. Nang matapos akong makabili ay nagikot ikot muna ako sa mall hanggang sa nakita ko si kyle malapit na ako sa kanya ng biglang may dumating na babae at lumapit ito sa kanya kaya napatigil ako. "Kyle!" Sabi nung babae kay kyle at yumakap may naramdaman naman akong kung anong sakit sa puso ko. "Lhove!" Sabi ni kyle sa babae at niyakap nya pabalik yung babae kaya pakiramdam ko ay tinusok ng maraming karayom yung puso ko at hindi ko namalayan na pumatak na pala yung luha sa mata ko . Naglakad ako papalayo sa kanila habang naguunahang tumulo ang mga luha ko. 'It's nothing Andra!' Pagkukumbinsi sa sarili ko. 'Wala silang relasyon.' Sabi ko pa sa sarili ko. 'Baka pangalan lang nung babae yung love.' Pag kukumbinsi ko ulit sa sarili ko habang naglalakad papuntang parking lot. Nang makarating ako sa kotse ko ay agad akong umalis at dumiretsyo sa bahay namin. Pagkarating ko sa tapat ng bahay ay inayos ko muna yung mukha ko at pumasok. "Hi andra!" Nakangiting salubong sakin ni lana. "Hello lana!" Sabi ko at ngumiti ng pilit. "Akyat na ko lana ha pahinga na ko nakakapagod kasi eh." Sabi ko kay lana at tumango naman sya kaya dumiretsyo na ko sa banyon ng kuwarto ko at naligo bago dumiretsyo sa kama. 'Kyle sino ba kase sya?' Tanong ko sa isip ko. 'Bakit hindi mo sinabi saking may kasama kang ibang babae ngayon?' 'Sawa ka na ba sa ugali ko?' 'Kyle bakit mo nagawa sakin to?' Ilan lang yan sa mga tanong sa isip ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. "ANDRA! GISING!" Biglang may sumigaw kaya napamulat ako ng aking mata. "Bakit?" Takang tanong ko kay eli. "Ako dapat magtanong nyan sayo eh bakit ka umiiyak?" Tanong ni eli sakin. "Huh? Umiiyak?" Takang tanong ko at kinapa yung mukha ko. "Oo umiiyak ka." Sabi pa ni eli sakin. "bakit ka nga umiiyak andra?" Tanong nya pa sakin. "Nanaginip lang."sagot ko at kinuha yung cellphone ko sa side table para tignan yung oras 5:30 am palang pala. "Ano namang napanaginipan mo?" Tanong nya sakin. "Something happened in my past i guess?" Patanong na sagot ko. "Sino naman napanaginipan mo." Tanong nya pa. "Kyle." Simpleng sagot ko pero gulong g**o na ko kung sino si kyle sa buhay ko? Kung ano sya sa buhay ko? "Si kyle na naman?" Sabi nya. "Oo andami na ngang tanong sa isip ko tulad ng kung sino ba talaga sya sa buhay ko." Sabi ko kay eli at inintay ang isasagot nya pero wala akong nakuhang sagot sa kanya. ~~RING~~RING~~ Nagring yung cellphon eko kaya sinagot ko kaagad yung tawag. "Hello?" Sabi ko. "Hi andra!" Sabi ng boses lalaki sa kabilang linya. "Wait did i know you?" I asked. "Yeah! You know me before." Sagot ng lalaki sa kabilang linya "Wait your voice is kinda familiar." Sabi ko at pilit inaalam kung sino ang may ari ng boses na yon. "Don't overthink baka sumakit ulit yung ulo mo?" Sabi nya sakin. "Pano mo nalaman lahat ng sinasabi mo?" Takang tanong ko. "and wait sino ka ba?" Tanong ko pa. "Ayokong sabihin baka sumakit pa yung ulo mo." Sabi nya. "Prank ba ito?" Tanong ko. "No this is not a prank theandra odyssey!" Sabi nya "How did you know my second name?" Tanong ko sa kausap ko sa cellphone. "Lets just say malapit na malapit na tao sa buhay mo." Sabi nya. "Alam mo kuya kung pinaprank mo ko hindi ako natutuwa." Sabi ko na ikinatawa nung lalaki sa kabilang linya. "anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya. "Wala naimagine ko lang yung mukha mo habang inis ka." Sabi nung lalaki sa kabilang linya na lalong ikinainis ko. "Bye! I dont have time for your shits!" Sabi ko sa kabilang linya at ibinaba na yung tawag at dumiretsyo sa banyo para gawin yung morning routines ko. Nang lumabas ako sa banyo ay 6:30 na. "Andra ang tagal mo naman." Bungad sakin ni eli. "Sorry naman!" Sabi ko kay eli at tumawa "Pumasok ka na sa banyo." Sabi ko at itinulak sya papasok sa banyo. Pumasok na si eli sa banyo kaya lumabas na ko ng kuwarto at nadatnan ko si brixx. "Andra ang aga mo yatang nagising ngayon saka nasan na sila?" Tanong nya. "Ginising ako ni eli kase umiiyak ako habang natutulog. Sila lana at lorraine ay tulog pa tapos si eli naman naliligo." Sagot ko kay brixx tumango naman sya. Umupo ako sa single sofa para makinood. "Anong title nyan?" Tanong ko kay brixx. "Harry potter." Sagot ni brixx kaya tumango tango naman ako at nanoood nalang din. Maya maya ay may narinig kaming pagbukas ng pinto kaya napatingin kami ni brixx. "Andra, brixx aga nyong nagising ah!" Bungad samin ni lorraine. "Yeah ginising kase ako ni eli eh!" Sabi ko. "Maaga naman talaga ako magising." Sabi ni brixx kay lorraine kaya lumapit sa kanya si lorraine at binatukan si brixx. "Asa kang maaga ka laging nagigising." Sabi ni lorraine sa kanya at akmang babatukan ni brixx si lorraine pero hindi nya natuloy dahil nagsalita ako. "Oo nga naman brixx asa kang maaga kang nagigising araw araw!" Sabi ko sa mapangasar na tono. "Kala mo sya ang agang nagigising eh hindi din naman." Sabi nya sakin. "Okay lang atleast ako inaamin ko eh ikaw inamin mo ba? Hindi diba?" Sabi ko ulet kay brixx. "Bwisit na yan pinagtutulungan nyo ko ah jan na nga kayo gigisingin ko na si matheo." Sabi ni brixx at nagwalkout kaya naman natawa kami ni lorraine. "Ano lorraine maligo ka na." Boses ni eli sa may pinto kaya napalingon kami ni lorraine don. "Sige na lorraine maligo ka na." Sabi ko kay lorraine. "Okay chill lang kayo maliligo na ako wait!" Sabi nya at nanakbo papasok sa cr kaya umupo ulit ako sa sofa na inuupuan ko kanina. Maya maya ay may narinig ulit akong pagbukas ng pinto pero binalewala ko nalang yon. "Andra breakfast na tayo?" Biglang may nagsalita sa gilid ko na ikinagulat ko. "Ano ba yan brixx nakakagulat ka naman eh!" Sabi ko kay brixx "Kumpleto na ba tayo? Gising na ba sila lana?" Tanong ko sa kanya. "Oo gising na sila intay nalang daw natin sila sa baba." Sabi nya sakin kaya tumango ako. "Tara." Sabi ko kaya naglakad naman kaagad sya at iniwan akong nakatayo doon. Nanakbo ako palabas ng room para maabutan si brixx at naabutan ko sya sa tapat ng elevator. "Brixx bakit ka ba kase nangiiwan?" Tanong ko kay brixx "May nagiintay satin sa baba." Diretsyong sabi nya. "Sino?" Tanong ko pero di sya sumagot at dali daling pumasok sa may elevator. "Brixx sino ba kase?" Tanong ko ulit sa kanya. "Si kyle okay ka na?" Sabi nya. "Si kyle?" Tanong ko sa kanya. "Oo nga binge ka ba?" Inis na sagot nya sakin kaya nanahimik nalang ako dahil pakiramdam ko ay maiiyak na ko dahil sa salitang lumalabas sa bibig ni brixx ngayon ko lang kase sya narinig magsalita ng ganon. Nang makarating kami sa baba ay hindi pa din ako nagsasalita hanggang sa makarating kami sa restaurant. "Brixx!" Biglang may sumigaw huminto sa paglalakad at kaagad lumingon si brixx pero ako ay nagpatuloy lang sa paglalakad. Nahinto ako sa paglalakad ng may humawak sa pulsuhan ko at tinignan ko kung kaninong kamay yon. "Bitaw!"sabi ko kay brixx pero hindi sya bumitaw "BITAW. BRIXX." Madiing sabi ko pero hindi nya padin ako binitawan. "Ano bang problema mo brixx kanina ka pa ha!"sabi ko kay brixx at pilit ikinakawala yung isang kamay ko sa pagkakahawak nya. "Ano ba brixx?" Nawawalan ng pasensyang sabi ko pero hindi sya natinag. "Ano ba brixx parang kanina ay hindi mo ko magawang intayin hindi mo ko magawang sabayan at ang sasakit ng mga salitang sinabi mo tapos ngayon ayaw mo kong bitawan ano bang nangyayari sayo?" Umiiyak na sabi ko. Bigla nya akong hinila at niyakap. "Sorry wala lang ako sa mood. Sorry andra hindi ko sinasadya wag ka nang umiyak tahan na." Sabi nya sakin habang hinahaplos yung buhok ko. "Sorry talaga andra gusto ko lang talaga syang makita eh!" Sabi sakin ni brixx. "Huh? Sinong gusto mong makita?" Tanong ko at kumawala sa yakap nya. "W-wala g-gusto ko na talagang makita si Lh-kyle eh!" Sabi nya at hindi ako sumagot dahil ramdam kong nagsisinungaling sya. "Tara na sa table nandoon na sila kyle." Sabi nya. "Sila kyle sinong kasama si kyla?" Tanong ko pa at tumango naman sya pagkadating namin sa lamesa ay biglang sumigaw si kyla. "ATE ANDRA!" Sigaw nya at lumapit sakin at yumakap kaya niyakap ko din sya pabalik. "I miss you ate!" Sabi ni kyla sakin. "I miss you too kyla!" Sabi ko sa kanya "Oh tama na drama umupo na kayo." Sabi ni kyle na may katabing babae may naramdaman naman akong kakaibang sakit sa puso ko nung may nakita akong babaeng katabi nya. Nakaupo na ko sa tabi ni brixx. "Andra meet Lhove." Sabi ni brixx tinignan ko naman yung babae at pamilyar sya sakin. "Lhove meet Andra my cousin." Sabi pa ni brixx. "Nice to meet you andra!" Nakangiting sabi ni lhove kaso hindi ko magawang magsalita dahil sumasakit na naman yung ulo ko. "Andra be nice to her!" Sabi ni brixx sakin pero hindi ko sya pinansin at napahawak nalang ako sa ulo ko. "Andra anong nangyayari sayo?" Tanong sakin ni brixx nung mapansin nyang nakahawak ako sa ulo ko. "A-ang s-sakit n-ng u-ulo k-ko." Utal utal na sagot ko habang nakahawak padin sa ulo ko. May nagabot naman ng tubig sakin. "T-thank y-you." Sabi ko pero bago ko pa maabot yung baso ay unti unti nang nagdilim yung paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD