Nang matapos kaming manood ay 11:50 a.m na kaya bumaba na kami at pumunta na ng restaurant nakita kaagad namin si kyla na nakaupo at mukhang iniintay kami.
"Kyla!" Biglang sigaw ni eli kaya napatingin yung ibang tao sa gawi namin dahil sa sigaw nya.
"Ate elisse!" Masayang sabi nya saka tumayo at sinalubong kami.
"Kanina ka pa ba kyla?" Tanong ko.
"Hindi naman ate andra kakarating rating ko lang." Nakangiting sabi nya kaya tumango nalang ako.
Pagdating namin sa mesa ay umupo na kami sa pabilog na mesa.
Katabi ko sa kanan si brixx habang sa kaliwa naman si matheo nasa tabi naman ni matheo si eli sa tabi naman ni eli si lana sa tabi naman ni lana si lorraine at napapagitnaan naman ni brixx at lorraine si kyla.
"Order na tayo ng foods." Sabi ni brixx.
"No need nakaorder na ko ng foods kanina pagkadating ko." Sabi ni kyla.
"Ah okay intayin nalang natin." Sabi ni brixx.
"Ate elisse nakabili ba kayo ng bagong labas na libro?" Tanong ni kyla kay eli.
"Oo nakabili kami nung nakaraan bakit?" Sabi ni eli.
"Buti pa kayo nakabili samantalang ako naubusan ng stock." Sabi nya.
"Okay lang yan maglalabas pa ulit yun ng bagong copies." Sabi ni lana.
"Oo nga naman maglalabas ulit sila ng bagong copy nung libro." Sabi pa ni eli.
"Oo nga naman hahahha." Natatawang dabi ni kyla.
Maya maya ay sinerve na yung pagkain.
"Ate andra kamusta ka na?" Tanong nya sakin.
"I'm fine!" Sabi ko saka ngumiti.
"How about your memories? May naaalala ka na ba?" Tanong nya pa.
"I guess my memories show up in my dreams because i see you in my dream before we see each other again." Sagot ko.
"Bakit hindi mo sinabi samin yon andra?" Tanong ni brixx.
"Hindi ko sinabi dahil hindi ako sigurado brixx malay mo panaginip lang naman talaga at wala syang connection sa buhay ko." Sabi ko kay brixx.
"Okay but if you have a dream about something please tell us." Sabi ni brixx sakin.
"Okay! I'll tell you." Sabi ko at kumuha na ng pagakin ganon din sila.
Kakaonti lang yung kinuha kong pagkain pero biglang umepal si brixx.
"Andra anong klaseng kain nyan?Are you starving yourself?" Tanong nya.
"No! I'm not." Sabi ko.
"Then what are you doing right now?" Tanong nya pa.
"I'm not that hungry brixx." Sabi ko.
"At bakit hindi ka gutom andra?" Biglang tanong ni lorraine habang nakataas yung isang kilay.
"Kase naman ang dami kong nakain kagabi saka kanina." Pagdadahilan ko.
"It's an hours ago andra!" Masungit na sabi ni lana.
"Oo nga naman ate kanina pa yung huling kain nyo." Sabi ni kyla.
"Okay fine kakain na ko ng marami parang gusto nyo kong patabain eh!" Sabi ko.
"No! Hindi ka namin gustong patabain kailangan mo lang talagang kumain ng maraming kanin." Sabi ni brixx habang naglalagay ng pagkain sa plate ko kaya wala na kong nagawa.
Nang napansin ko na mapupuno na yung pinggan ko ay pnigilan ko na sya.
"Stop it brixx mapupuno na yung pinggan ko pero hindi mo padin tinitigilan yung paglalagay." Sabi ko.
"Okay kumain ka na!" Sabi nya saka humarap sa pinggan nya ta kumain kaya kumain na rin ako.
Habang kumakain kami ay biglang tumunog yung cellphone ni kyla kaya sinagot nya yon.
"Hello kuya?" Sabi nya.
"Kumakain na ko." Sagot nya.
"I'm eating with ate andra why?" Sabi nya.
"Okay i'll go kumakain ako bye!" Sabi nya kasa binaba yung phone.
"sorry guys hinahanap kasi ako ni kuya eh." Sabi pa nya.
"Its okay!" Sabi ni brixx at nagpatuloy na kumain kaya ganon din ang ginawa namin.
Maya maya ay may tumunog na cellphone sa lamesa namin.
"Kaninong cellphone yung tumutunog?" Tanong ni lorraine.
"I dont know." Sagot ni lana.
"Andra your phone is ringing." Sabi sakin ni brixx.
"Sorry, excuse me sasagutin ko lang to!" Sabi ko at tatayo na sana ng hawakan ni brixx yung kamay ko.
"No! dito mo na sagutin yung tawag we dont mind" sabi ni brixx kaya tumango ako.
Pagkasagot ko ng tawag ay bumungad sakin yung boses ni daddy.
"Hello andra kailan kayo uuwi?" Tanong nya.
"I dont know dad." Sagot ko.
"Ask brixx." Sabi ni daddy.
"Okay dad!" Sabi ko saka tinanggal sa tenga yung cellphone at humarap kay brixx.
"brixx kailan daw tayo uuwi?" Tanong ko.
"Five days i guess?" Sabi nya.
"Okay thanks!" Sabi ko at tinapat ulit sa tenga yung cellphone ko.
"Dad five days pa daw po." Sabi ko.
"Okay just call us if you guys need anything." Sabi ni daddy.
"Okay dad i'll hang up the phone we're eating bye dad love you!" Sabi ko.
"Bye princess love you too!" Sabi nya saka binaba yung linya.
"Anong sabi?" Tanong ni brixx.
"Call them if we need anything." Sagot ko kay brixx saka bumalik sa pagkain.
"Ah okay!" Sagot ni brixx saka tinapos yung natitira nyang pagkain.
"Swimming tayo." Yaya ni kyla samin.
"Sure!" Sabi ni lana.
"Magpapalit muna kami intay ka nalang o kung sinong mauna sa lobby ng hotel." Sabi ni brixx.
"Sige kuya brixx!" Pagsangayon nya sa idea ni brixx.
Nang matapos na kaming kumain ay nagkuwentuhan Pa kami bago umakyat.
"Magbihis ka na andra." Sabi ni eli sakin na nakabihis na.
"Okay!" Sabi ko saka pumunta ng banyo.
Nagsuot ng kulay red one piece swimsuit saka ko pinatong yung cover up tinuro na kasi sakin ni elisse yung mga tawag sa damit na sinusuot pagnasa beach.
Pagkatapos ko ay lumabas na ko at naabutan ko sila sa sala lahat sila bihis na.
"Tara na sorry kung naghintay kayo!" Sabi ko at lumapit na kay brixx.
"Tara na!" Sabi ni brixx sabay akbay sakin ay kinalakdad na ko palabas ng pinto.
Nang nakarating na kami sa baba ay nakita namin si kyla na nakaupo sa upuan kasama yung kuya nya.
"Kyla!" Sabi ko nung nakalapit na kami.
Lalapitan ko na sana sya at aalis sa tabi ni brixx pero biglang humigpit yung pagkakakapit ni brixx sa balikat ko.
"Brixx anong nangyayari sayo?" Takang tanong ko sa kanya.
"Nothing mamaya mo na sya lapitan dito ka muna." Sabi nya sakin.
"Tara na swimming na tayo." Sabi pa ni brixx at inakay na ko papunta sa beach.
"Brixx sabihin mo nga sakin ano bang trip mo ha?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman akong ginagawa ah?" Sabi nya.
"Wala daw eh bakit mo ko pinigilan lapitan si kyla huh?" Sabi ko sa kanya habang nakataas yung isang kilay.
"Wala wag ka na nga madaldal andra." Sabi nya sakin kaya tumahimik na kami.
Nang makarating kami sa tabing dagat ay agad nagtakbuhan sila elisse papunta sa dagat.
"Andra come here!" Sigaw sakin ni eli kaya pupuntahan ko na sana sya kaso ayaw pa din akong paalisin ni brixx.
"Elisse ayaw akong paalisin ni brixx oh!" Pagsusumbong ko kay eli kaya lumapit si elisse samin.
"Brixx how can andra enjoy our vacation kung ayaw mo syang paalisin sa tabi mo?" Sabi ni elisse.
"Mamaya na si andra." Sabi ni brixx na nakatingin kungsaan.
"Brixx stop being possessive!" Sabi ni eli kay brixx.
"Okay fine!" Sabi nya kay eli saka ako hinarap
"Okay you can go now." Sabi nya kaya inalis ko kaagad yung cover up ko.
"Brixx hawakan mo please!" Sabi ko at nagpacute inabot naman kaagad nya yon kaya tumakbo na ko sa dagat.
"Ate andra bakit ngayon ka lang lumusong sa tubig?" Tanong ni kyla sakin.
"Ayaw akong paalisin ni brixx eh!" Sabi ko
"Oh kala ko ayaw mo pa magswimming." Sabi nya.
"Gusto ko magswimming kyla yung unang pagkikita nga natin nagswimming tayo pag katapos natin magbreakfast eh!" Sabi ko nakita ko naman yung pagbilog ng mata nya at natulala.
"what's wrong kyla?" Nagaalalang tanong ko.
"Ate nakakaalala ka na?" Tanong nya.
"No i'm not but some of my memories with you and your family." Sabi ko
"Really naaalala mo na ko?" Paninigurado nya pa.
"Yeah naaalala na kita." Sabi ko.
"OMG!" Biilang sigaw nya kaya napatingin samin sila elisse at bigla namang tumakbo papalapit sami si brixx at yung kuya nya bigla namang bumilis yung t***k ng puso ko nung lumapit sila hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumilis yung t***k ng puso ko.
"Anong nangyari?" Sabay na tanong nung kuya nya saka ni brixx.
Nasa likod ko sa brixx habang nasa likod naman ni kyla yung kuya nya.
"Nothing happened." Sabi ko.
"Bakit ka ba kasi tumili ha kyla?" Tanong ko kay kyla.
"Sorry wala namang masamang nangyari nagulat lang ako sa sinabi mo ate." Sagot ny sakin.
"Nagulat ka pa e kanina sinabi ko na sayo yon habang kumakain ah!" Sabi ko pa kay kyla sabay tingin sa paligid at nakita ko sila eli na nakalapit na pala samin.
"What happen to both of you? Bakit ka tumili Kyla?" Tanong ni eli.
"Wala nga daw elisse hindi ka ba nakikinig." Pangbabara sa kanya ni lorraine kaya natawa naman kami ni brixx na nasa tabi ko na.
Sasagot na sana si eli ng magsalita si brixx.
"Oh wag na kayong magaway!" Sabi ni brixx na nakapagpatahimik sa kanilang dalawa.
"Andra tara!" Sabi nya at hinila ako paalis sa tubig kaya ni lingon ko sila at sinenyasan ng sandali.
"Saan mo ko dadalhin brixx?" Tanong ko habang hinhila nya ako paalis ng dagat.
Nang makarating kami sa buhanginan ay nagsalita na sya.
"Anong nangyari kanina?" Tanong nya sakin.
"Wala sinabi ko lang sa kanya na naaalala ko na sya." Sabi ko.
"Naaalala mo na?" Gulat na tanong nya.
"Hindi lahat ng memories ko naaalala ko na kayo palang pamilya ko saka si kyla." Sabi ko.
"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong nya pa.
"Ngayon ko lang napagtanto paggising ko nalang isang araw naaalala ko na kayo." Sabi ko kay brixx.
"Ang saya ko at naaalala mo na kami!" Sabi nya.
"Oo na masaya ka na ngayon puwede na ba kong magswimming sayang punta ko dito brixx." Natatawang sagot ko.
"Ay oo nga pala ang hilig mo magswimming sige na punta ka na don." Sabi nya kaya tumakbo na ko papunta kila eli.
Nang makarating ako ay bigla akong sinalubong ni elisse.
"Anong nangyari kanina ha?"
"Anong ginawa mo at sumigaw si kyla?" "Anong pinagusapan nyo ni brixx?"sunod-sunod na tanong nya
"Chill eli mahina kalaban." Sabi ko sa kanya na ikinagulat nya at nila lana,lorraine at matheo.
"Eli?" Sabay-sabay na sabi nila kaya napatingin yung ibang tao samin.
"Oo eli nickname ni elisse." Sabi ko.
"Paano mo naman nalaman nickname ko andra?" Tanong ni eli sakin.
"May naaalala ka na ba?" Tanong ni lorraine.
"Meron na naaalala ko na kayo pero hindi lahat ng nangyari sakin naaalala ko na." Sabi ko.
"NAKAKAALALA KA NA MAKAKAPUNTA NA TAYO NG SOKOR!" Biglang sigaw ni eli.
"Eli dont shout!" Saway ni lana kay eli.
"Kase sigaw pa." Sabi ni lorraine.
"Excited lang naman akong makapunta ulit ng Korea eh!" Pagdadahilan nya pa.
"We're not going to korea eli dito lang tayo sa Philippines habang hindi pa nya naaalala lahat." Sabi ni lana.
"Okay fine we're not going!" Sabi nya.
"It's okay eli nakapunta na naman tayo sa Sokor diba saka nalang ulit pag may concert." Sabi ko.
"Okay!" Sabi nya
"Magswimming na nga alang tayo puro tayo daldal." Sabi nya.
"Nasan nga pala si kyla?" Tanong ko.
"Ayun oh!" Tinuro nya si kyla kasama yung kuya nya.
"KYLA!" Sigaw ko kaya napatingin yung tao sakin but i dont care nakita ko syang nagkipagusap sa kuya nya saka sya tumakbo papalapit sakin.
"Ano yon ate?" Tanong nya.
"Liwaliw tayo!" Sabi ko.
"Sige ate!" Sabi nya.
Nasa dagat lang kami hanggang sa magsunset.
"Ang ganda talaga ng sunset!" Sabi ko sa kawalan.
"Yeah it's beautiful!" May pamilyar na boses na nagsalita sa likod ko kaya lumingon ako.
"Brixx!" Gulat na sabi ko.
"Are you hungry?" Tanong nya sakin.
"Hindi pa naman intay nalang natin silang matapos." Sabi ko kaya umupo sya sa tabi ko.
"May camera ka bang dala brixx?" Tanong ko dahil hindi nalagay ni eli yon sa bag ko.
"I have kaso nasa room natin." Sabi nya.
"Sayang naman." Sabi ko tapos lumingon lingon at nakita ko si eli papalapit sami may hawak na dalawang camera at pamilyar yung isang camerang hawak nya.
Nang makalapit sya ay nakita ko ng malapit yung camera at akin nga yon.
"Oh yung camera mo andra." Sabi nya sabay abot sakin nung purple na instax.
"Oh kala ko hindi to nadala kasi wala sa bag ko." Sabi ko.
"Nasa bag ko kase hindi ka naman marunong kumuha ng picture diba?" Sabi nya.
"Yeah i know ngayon alam ko na ulit kung paano kaya alis ka jan bilis wag mong harangan yung araw." Sabi ko saka sya hinawi kaya wala syang nagawa.
Nakailang takes ako ng sunset at pinicturan ko din yung ibang tao ng stolen kasama doon yung mgapinsan ko kuha lang ako ng kuha ng picture ng maytumawag sakin.
"Andra tara na kakain na!" Sabi ni brixx na nasa likod ko kaya tumango ako sa kanya at naglakad kasabay sya.
Nakarating kami sa restaurant na at nakita ko doon sila kyla kumpleto na sila at kami nalang ni brixx yung kulang kaya naglakad na kami at umupo sa pabilog na lamesa nagkuwentuhan naman kaagad sila na hindi sila makapaniwalang naaalala ko na sila.
Maya maya ay dumating na yung pagkain kaya kumain na kami hindi na nila ako pinilit kung konti yung kakainin ko o hindi.
Natapos kaming kumain kaya nagpaalam na kami sa isat isa dahil sa pinaka taas kami habng sila ay nasa 5th floor.
Nangmakarating kami sa room ay tumawag sakin si mommy.
"Hello mom?" Sabi ko.
"Theandra tama ba yung narinig ko na nakakaalala ka na?" Tanong nya.
"Yes mom nakakaalala na ko pero hindi ko pa naaalala lahat tanging kayo lang na pamilya ko at si kyla ang naaalala ko." Sabi ko.
"I'm glad na nakakaalala ka na kahit hindi mo pa naaalala lahat masaya na ko." Sabi nya.
"I'm happy too mommy!" Sabi ko.
"Sige na anak ako na magsasabi sa daddy mo matulog ka na at bawal kang mapuyat bye love you princess!" Sabi nya.
"Bye love you too mommy!" Sabi ko at ibinaba nayung linya.
Dumiretsyo ko sa bathroom at naligo para makatulog na nang matapos ako sa banyo at bago ilagay sa side table ay nagalarm ako ng 6 a.m saka ako nahiga.