Pagkatapos naming magkuwentuhan ay dumating si mommy. "Mom puwede po ba kaming pumunta sa beach resort natin?" Tanong ni matheo kay mommy. "Pwede, kahit gaano pa katagal dahil wala pa namang pasok." Sagot ni mommy. "Nice one!" Sigaw ni brixx. "Thank you tita." Pasalamat ni elisse kay mommy. "Magayos na kayo pwede na kayong umalis papahatid ko nalang kayo sa van natin saka text nyo nalang ako kapag uuwi na kayo." Sabi ni mommy kaya nagsigawan sila sa sobrang tuwa. "Theandra, eto ung credit card mo saka bagong phone mo." Sabay abot sakin ng card at cellphone na may apple na tatak sa likod. "Thank you po mom." Sabi ko sa kanya. "You're welcome baby." Sabi ni mommy. "Go na and pack your things." Sabi nya pa kaya tumango ako at tinalikuran na sya at dumiretsyo sa kuwarto ni elisse. "Uhmm...elisse tapos ka na ba magimpake ng dadalahin mo?" Tanong ko sa kanya. "Oo tapos na ko andra, bakit?" Tanong nya. "Puwede ba kong magpatulong kung ano ang dadalhin kong mga damit?" Tanong ko. "Yeah. Tara na." Sabi nya at lumabas na ng kuwarto nya kaya sumunod ako sa kanya. Pagkarating namin sa kuwarto ko ay dumiretso na kami sa walking closet at kumuha sya ng isang maleta. Kumuha sya ng swim suit at dress na walang maggas at kung ano ano pa. Pagkatapos nyang iimpake lahat ng gamit na dadalhin ko ay ibinigay nya na sakin yung bag ko. "Oh ito na lahat ng dadalhin mo." Sabi ni elisse. "Salamat elisse."sabi ko at ngumiti. "It's nothing andra." Sabi nya. "Tara na nga sa baba." Dagdag nya pa. "Okay."sabi ko at bumaba na kami. Pagbaba namin ay kumpleto na sila sa loob ng van at kami nalang ni elisse ang wala. "Pwede na po tayo umalis kuya kumpleto na kami." Sabi ni brixx. Umalis na kami at after 2 hours ay nakarating na kami sa beach resort namin. Pagbaba namin ng sasakyan ay may sumalubong na samin na magdadala at maghahatid samin sa kuwarto namin. Habang naglalakad kami ay maraming bumating staff. Pagkarating namin sa kuwarto ay nagbihis na sila at ako naman ay di ko alam ang susuotin ko. "Oh andra bakit di ka pa nagpapalit di ka ba maliligo sa dagat?" Tanong ni elisse. "Ahm elisse di ko kase alam susuotin ko eh." Nahihiyang saad ko. "Ah nasaan ba ang maleta mo?" Tanong nya kaya kinuha ko yung maleta ko sa gilid at inabot sa kanya at may kinuha syang isang swim suit. "oh eto gamitin mo tong one piece mo." Sabi ni elisse sakin. "Oh patong mo tong cover up mo." Sabi nya sabay abot nung tila dress na butas butas. "Thank you talaga elisse."sabi ko saka pumasok sa banyo para magpalit. Paglabas ko ay nandoon na silang lahat. "Andra halika na." Sabi ni brixx. "Okay tara na." Sabi ko at kinaladkad sya. Lumabas na kami sa room namin at sumakay na ng elevator. Pagdating namin sa Ground floor ay sumunod ako sa kanila papuntang beach side.Pagdating namin sa tabing dagat ay nagtakbuhan na sila at iniwan ako di ata nila ko naalala kaya naglakad nalang ako papunta sa kanila ng may mabangga akong lalaki. Pagtingin ko sa lalaki ay nagtama ang mata namin at biglang bumilis yung t***k ng puso ko. "Uhmm i'm sorry!" Sabi ko. "It's okay theandra." Sabi nya. "Uhmm do i know you?" "Why did you know my name?" I asked then he's reaction suddenly change mukha syang nagulat sa sinabi ko. "You forgot my name?I'm ky--" Hindi nya natapos ang sasabihin nya ng biglang may sumigaw. "THEANDRA." Nagulat ako sa biglang sigaw ni brixx. "Why?" Tanong ko. "LETS. GO." Galit at madiing sabi nya. "Why are you angry did something happen?" Tanong ko sa kanya. "I. SAID. LETS. GO." Galit pa din sa sabi nya. "Okay okay Lets go don't get mad at me." Sabi ko sabay lapit sa kanya. Paglapit ko sa kay bigla nya akong hinawakan sa pulsuhan at hinila ako papunta sa mga pinsan namin. "Elisse samahan mo yan sa lahat ng pupuntahan nya at baka may makita syang di nya dapat makita." Sabi ni brixx kay elisse sabay walk out kaya sinundan sya ni matheo. "Anong nangyari kay brixx at bigla nalang nagalit ng ganyan?" Takang tanong ni lana. "Nakita nya akong may kausap kaninang lalaki, tapos bigla nalang nyang sinigaw pangalan ko at sinabing lets go at mukhang galit na galit sya." Sabi ko. "Sino ba ang kausap mo?" Tanong ni elisse. "Hindi nya na tuloy sabihin yung pangalan nya dahil biglang sumigaw si brixx basta ky daw." Sabi ko. "Oh gosh. Did i hear it right?" Lana asked. "Oh freak. May sinabi ba sya sayo?" Tanong ni lorraine. "Uhm wala naman pero kilala nya ako." Sagot ko. "Anong itsura nya?" Tanong ni elisse. "Mmm, maputi, brown ang mata, mahaba ang pilikmata, matangkad, fit at makapal ang kilay." Sabi ko ahabng iniisip ang lalaki kanina. "Makapal din ang mukha." Nakasimangot na bulong ni elisse. "Huh?" Takang tanong ko. "Wala." Sabi ni elisse. "What?Did she just discribe him." Sabi ni lana kay lorraine. "Yeah." Sabi ni lorraine sabay tango-tango. "Who? And wait do i know him kasi kilala nya ko." Tanong ko. "Yeah you know him." Sabi ni elisse. "Ah okay." Sabi ko. "Andra tara swimming na tayo." Yaya sakin ni lorraine. "Sige tara na." Sabi ko kaya pumunta na kami sa dagat at naglaro ng naglaro hanggang sa dumating si brixx. "Andra,elisse,lana,lorraine kakain na." Sabi ni brixx sabay alis. "Tara na andra,lana,at lorraine." Sabi ni elisse. "Bilis baka magalit ulet si brixx." Dagdag pa ni elisse kaya nagmadali kami sa pagahon sa dagat at nanakbo papunta sa lobby ng hotel namin at nakita namin sila brixx at matheo. "Halika na sa table natin." Sabi ni brixx at naglakad na kaya sumunod kami sa kanya. Pagkarating namin sa lamesa ay nakahanda na lahat kaya umupo na kami at nagdasal bago kumain. "Uhm elisse ano yang mga pagkain?" Tanong ko. "Oh this is called seafood." Sabi nya sabay turo sa mesa. "This is shrimp, gusto mo ba?" Tanong nya kaya tumango ako at kumuha naman sya ng isa at binalatan nya saka nilagay sa pinggan ko. "And this one is lobster." Sabi nya sabay turo sa lobster. "This one naman is crab." Sabi nya pa at marami pa syang sinabi at nilagay sa pinggan ko ang bawat isa ng kanyang tinuturo. Una kong kinainyung shrimp and it's taste good kaya kumuha ko ng marami. Sinunod ko namang kainin yung crab at lobster hanggang sa naubos ko na lahat ng nasa pinggan ko. "Ano andra masarap ba?" Tanong ni elisse. "Yeah masarap." Sabi ko saka ngumiti. "Andra sa susunod wag kang lalayo samin ah. Wag ka nang makikipagusap sa di mo kilala." Sabi ni brixx. "Sige basta wag ka ng magalit brixx." Sabi ko. "Yeah hindi na ako magagalit basta sumama ka lang samin." Sabi ni brixx. "Wag nyo na den kase akong takbuhan nabangga ko tuloy yung lalaki." Sabi ko pa. "Yeah di na kami tatakbo." Sabi ni elisse. "Ano tapos na ba kayo? Akyat na tayo magpalit na tayo ng damit baka magkasakit pa tayo." Dagdag pa ni elisse. "Tara na." Yaya ni brixx sabay lapit sakin "Tara na andra dali sabay ka sakin." Sabi ni brixx sakin kaya tinanguan ko nalang sya at tumayo saka lumapit sa kanya. "Tara na brixx." Sabi ko . "Tara na elisse,sabayan mo na sila." Sabi ni brixx sabay akbay sakin saka naglakad papuntang elevator.