"Clyde/Phoebe!" Sabay na ani namin ni kyle nanakbo naman yung dalawa papunta samin.
Clyde is kyle's bestfriend. He's tall and he is also handsome.
Phoebe is my bestfriend. Phoebe is smart, kind, and beautiful.
"Do you know sissy ang daming kumalat na rumor na wala na kayo ni kyle dahil nambabae sya." Sabi ni phoebe.
"Oo pre munti na nga akong maniwala eh kung hindi ko lang kayo nakitang magkasama ngayon." Sabi ni cylde kaya natawa kami ni kyle.
"Oo pre nagbreak kami 3 months ago." Sabi ni kyle.
"Weh? Eh bakit kayo magkasama at magkaholding hands pa." Sabi ni phoebe kaya naman natawa ulit ako.
"Kami na ulit." Sabi ko.
"So totoo yung rumor na nagloko ka nga kyle?" Tanong ni phoebe kay kyle kaya natawa kami ni kyle.
"No it's not true." Pagkumpirma nya.
"Pero sino yung kasama mong babae na kumalat sa social media?" Tanong ni clyde.
"Oh si Lhove she my cousin." Sagot ni kyle.
"May kumalat na picture nyong tatlo 3 months ago at doon sa picture ay umiiyak ka sissy." Sabi ni phoebe.
"Ah iyon napagkamalan ko kasing babae ni kyle si lhove." Sabi ko.
"Pre mamaya nalang tayo magkuwentuhan magenroll muna tayo kita nalang tayo sa pinakamalapit na mall sa starbucks." Sabi ni clyde at hinila na si phoebe.
"Bye andra enroll na kayo intayin nalang namin kayo sa mall!" Sigaw ni phoebe kaya nagtinginan yung mga tao sa kanya.
Naglakad na kami papunta sa registration office at nagenroll.
Pagkatapos naming magenroll ay pumunta na kami sa pinakamalapit na mall at dumiretsyo sa starbucks.
"Sissy here!" Biglang may sumigaw na pamilyar na boses kaya napalingon ako at nakita ko sila phoebe na nakaupo sa lamesa na may apat na upuan, kaya agad kaming lumapit sa kanila at naupo.
"Hindi ba kayo oorder sissy?" Tanong sakin ni phoebe.
"Ako na oorder." Sabi ni kyle at tumayo saka dumiretsyo sa counter ng hindi tinatanong kung anong gusto ko.
"Siraulo talaga hindi man lang tinanong kung anong akin." Bulong ko pero narinig ni phoebe na katabi ko.
"Chocolate cappuccino and sinless chocolate cake." Sabi nya na ikinagulat ko dahil yon yung papaorder ko kay kyle dahil favorite ko yon.
"How did you know?" Tanong ko.
"Gosh sissy! Alam naming lahat yan." Sabi nya kaya biglang may nagflashback sa utak ko.
'Kyle chocolate cappuccino at sinless chocolate cake.'
'Brixx chocolate cappuccino at sinless chocolate cake.'
'Sissy chocolate cappuccino at sinless chocolate cake.'
'Eli chocolate cappucicino at sinless chocolate cake.'
'Lorraine chocolate cappuccino at sinless chocolate cake.'
"Andra!" Tawag sakin ni kyle kaya nabalik ako sa reyalidad.
"Bakit ba kyle?" Tanong ko.
"Sabi ko yan na yung order mo." Sabi ni kyle at tinuro yung inorder nya para sakin.
"Chocolate cappuccino and sinless chocolate cake." sabi nya at umupo sa katapat kong upuan.
"Kilalang kilala nyo talaga ako." Sabi ko.
"Mas kilala ka ni kyle." Sabi ni clyde.
"Syempre lagi ko syang kasama." Sabi ni kyle kay clyde.
Pinagusapan namin yung mga bagay na namiss ko dahil nga nagkaamnesia ako, at hindi daw nila alam na nagkaamnesia ako kaya kinuwento ko iyon.
Nang matapos kaming magkiwentuhan ay napagpasyahan na naming umuwi.
Nandito kami ngayon sa parking lot.
"Bye sissy we need to go hinahanap na kasi ako ni mommy." Sabi ni phoebe sakin at saka ako niyakap.
"Bye sissy sa susunod ulit." Sabi ko at bumitaw na sya sa yakap at naglakad na papasok sa kotse ni clyde.
"They look cute together." Sabi ko kay kyle habang nakatingin sa papaalis na sasakyan nila clyde.
"Oo nga parang tayo noon." Sabi nya kaya naman nagflashback sakin yung isang pinakahindi ko makakalimutang pangyayari saming dalawa.
~FLASHBACK~
Today is June 01 and guess what its our 1st monthsary.
Nandito ako ngayon sa sala hinihintay na dumating si kyle dahil sabi nya ay may pupuntahan kami.
I just wore a simple red dress at hinayaan kong nakalugay yung buhok ko.
7 AM nang dumating si kyle nakaplain blackshirt lang sya at jeans.
"Hi baby!" Sabi nya.
"Hello baby happy monthsary!" Sabi ko sa kanya
"Huh? Monthsary?" Tanong nya kaya bigla akong nalungkot.
"Its our first monthsary kyle." Sabi ko at kanya at mapait na ngumiti.
"I'm sorry hindi ko alam." Sabi nya.
"Its okay." Sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko kay kyle.
"Tara na baka nagiintay na sila." Sabi nya at naglakad papunta sa kotse nya at hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.
Hindi ako nagsalita habang nasa biyahe dahil nagtatampo ako.
Isang oras at kalahati kaming bumiyahe papunta sa isang bahay ampunan.
"Anong ginagawa natin sa bahay ampunan?" Tanong ko kay kyle ng hindi sya tinitignan pero wala akong natanggap na sagot.
"Kyle!" Inis na tawag ko sa kanya pero bumaba sya sa sasakyan at naglakad papunta sa pinto ko at binuksan yon.
"Happy monthsary Baby!" Sabi nya pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng sasakyan kaya naman napaluha ako at pinaghahampas yung dibdib nya.
"Akala ko nakalimutan mo na talaga eh." Sabi ko at hindi tinigilan ang paghampas sa dibdib nya.
"Stop that babay naghihintay na yung mga bata sa loob." Sabi nya kaya naman biglang nanlaki yung mga mata ko.
'Tama ba yung narinig ko?' Tanong ko sa sarili ko.
"May mga bata?" Tanong ko kay kyle at tumango naman sya kaya sa sobrang excited ko ay niyakap ko sya.
"Kyle tara na gusto ko na silang makita!" Nagmamadaling sabi ko pagkabitaw ko sa yakap ni kyle at hinila sya papunta sa loob at doon sumalubong samin yung mga bata na may hawak na iba't ibang kulay ng rosas.
Isa-isang lumapit at binigay sakin nung mga bata yung hawak nilang rose kaya naiyak ako.
"Baby why are you crying?" Tanong ni kyle sakin.
"Sobrang saya ko lang dahil natupad yung pangrap ko, natupad yung kaisa-isang hiling na akala ko ay imposibleng mangyari pero dahil sayo ay nangyari yon thank you kyle!" Sabi ko at niyakap sya.
"Lahat ng gusto mo gagawin ko para lang mapasaya kita." Bulong nya sa tenga ko at kumalas na sa yakap.
"Sige na makipaglaro ka na sa kanila." Sabi nya
"Theandra!" Sigaw ni kyle na nakapagpabalik sakin sa reyalidad.
"Bakit ka umiiyak?" Nagaalalang tanong ni kyle sakin.
"I just remember our first monthsary." Sabi ko.
"Tara na nga sa kotse nalang ako magkukuwento baka hinihintay na tayo nila tita para kumain." Sabi kk at naunang pumasok sa kotse ni kyle.
Habang nasa biyahe kami ay nagkuwentuhan kami tungkol sa masasaya at malulungkot na araw namin noon.
Nang makarating kami sa bahay nila ay dumiretsyo kami ng dining area dahil alas 12 na at baka hinihintay nila kami.
Nang makarating kami ay bumungad samin sila tita na kumakain na.
"Hi tita, tito!" Bati ko sa kanila at lumapit para magmano.
"Oh iha nandito na pala kayo, Kumain na ba kayo?" Tanong ni tita.
"Hindi pa po kami kumakain mom." Sagot ni kyle.
"Umupo na kayo at kumain." Sabi ni tito samin ni kyle kaya umupo kami sa bakanteng upuan at nagumpisa nang kumain.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kami.
"Tita, tito akyat na po muna kami." Sabi ko.
"Sige iha mukhang pagod na pagod kayo eh." Sabi ni tita kaya tumayo na ako at nagpaalam na sa iba.
"Una na kami." Sabi ni kyle at sabay kaming umakyat papunta sa kuwarto nya.
Nang makarating kami sa kuwarto nya ay bigla syang tumalon sa higaan nya at isinubsob sa unan yung mukha.
"Nakakapagod." Sabi nya pagkahiga ko sa tabi nya.
"Peram ako ng photo album mo kyle." Sabi ko sa kanya kaya napatingin sya sakin.
"Why?" Tanong nya.
"Wala gusto ko lang tignan." Sabi ko.
"Nandyan sa side table." Sabi nya kaya naman bumaling ako doon at hinanap yung album nya.
"Eto ba yon?" Tanong ko habang pinapakita sa kanya yung kulay black na album at tumango naman sya kaya buksan ko na yon at umupo naman si kyle sa tabi ko.
Tinignan ko ang bawat picture at kapag nagtatanong ako ay sinasagot nya hanggang sa nakita ko yung picture naming dalawa.
"Naaalala mo pa ba to?" Tanong ko kay kyle habang nakaturo sa picture.
"First anniversary natin sa vigan kuha yung picture na iyan." Sabi nya kaya naman biglang akong napangiti dahil naalala ko yung mga nangyari noon.
Inilipat ko lang nang inilipat yung pages ng album at puro picture na namin yung nakalagay doon.
"Did you remember this?" Tanong ni kyle sabay turo sa picture naming dalawa na nasa ilalim ng tubig at may kasamang napakaraming isda.
"This is our second anniversary." Sabi ko.
"And then?" Tanong nya pa.
"Sa palawan tayo pumunta nyan kasama sila brixx." Sabi ko at inilipat na ulit nang page.
"Eto naaalala mo pa?" Tanong ulit sakin ni kyle habang nakaturo sa picture.
"Of course third anniversary natin yan eh." Sabi ko habang nakatingin sa picture namin na nasa entrance ng intramuros.
"How about this?" Tanong nya habang nakaturo sa isang picture pagkalipat ng page.
"3 years and 6 months natin sa coron palawan." Sabi ko habang nakatingin sa picture namin na nasa tabing dagat.
Inilipat lang namin ng inilipat yung page hanggang sa makarating kami sa dulo.
"Eto did you remember this day?" Tanong nya habang nakaturo sa picture namin noong fourth anniversary namin sa park kaya naman mangiyak ngiyak ko syang tinignan at bumaling ulit sa picture.
"Its our fourth anniversary kung saan mo ko iniwan ng walang dahilan." Sabi nya kaya naman naiyak ako habang nakatingin sa picture.
Its our fourth anniversarry kung saan iniwan ko sya at kung kailan ako naaksidente.
"I'm so sorry!" Sabi ko habang nakatingin sa picture at umiiyak.
Nagulat ako nang buglang hawakan ni kyle yung magkabilang pisingi ko at hinarap sa kanya.
"Baby wag kang umiyak." Sabi nya sakin habang pinapahiran yung luha ko.
"I'm so sorry kyle!" Sabi ko.
"Stop saying sorry tapos na yon hindi na yon mahalaga dahil tayo na ulit, kasama na kita ulit." Sabi nya kaya niyakap ko sya.
"Thank you kyle, thank you kasi kahit may nagawa akong mali noon nandyan ka pa rin, nandito ka pa rin sa tabi ko." Sabi ko at bumitaw na sa yakap.
"Matulog muna tayo napagod ako eh!" Sabi ni kyle saka humiga tatayo na sana ako ng yakapin nya yung bewang ko kaya wala akong nagawa kundi ang humiga at matulog.
~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito kami ngayon sa mall ni kyle dahil ang boring sa bahay nila kasama namin ngayon si mai
'Ang bata naman nyang magkaanak.' Sabi nung guy.
"Ang cute ng family nila sis oh tignan mo!' Sabi nung babae habang nakangiti.
'Hala bes tignan mo sila theandra saka si kyle may anak na.' Sabi nung babae.
Rinig kong bulungan nila at yung iba ay kumukuha pa ng picture
"Kyle handa ka na bang magtrending sa social media flatforms?" Natatawang tanong ko.
"THEANDRA!" Sigaw ni kyle kaya naputol yung panaginip ko.
"Why?" Inaantok na tanong ko anong ko.
"Kakain na alas-7 na." Sabi nya at hinila ako patayo.
"Inaantok pa ako!" Inaantok na sabi ko at pumikit.
"Wahh!" Tili ko ng bigla akong buhatin ni kyle ng pa bridal style.
"Kyle ibaba mo ko!" Sabi ko at pinaghahampas sya sa dibdib.
"Wag kang magulo baka mahulog ka." Sabi nya at humakbang na sa hagdan pero hindi ko pa rin sya tinigilan sa paghampas.
"Kyle ibaba mo ko!" Sigaw ko sa kanya pero hindi nya ako pinapakingan.
Nang makarating kami sa kusina ay bumungad samin sila tita kaya naman bakaramdam ako ng hiya.
"Kyle ibaba mo ko nakakahiya!" Nahihiyang sabi ko.
"Anak bakit mo buhat si andra?" Tanong ni tita kay kyle kaya naman siniksik ko yung mukha ko sa dibdib ni kyle dahil sa sobrang hiya.
"Mommy ayaw kaseng bumagon." Sabi nya at ibinaba ako sa tapat ng bakanteng upuan kaya pumupo kaagad ako don.
"Oh iha bakit ayaw mo namang bumangon?" Tanong sakin ni tita kaya napatingin ako sa kanya.
"Inaantok pa po kasi ako." Magalang na sagot ko kay tita.
"Mukhang pagod na pagod ka nga." Sabi ni tita.
"Oh sya kumain na tayo para makapagpahinga ka na kaagad." Sabi ni tito kaya nagkanya kanya na kaming kuha ng pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na akong aakyat sa taas para matulog at pumayag naman sila tita kaya umakyat na ako at nagtoothbrush bago matulog.
Nang matapos akong magtoothbrush ay dumiretsyo na ako sa kama ni kyle at natulog.
Nagising dahil sa sunod-sunod na katok.
"Sir kyle, ma'am theandra kakain na daw po kayo." Sigaw ng isang maid nila.
"Susunod kami!" Inaantok na sigaw at pumunta na sa banyo para gawin yung morning routine ko.
Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng banyo at nakita ko si kyle na tulog pa rin kaya nilapitan ko sya at ginising.
"Kyle." Sabi ko at inuga sya.
"Baby!" Sabi ko ay inuga ulit sya.
"Inaantok pa ako!" Inaantok na sabi nya.
"Baby kakain na daw." Sabi ko.
"Kayo nalang kumain." Nakapikit na sabi nya kaya naman nakaisip ako ng paraan para magising sya.
"Kyle gigising ka o hihiwalayan kita?" Tanong ko kay kyle at agad naman sya dumilat kaya naman natawa ako.
"Sabi ko nga gigising na." Sabi nya at dumiretsyo sa banyo.
Maya-maya pa ay lumabas na si kyle sa banyo na nakasimangot.
"Kyle bakit ka nakasimangot jan?" Takang tanong ko.
"Nothing." Cold na sagot nya.
"Galit ka?" Tanong ko.
"Pano kung sabihin kong oo may gagawin ka ba?" Tanong nya sakin.
"Bakit galit ka?" Pabalik na tanong ko.
"Ang ganda kaya ng bungad mo sakin pagkagising!" Nakasimangot na sabi nya kaya natawa ako.
"Really? Naniwala ka na gagawin ko yon?" Tanong ko sa kanya.
"Oo." Sabi nya kaya mas lalo akong natawa.
"I'm just kidding!" Sabi ko at niyakap sya.
"Tch. Hindi nakakatuwa yung biro mo." Sabi nya.
"Wag ka nang magalit tara na sa baba kanina pa sila nagiintay." Sabi ko at hinila na sya.
Pagkarating namin sa dining area ay kumpleto na sila pati si babay mai ay nandoon.
"Good morning!" Masiglang bati ko sa kanila habang si kyle ay dire-diretsyong umupo kaya umupo na din ako.
"Kyle bakit ka nakasimangot?" Tanong ni tito kay kyle.
"Nothing dad." Sabi nya at nagumpisa nang kumain.
"Kyle anong problema mo?" Pabulong na tanong ko sa kanya.
"Ikaw." Sabi nya kaya tumingin sa kanya sila tita.
"Anong problema nyo iha?" Tanong ni tita sakin.
"Wala po." Sagot ko at nginitian sya.
"Kyle sorry na!" Pabulong sa sabi ko.
"Bahala ka jan." Sabi nya kaya tu.ingin ulit silang lahat sa gawi namin.
"I love you!" Malambing na sabi ko.
"I love you too!" Sagot nya at ngumiti.
"Ang rupok ni kuya." Sabi ni kyla na nasa harapan namin kaya nagtawanan kami maliban kay kyle.
"Di kalang kinrushback eh." Sabi ni kyle kay kyla.
"Kung di ako kinrush--." Naputol ang sasbihin ni kyla nang magsalita si tita.
"Wag na kayongmagaway kumain na kayo." Sabi ni tita kaya bumalik silang dalwa sa pagkain.
Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa kanya-kanyang kuwarto.
"Ang boring!" Bored na sabi ko.
"Oo nga tara gala tayo." Yaya nya kaya naman may pumasok sa isip ko.
"Kyle punta tayong mall!" Excited na sabi ko.
"Tayong dalawa lang?" Tanong nya.
"Hindi sama natin si babay mai!" Excited paring sabi ko.
"Tara ipaalam natin si mai." Sabi nya kaya hinila ko sya papunta sa kuwarto nila kuya axel.
Nang makarating kami ay agad akong kumatok at binuksan naman kaagad nila yung pinto.
"Anong kailangan nyo?" Nakangiting tanong ni ate bel.
"Ate pwede ba naming isama si mai sa mall?" Tanong ko.
"Pwede naman kaso baka hindi kayo magenjoy kapag kasama nyo sya." Sabi nya
"Okay lang ate kahit hindi kami magenjoy." Sabi ko at ngumiti.
"Sige aayusan ko lang." Sabi ni ate.
"Thank you ate!" Masayang sabi ko.
"Wala yon ako nga dapat magthank you jasi inaalagaan nyo yung anak namin oh sya sige dalhin ko nalang si mai sa kuwarto nyo." Sabi ni ate kaya tumango ako at hinila si kyle papunta sa kuwarto ni kyla.
"Anong gagawin natin sa kuwarto ni kyla?" Tanong ni kyle.
"Sama natin sila." Sabi ko at kumatok at agad namang binuksan ni kyla yung pinto.
"Ate, kuya anong kailangan nyo?" Tanong samin ni kyla.
"Gustobmong sumama samin sa mall?" Tanong ko.
"Sige ate sasama ako." Sabi nya.
"Yayain mo si lhove sa mall nalang tayo magkita sa starbucks." Sabi ni kyle at bumalik na kami sa kuwarto nya.
Maya-maya pa ay may kumatok kaya pinagbuksan ko agad ng pinto.
"Eto na si mai." Sabi ni ate bel at binakita si mai.
"Halika may kay tita-mommy ka muna." Sabi ko kay mai.
Kinuha ko na si mai saka yung bag nya.
"Ate bel sa mall nalang po kami maglulunch." Sabi ko at tumango naman sya.
"Sige na aalis una na ako." Sabi nya at bumalik na sa kuwarto nila.
"Kyle tara na!" Excited na sabi ko.
"Teka hindi mo ba papapuntahin sila brixx?" Tanong nya.
"Ay oo nga pala sila brixx." Sabi ko.
"Tawagan mo nanjan sa side table mo yung cellphone ko." Sabi ko at sinunod nya naman ako.
Maya-maya ay bumaba na kami at nagpaalam kila tita.
"Mom, dad alis po muna kami." Sabi ni kyle.
"Saan kayo pupunta at kasama nyo pa si mai?" Tanong ni tita.
"Jaan lang po sa pinakamalapit na mall." Sabi ko kay tita.
"Sige basta umuwi kayo bago maggabi." Sabi ni tita at tumango naman kami.
"Sige na po mom una na kami." Sabi ni kyle at inakay na ako papunta sa sasakyan nya.
Habang nasa biyahe kami ay nilalaro ko si mai.
Nang makarating kami sa parking lot ng mall ay agad kaming pumasok sa loob.
Habang naglalakad kami ay may narinig akong bulong bulungan.
Ang bata naman nyang magkaanak.' Sabi nung guy.
'Ang cute ng family nila sis oh tignan mo!' Sabi nung babae habang nakangiti.
'Hala bes tignan mo sila theandra saka si kyle may anak na.' Sabi nung babae.
Rinig kong bulungan nila at yung iba ay kumukuha pa ng picture
"Kyle handa ka na bang magtrending sa social media flatforms?" Natatawang tanong ko.
"Bakit naman tayo magtetrending?" Tanong nya at inilibot yung paningin.
"s**t! Ang daming kumukuha ng picture theandra." Sabi nya.
"Hayaan mo sila." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad hanfgang sa makarating na kami sa starbucks at umorder na si kyle habang ako ay busy na nilalaro si baby mai.
Maya-maya pa ay dumating na yung order at sila kyla.
"Ate!" Sigaw ni kyla at nanakbo papalapit samin kaya napatingin sa kanya yung mga tao sa loob.
"Ate trending kayo sa twitter oh tignan mo to!" Sabi ni kyla at inabot sakin yung cellphone.
Pagtingin ko sa cellphone ay nanlaki ang mata ko.
"The hell kanina lang toh ah bakit #01?" Tanong ko kay kyla.
"Sobrang sikat nyo kasi ni kuya eh!" Sabi ni kyla.
"Kyle tignan mo dali nakakatuwa yung mga comments!" Excited na sabi ni lhove at yung cellphone nya kay kyle kay tumingin din ako sa hawak kong cellphone at binasa yung mga nakalagay.
'Happy family <3' iyan yung nakalagay sa pinakapost.
"Happy family daw tayo theandra!" Natatawang sabi ni kyle.
"Baby mai kay tita at tito ka nalang." Sabi ni kyle kay mai.
"Hay nako kuya gustong gusto mong nagtetrending ka sa social media flatforms." Sabi ni kyla kaya naman natawa ako.
"Oo nga gustong gusto nyang nagtetrending sya." Pagsangayon ko sa sinabi ni kyla.
Magsasalita na sana si kyle ng biglang magsumigaw.
'Ano bang meron ngayong araw at sigawan ng sigawan yung mga tao?' Tanong ko sa isip ko.
"Andra!" Sigaw ng pamilyar na boses kaya napalingon ako.
"Eli." Sabi ko at nginitian sya.
"Sino yang batang hawak mo?" Tanong ni brixx sakin.
"Baby mai say hello to tito brixx." Sabi ko kay mai at ikinaway ang isang kamay nya kila brixx.
"Ang cute naman ng baby na yan." Sabi ni lana at nilaro si mai.
"Kaninong anak yan?" Tanong ni brixx.
"Kay lhove." Sagot ko kaya naman nagulat sila lalo na si brixx.
"M-may a-anak n-na si l-lhove?" Utal utal na tanong ni brixx kaya tumawa kami ni kyle.
"Just kidding!" Sabi ko habang tumatawa.
"Anak sya ni kuya axel." Sabi ni kyke kay brixx.
"Axel as in si candler?" Tanong ni brixx.
"Kilala mo si kuya axel?" Tanong ko kay brixx.
"Andra akina muna si baby mai." Sabi ni lana kaya binigay ko at nakita ko naman sila nila eli na nilalaro si mai kaya napangiti ako.
"Hindi mo na maalala si kuya axel?" Tanong nya sakin.
"Anong hindi maalala?" Tanong ko.
"Si kuya axel yung bestfriend nila ate bell at yara." Sabi ni brixx.
"Hindi ko na sya maalala." Sabi ko at tumayo para kunin si mai.
"Theandra!" Tawag sakin ni lorraine
"Anong problema?" Tanong ko.
"Trending yung picture nyo ni kyle." Sabi nya kaya natawa ako.
"Late ka ghorl?" Tanong ko kay lorraine.
"Paanong late?" Tanong nya.
"Kanina ko pa yan alam." Sabi ko.
Magsasalita na sana sya ng may sumigaw na naman
"Putcha anong meron ngayon at sigaw ng sigaw yung mga tao?" Tanong ko kay lorraine.
"Sissy!" May sumigaw ulit kaya napatingin ako sa pinang galingan non at nakita ko si phoebe na naglalakad papalapit samin kasama si clyde.
"Hi sissy!" Magiliw na sabi ko at niyakap sya.
"Hoy sissy ano nanaman yung nagtrending na picture?" Tanong nya.
"Ahh yung picture namin ni kyle at ni baby mai." Sabi ko.
"Sissy bakit hindi mo sinabi saking may anak na pala kayo ni kyle." Sabi ni phoebe.
"Hindi namin anak ni kyle yon." Sabi ko kay phoebe.
"Eh bakit kasama nyo sa mall?" Tanong nya.
"Lana akin na nga si mai papakilala ko lang sa kanila." Sabi ko kay lana at ibinigay naman nya kaagad sakin si baby mai.
"Baby mai meet tita phoebe and tito clyde." Sabi ko at hinarap sya kila phoebe.
"Excuse me kakain lang kami ni theandra mukhang di naman kayo gutom kaya kayo nalang muna magbantay kay mai." Sabi ni kyle kaya naman nagtawanan kami.
"Sige kain na kayo kami na muna magbabantay sa kanya." Sabi ni lhove.
Nang matapos kaming kumain ay nagaya silang pumunta sa arcades kaya naman pumunta kami don at makikita mong napakasaya nila habang kasama si mai.
Alas 12 na ng mapagpasyahan naming kumain at pagkatapos naming kumain ay nagkanya kanya na kaming uwi.
Nang makarating kami sa bahay ay tulog na si mai kaya dumiretsyo ako sa kuwarto nila ate bel at ibinalik na sya.
Nang matapos ko syang ibalik ay pumasok na ko sa kuwarto ni kyle at naligo.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ko ng banyo at naabutan ko si kyle na nakahiga at nakangiti habang nagcecellphone.
"Kyle anong tinitignan mo?" Tanong ko at humiga sa tabi nya.
"Tignan mo oh ang cute natin jan." Nakangiting sabi nya kaya napangiti din ako ng tignan yung picture.
"Hindi na ko makapagintay na grumaduate tayo." Sabi ni kyle at pinatay yung cellphone nya saka yumakap.
"Tulog muna tayo napagod ako kanina ang dami nating ginawa." Sabi nya at pumikit kaya tinitigan ko lang sya habang nakapikit.
Parang ang perpekto ng mukha nya pagtulog ang kapal ng pilikmata at kilay, pinkish na lips at yung jaw line nya kitang kita.
"Done staring?" Tanong ni kyle na ikinagulat ko.
"Nakakagulat ka naman!" Gulat na sabi ko.
"Tulog na tayo." Sabi ko at pumikit na din at maya maya ay di ko namanlayang nakatulog na pala ako.