Tatlong araw kaming nanatili sa hotel na iyon na pag-aari pala ng mga Ford. Sinulit namin ang bawat araw ng bakasyon niya bago kami umuwi sa condo. Pagkatapos ng dalawang araw ay nawala na rin naman ang pananakit ng katawan ko kaya't na-enjoy namin ang huling raw doon. Nang makauwi kami sa condo ay naagaw agad ang atensyon ko ng napakalaking wedding picture naming dalawa na nakasabit sa dingding sa living room. Napangiti ako ng subra dahil doon. Napakasarap niyon pagmasdan dahil totoo ang mga ngiti namin doon na parang totoo talaga ang naganap na kasal namin noon. Parang hinaplos ng mainit na palad ang puso ko ng maalala ko ang araw na iyon. "Did you like it, baby?" malambing niyang tanong habang nakayakap sa likuran ko at nakapatong ang baba niya sa balikat ko. "No." seryosong sagot

