Habang buhay.... "Okay na?" Napangiti ako sa kanyang naging tanong bago umungol habang umiiling. Mula sa aking pagkakapasan sa kanyang likuran ay kitang kita ko pa din ang kanyang naging pagnguso. Dapat ay sanay na ako pero hanggang ngayon ay parang hinahalukay pa din ang aking tiyan sa kaba sa tuwing ganyan siyang umasta. He just looks so cute, so adorable, so...him. "Isa pang ikot. Kaya mo pa kaya," pang iinis ko sa kanya. "Momma, you're heavy," sabat ni Teesha na nakaupo sa couch, katabi niya si Grey na medyo alanganin pa ang ngiti. Isang lingo na ang nakalipas at halos nakalimutan na namin agad ang naging g**o ng pagdating ni Grey. Siguro ay naging habit na nila na magkunwaring okay lang ang lahat kahit pa nga alam namin sa sarili namin na ang hirap, na ang g**o. Isa pa ay para

