Chance... "Ulap, okay na yan..." pigil ko sa kanya. Namumula na ang aking pisngi at hindi na alam kung paano ba dapat kumilos. Paano ba naman ay halos damputin na yata niya lahat nang makita niyang gamit na may panda sa department store. Nalaman niya kase na mahilig sa mga panda si Teesha kung kaya't narito kami ngayon upang ipamili daw ang aming anak. Yes, our child. Parang ang weird nang ganito, ang magkasama kaming ipinanimili ang anak namin. Dati kase ay si Erish lamang ang karamay ko sa lahat. Isang linggo na yata ang mabilis na lumipas pero hindi ko pa nakikita ulit si Erish na dumadalaw. He isn't busy, is he? "More!" sigaw naman ni Teesha na may pagpalakpak pa. She was sitting inside the cart that his Dad was pushing. Tuwang tuwa ito at may yakap yakap ng malaking Panda na stuff

