Paano... Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi ng muling mabasa ang mensaheng nagmula kay Ulap. Para na nga yata akong tanga at paulit ulit na binabasa iyon. "7 PM sharp, you and me, my Ai ♥ " Nakagat ko ang aking labi. Bwisit talaga tong si Ulap. Buhat ng matutuhan niya ang Japanese term sa word na love ay iyon na ang itinatawag niya sa akin madalas. Ai daw e hindi naman kami parehong Japanese. Ang dami din kase talaga niyang naiisip pero hindi ko na din naman mapigilan. Simpleng text niya lang na tulad nito ay halos iscreenshot ko na at panay ko ng balikan. "Buwisit ka Barbara. Kumalma ka lang please", sita ko sa sarili ko. Ilang linggo na ba simula nung sinamahan ako ni Ulap sa dorm ko at halos araw araw yata ay wala ng ginawa siyang kung hindi sumulpot kung nasaan ako. Fe

