Abala ako ngayon sa pag aayos at paglilinis sa loob ng bahay. Kimompleto ko na din lahat ng mga pangangailangan ng aking mga kapatid at mga pangangailan dito sa kusina. Mga bayarin sa kuryente at tubig ay nabayaran ko na din lahat. Naging magaan na ang loob ko dahil wala na kong alalahanin pa dahil maayos na ang lahat sa tulong na ibinibigay sa akin ni Glenn. Hapon na nang matapos ako sa paglilinis ng bahay. Ang sarap sa pakiramdam na wala na kong iisiping mga problema at makakapagphinga na rin ang pagod kong katawan. Nang matapos na ko makapagpahinga ay dumiretso na ko papuntang hospital upang asikasuhin ang paglabas ni mama. Ngunit hindi pa ito pinayagan ng Doctor na lumabas dahil hindi pa daw ito gaanong malakas. Nasa kalagitnaan na ko sa paglalakad ng tumunog ang phone ko. Wala ako

