Napatakbo naman si Nicka sa tabi nang kanyang lola
Lola lola ano pong nangyari sa inyo,
Apo tahan na wag kanang umiyak matanda na ang lola darating naman ang bagay na ito yun nga lang hindi ko na makikita na ikasal ang kaisa isang apo ko, huhuhu apo pag wala na ako gusto kong tanggapin mo ang iyong ina patawad at matagal kitang itinago sa kanya apo matagal ka nang hinahanap nag iyon ina, dahil sa takot at pag aalala ko na kukuni ka na nya sakin ay hindi ko nagawang ipakita ka sa kanya, pero ngayon na mawawala na ako, gusto kong makapiling mo naman ang iyong ina, wag mo syang kamuhian wala syang kasalanan apo,
Lola wag po kayong magsalita nang ganyan hindi pa po kayo mawawala tayo pong dalawa ang magkasama, makikita nyo pa po ako ikasal,
lumabas nga muna ako hindi ko talaga kaya ang kalungkutan na nakikita ko, pero dito lang ako sa may pinto,
huhuhu apo wag kang mag alala lagi kitang babantayan at apo nasa mavuting kamay ka alam ko sinugo si Jay nang anghel para satin kaya apo panatag akong mawawala dito sa mundo, uhu uhu uhu pano apo nararamdaman ko na mag iingat ka palagi apo,
at isang Tuuuuuuuuuuuuuuuuuutttttttttttttttttttttt......
Lola lola gumising ka lola malakas na sigaw at iyal ni Nicka kaya naman agad kong tinawag ang doktor
Dok dok tulong po tulong tulungan nyo po ang lola namin,
nagtakbuhan naman ang doktor kasama ang mga nurse at tiningnan nga si lola, at umiling naman na ang doktor at
Nakikiramay ako iho sa inyong dalawa,
sa salita nang doktor ay alam ko na kaya naman pumunta na ako sa nursing desk para itanong kung ano ang mga dapat gawin at anong mga dapat asikasuhin
Hindi naman makapagsalita si Nicka at naka tulalang nakatulala,
Agad ko naman sya niyakap at inalo love umiyak ka lang andito lang ako kaya napaiyak na din ako, sa lungkot na nadama ko, muli naman pumatak ang luha ni Nicka kasabay nang pag hagulhul nang iyak nito,
isinama ko na nga sa pag aasikaso si Nicka, para hindi nman sya maiwan dun,
Tumawag din ako Kay Bry para humingi nang tulong, mag asikaso ng punirarya pati na din ang bahay na pag buburulan ni lola,
pag dating nga ni Bry ay kasama na nya ang susundo sa lola ni Nicka pati na ang kapitan nag barangay,
Jay kami na ni Kap ang bahala dito duna kayo sa bahay para mag asikaso nang mga kailangan,
Salamat tol Kap maraming salamat,
pagdating nga namin ni Nicka sa bahay nila ay andun na ang mga kapit bahay na handang tumulong
nakikiramay kami Nicka
ganun din si Dianne
Nicka nakikiramay kami sayo,
Ito ang kagandahan sa pagiging mabait sa kapwa kahit hindi mo hingian nang tulong kusang tutulong,
makalipas nga ang ilang araw na burol ay nailibing narin ang lola ni Nicka,
hindi muna ako umuwi samin para samahan si Nicka para na din hindi sya nag iisa, hanggang ngayon ay gavi gavi paring umiiyak si Nicka pero nauunawaan ko naman ito, dalawang linggo naman ang paalam ko sa trabaho ganun din sa school ni nicka,
Makalipas naman ang Syam na araw unti unti na ding natanggap ni Nicka ang nangyari,
Love anong gusto mong ulam mamaya hapunan, tanong sakin ni Nicka,
Parang gusto ko nang Chicken joy, alam ko kasi na paburito ni Nicka ang Checken joy, kaya dun ko balak kumain, Ngumiti naman si Nicka
Masaya ako kasi nakaka ngiti kna love niyakap ko siya at hinalikan sa nuo,
Salamat love at di mo ako iniwan, bulong ni Nicka sakin
Oo naman love, tara kain tayo nang mga favorite mo, kumain na nga kami,
ilang linggo na din ang lumipas at bumalik na naman sa dati ang sigla ni Nicka, ako naman ay sa kanila na natulog, wala namang marites na kapitbahay dito samin kasi kilala naman nila ako pati si Nicka na may relasyon nung una may mga bulungan kesi ang babata pa daw namin, pero kalaunan ay nakita din nila na responsabli kaming mga kabataan kaya hindi na sila nag ingay pa nang kung ano ano,
********Pamana*********
Pagkagaling nga namin sa School at kakatapos din naman ng 3rd quarterly exam ni Nicka naisipan kong bumili nang andoks manok, para may pang hapunan kami,
habang nagkukuwentuhan kami, ay nalala ko ang bilin ni lola na box na nasa cabinet, kaya napabangon naman ako sa pagkakahiga love bakit,
Naalala ko may sinavi nga pala si lola na iniwan nya para sayo at pag wala na sya ay kunin ko,
Hinalungkat ko nga ang mga lumang gamit ni lola at nakita ko ang isang box at dinala ko ito kay Nicka,
Love ano kaya yan,
Aba ewan ko ikaw na mag bukas para sayo naman yan eh sabi ko sa kanya,
Pagbukas nga nya ay bigla naman syang napasigaw aaayyyyy!!! nagulat naman ako
love ipis ipis patayin mo, dali love,
Sus kala ko naman kuna ano na, ikaq talaga para ipis eh,
Pag tingin nga namin sa box may tatlong invelop malaki paliit Binuksan nga namin ang malaking invelop naglalaman ito nang mga papeles at patunay nang pagkakabili nang bahay at lupa nila, may titulo din itong kasama, at ang titulo ay nakapangalan na din kay Nicka,
Sunod na binuksan namin ay ang invelop naman na naglalaman nang mga larawan ni Nicka nung sya ay maliit pa pati nang kanyang ama at ina, kita ko naman na napa buntong hindinga sya at napangiti na din,
At ang huling invelop ay ang maliit, pagbukas nga ni nicka dito ay nagulat sya,
ako naman habang pinagmamasdan ko ang mga picture nang nanay ni Nicka ay talagang kamukhang kamuha nya, at hindi maikakaila dahil nakapangalan sa picture ay Nympa, nagulat naman ako,
Ano naman yan love, akala ko ipi na naman
Love tingnan mo ang daming pera ni lola,
Oo nga ano magkano kaya lahat yan,
may nakalagay namang sulat,.Para sa pag aaral nang apo ko,
Muli namang napaluha si Nicka,
Love wag ka nang malungkot alam mo namang mahal na mahal ka ni lola kaya siguro naisip nya na mag ipon para sa pag aaral mo diba bilin nga ni lola na makatapos ka nang pag aaral,
Oo love salamat sayo ,
Pano love gusto mo bang makilala ang nanay mo,?
Diko alam love,
Binilang naman namin ang pera sa invelop at nagkakahalaga ito nang 60k.
Love daming pera nito ano gagawin ko dito,
syempre love i babanko natin yan sasamahan kita na mag open nang bank acount para sa pag aaral mo yan kaya wag mong gagastusin sa kung saan saan lang
Syanga pala love kung magbago isip mo at handa ka nang hanapin ang mama mo dito lang ako nakasupurta sayo,
Hindi ko na ikukwento sa inyo ang nangyayari samin sa gabi dahil alam nyo na naman wala namang bago,
Malapit na nga ang bakasyon at naisipan kong puntahan ulit ang nanay ni Nicka sa calamba,
Kinausap ko naman si Dianne na samahan muna si Nicka sa darating na sabado habang wala ako,
Oo ba basta ba papasalubungan mo ako eh
hindi naman n nagseselos si Nicka kay Dianne magkaibigan n kasi sila,
love aalis ako sa sabado nang umaga ha, pabalik din nman ako sa gabi,
San ka punta love sa isang kaibigan,
Sige love pasalubong ha, ok
sSabado na nga nang maaga at nagpunta na ako sa calamba .
Tao po tao po, ate Nympa ate Nympa andyan po ba kayo,
Lumabas naman si Nicole kuya Jay bakit ngayon ka lang akala ni mama ay hindi kana babalik tagal mo kasing hindi nagparamdam,
Ah may napasukan kasi akong work kaya nagalan ang pagpunta ko dito Si mama mo asan,
Nasa palingke lang po babalik na din yun, maya maya pasok ka muna kuya at mag juice.
Salamat Nicole, kamusta kana ok ka naba.
Opo kuya salamat po sayo salamat din sa pagkakaligtas mo sakin,
Naku wala yun,
Dumating naman si ate Nympa,
Jay kamusta bakit ngayon ka lang akala ko nakalimutan mo na agad kami eh,
Ay hindi po nataon po kasi na may napasukan akong work kaya kinuha ko na sayang po eh, pang gala din,
Ano Jay tuloy ba ang pagpasok mo dito,
Yun nga po ang ipinunta ko dito eh, hindi na po ako matutuloy dito,
Naku sayang naman.
Wag po kayong mag alala malapit na pong maging kumpleto ang buhay nyo ate Nympa.
Hindi nman pinansin ni ate Nympa ang sinabi ko,
Pano po aalis na po ulit ako talagang dinalaw ko lang po kayo, sige Jay salamat,
Pagbalik ko nga nang lucena halos gabi na din pero vumili muna ako nang pasalubong sa dalawa.
Love dito na ako,
nasa kwarto nga ang dalawa at nagkukwentuhan,
O ito na ang pasalubong nyo, may dala akong jollibee checken at spaghite,
Salamat Dianne sa pagsama mo kay Nicka.
Ok lang yun kaibigan ko nsman si Nicka eh,
pagakakain nga ay hinatid na namin ni Nicka si Dianne sa kanila,
Habang nakahiga kami,
Love gusto kung hanapin ang mama ko. savi kasi ni Dianne n bigyan ko nangpagkakataon ang mama ki at para maranasan ko din ang may mama,
Tama naman yun love, kelan mo balak,
kaya lang love pano,
kinuha ko ang bag ko at pinakita sa kanya ang binigay na address ni lola,
ano yan love.
Address ito nang mama mo ibinigay ito sakin ni lola at ibigay ko daw sayo pag wala na sya kung sakaling gusto mong makilala ang mama mo,
Saan yan,
Tingin nga sabi dito ay calamba laguna malapit lang yan naka punta na ako dyan dati,
Talaga love,
Oo ano kelan tayo pupunta,
Sa sabado nalang love tapos dito kna matulog para maaga tayo bukas,
Ok ikaw masusunod love,
Friday na nga at hindi narin ako mapakali hindi ko alam kong tama ba ang gagawin ko pero sigurado na doon na sya papag aralin nang mama nya at sigurado na maghihiwalay na kami, tanggap ko naman na kung ito talaga ang kapalaran namin tatanggapin ko nalang, mag uumaga na pero hindi parin ako makatulog,
Maaga nga kaming umalis at habang nasa bus naman ako ay tumulog ako kahit kunting oras lang
Love turbina na daw gising na, baka lumagpas tayo,
Gumising na nga ako at bumaba na kami, pero bago kami sumakay nang tricycle ay kumain muna kami,
Love anong sasabihin ko pag nakita ko si mama anong gagawin ko, love kinakabahan ako,
Kung ano ang nasa puso mo yun ang sabihin mo at love masaya ako para sayo kaya wag mong hayaang mangibabaw ang galit sa puso mo sigurado naman ako na mabait ang mama mo kasi mabait ka,
mabait naman talaga si ate Nympa, nakikita ko naman,
Sumakay na nga kami nang tricycle at nagpahatid na para hindi mahalata kunwaring pinakita ko ang address sa driver, at dun na kami pumunta,
pinara ko naman ang tricycle sa harap nang isang tindahan, para doon muna ako pumunta,
Love hindi na ako sasama pa sayo, dito lang ako at intayin kita ayaw ko kasing maka gulo sa pagkikita nyo nang mama mo basta andito lang ako ha,,
Love naman pano kung hindi pala sila mabait
Nandito lang naman ako tawagin mo ako pag hindi ka naman nila tinanggap at ngayon din aalis tayo pabalik nang lucena,
Sige love ha savi mo yan wag mo ako iiwan wag ka aalis,
Ito dalahin mo ang mga picture na ito pati ang picture nang mama mo para makilala mo sya sabi nang ali sa tindahan yan daw ang bahay nila, sige na love
Love mahal na mahal kita lagi mong tatandaan,
Hindi naman naghinala si Nicka sa mga sinabi ko, at lumakad na sa bahay ni ate Nympa,
*********MaMa********
Tao po tao po tao po, tawag ni Nicka, sa gate isang babae naman ang lumabas,
Bakit sino hanap mo,
Kinakabahan naman si Nicka dahil ang nagbukas nang gate ay ang mismong mama ni Nicka, kaya naman halos hindi makapagsalita si Nicka,
Kayo po ba si Nympa,
Oo iha bakit anong kelangan mo,
Pumatak naman ang luha sa mga mata ni Nicka at nabitawan nga nito ang mga larawang hawak hawak ni Nicka,
Ining bakit ka naiyak, ano bang nangyayari sayo, sino kaba,
Bigla namang natigilan si Nympa nang makita nya ang mga larawang nagkalat sa sahig, at dahan dahan nga nyang pinulot ito at tiningnan pati na ang picture nya na hawak hawak si Nicka, hindi naman makapag salita si Nympa at,
Nicka ikaw naba si Nicka,
Opo ako nga po mama,
nang makumpirma ay bumuhos na nga ang luha ni Nympa at niyakap nya si Nicka,
Anak anak ko matagal na kitang hinahanap halos mabaliw na ako hindi ko alam kong san ko kayo hahanapin nang tatay at nang lola mo, anak patawarin mo ako, binalikan kita pero wala na kayo sa dati nyong bahay bininta na ito, hindi ko alam kong san ka hahanapin anak ko alam mo ba king gano ako nangulila sayo alam mo ba kung gaano kita namimiss kahit ang inupahan kong invistigador hindi ka manlang nahanap, iyak na iyak namang paliwanag ni Nympa,
Mama na mis ko din po kayo matagal po akong nangulila sa isang ina pero ngayon andito na po kayo mama, ko,
Pagkatapos nga nang mahabang iyakan ay napagpasyahan nang papasukin ni Nympa si Nicka
Naku anak pasinsya kana pasok ka muna ano kumain ka naba juice gatas ah ano ba upo ka muna anak,
Nicole Nicole halika tingnan mo andito na ang kapatid mo napakaganda din nya katulad mo,
Ate ate, salamat ate alam mo ba lagi ka ni mamang hinahanap mis na mis ka na namin,
Gulat naman si Nicka na meron pala syang kapatid, na babae din,
Napansin naman ni Nympa ang pagtataka ni Nicka dahil wala namang na kwento ang kanyang lola tungkol sa kapatid kaya,
Nicole bili ka muna nang meryenda sa tindahan para may makain ang ate mo,
Nicka anak, kamusta kna,
Mavuti naman po ako Mama, si Nicole po ba kapatid ko, wala po kasi navabanggit ai lola na may kapatid ako,
Ah ampon ko si Nicole anak, pero alam naman nya si Nocole kasi ang pinag awayan namin nang tatay mo, anak sya nang matalik kong kaibigan na namatay walang mapag iwanan kaya sakin ipinagkatiwala, kaso akala nang tatay mo na may iba akong anak hindi nya pinakinggan ang paliwanag ko hanggang sa mag away na nga kami, pero mga ilang araw lang nung bumalik ako sa bahay wala na kayo,
Anak kung hindi siguro dahil sa kanya baka patay na din ako sa kalungkutan nang mawalay ka sakin, kaya anak mahalin mo si Nicole na parang tunay na kapatid ha,
Opo mama gusto ko rin nang kapatid matagal ko nang pangarap ang magkapatid,
Syanga pala anak nasan ang papa mo ang lola mo kasama mo ba sila,
Patay na po si papa mama, maliit palang ako, sabi po ni lola namatay daw po si papa sa pangungulila sayo, kaya yun nagkasakit napabayaan ang sarili, si lola naman po ay kakamatay lang nitong nakaraang buwan, at binilin po ni lola na hanapin kita , ah pero may kasama po ako, yung boyfriend ko mama, wait po tatawagin ko nasa tindahan po eh, Paglabas naman ni Nicka hindi nya ako nakita,
Umalis na kasi ako nung time na magyakap sila alam ko na nakilala na nila ang isat isa kaya naman hindi na ako kelangan dito,
O ate san ka punta tanong naman ni Nicole,
Wala ka bang nakita na lalaki sa may tindahan,
Wala naman ate, sabay yakap naman ulit ni Nicole kay Nicka, ate salamat may kapatid na ako, may makakasama na kami ni mama, kaming dalawa lang kasi lagi, ate binilhan kita tinapay tara kain tayo, hindi naman na nagawa na hanapin pa ako ni Nicka,
Pag pasok O anak asan na ang kasama mo, totoo ba na boyfriend mo na yun aba ang anak ko dalaga na talaga, diba kaka birthday mo lang, nang mabanggit nga ang birthday napaiyak na naman si Nicka,
O bakit anak .
Wala po naalala ko lang po si lola kasi kakbirtday ko lang po nang iwan nya ako,
Wag kana malungkot anak andito na si mama hindi kana mag iisa, pano san ka nga pala tumutuloy pagka matay nang inay,
Sa bahay pa din po kasama ko po ang aking mabait at mapagmahal na boyfriend mama alam ko bata pa ako pero lagi ko naman pong sinusunod si lola na kelangan magtapos muna ako nang pag aaral bago ako mag asawa,
Mavuti naman anak eh pano pogi ba ang bf nang aking dalaga,
Oo nga ate pogi ba,
Pogi naman po mabait at maalaga alam nyo po mama lagi po syang nakaalalay samin ni lola nung maospital si lola sya din po ang bumubili nang gamot, at nagbabantay samin, at mama alam mo ba pinagawan din nya ako nang kwarto, para daw may privacy na ako dahil nagdadalaga na daw po ako, super bait po nya mama, sana po magustuhan mo din sya,
Aba oo naman anak kung mahal mo mahal ko na din basta tama ang lola ha mag aral muna at wag mag aasawa agad,
Opo mama kaso umalis na sya mama,
Hindi naman siguro anak vaka naman nakita nya na masaya ka o kaya naman ay nahiya at ayaw nyang putulin ang saya mo pero anak talagang mis na mis na kita dito ihahanda ko na ang kwarto mo ha, matagal ka nang hinihintay nang kwarto mo,
Mama pwedi ba tabi tabi muna tayo matulog para naman makapag kwentuhan pa tayo, suggest naman ni Nicole
Oo nga ano, syanga pala anak gusto mo ba nang checken joy alam mo paburito ko yun,
Opo mama pariho pala tayo nang paburito,
Aba syempre naman, anak punta nga kayong dalawa dito huuuuummmmm ang lambot naman nang mga dalaginding ko eh,
Mama dalaga na ako,
Ako naman ay nawala na rin sa isip ni Nicka dahil siguro sa kasiyahan na din
Habang nasa bus nga ako hindi naman mawala sa isip ko si Nicka, masaya ako na malungkot kasi alam ko na magiging masaya naman sya, at isa pa iba ito hindi ito masyadong masakit kasi alam ko kung nasan si Nicka kung magtatagal kami alam ko kung san sya pupuntahan, kaya maluwag naman na sa puso ko kung magkakahiwalay kami,
Gabi nang makarating ako sa bahay, ginawa ko na din mga dapat kung gawin,
Samanta sa bahay naman ni Nympa,
Habang nakahiga nagkukwentuhan ang mag iina,
Mga anak napakasaya ko talaga magkakasama na tayo ngayon, Nicka anak pano ang pag aaral mo malapit na rin naman ang bakasyon gusto mo ba samahan kita sa bahay ng lola mo,
Mama pano naman po si Nicole wala syang kasama dito
Ay oo nga pala hindi naman sya pwedi mag absent,
Mama wag po kayo mag alala sakin ang boyfriend ko po ang kasama ko inaalagaan nya po ako,
Aba talagang bilib na bilib ka sa bf mo ha dapat talaga makilala ko yan,
Yaan nyo mama dadalahin ko po sya dito at ipapakilala ko sayo,
O pano mga anak kayo na muna ang magtabi ha, at gusto ko magkakilala naman kayong dalawang magkapatid, Tandaan nyo mahala ko kayo ha,
Opo mama ,
Ate nicka maganda ba sa school mo, dito kasi sa school ko daming bully,
Ah oo madami ding bull dun pero yung bf ko kasi pala kaibigan kaya wala syang kaaway wala din nambubilly sakin pero alam mo may bumastos sakin bagong lipat samin takot na takot talaga ako, pag uwi ko iyak ako nun nakita ng bf ko kaya pinuntahan namin marami palang kakilala samin na gang kaya yun pinuntahan hingi sya nang sorry,
Wow ate sana magka bf din ako nang kagaya mong lalaki,
Nicole wag ka magagalit ha naitanong ko lang kasi pano mo nalaman na ampon ka sinabi ba sayo ni mama,
Naku ok lang po ate nagkausap na kami ni mama,
May kausap kasi si mama sa cellphone tungkol sa paghahanap sayo nakinig ko na (kahit hindi ko tunay na anak si Nicole mahal na mahal ko sya)
Kaya yun nagtampo ako dapat lalayas na ko hindi na sana ako babalik kaya lang muntik na akong mabangga nang tricycle,
Ha ano bakit)
Oo nga ate kasi nga iyak ako nang iyak dahil nga nalaman ko na hindi ako tunay na anak ni mama,
pero ate may nagligtas sakin siguro matanda satin nang isang taon yun, naghahanap daw sya nang mauupahan dito, parang dito na daw sya mag aaral,
Talaga ang bait naman nang lalaking yun pogi ba, hehe
Opo ate at mukhang mabait din, sya, nung nakaraan bumalik sya dito eh sabi hindi na nga daw tuloy sayang nga ang bait pa naman sigurado magkakasundo kami Talaga anong pangalan nya,
Ano nga ba parang Jay po ata,
Jay, ?
Opo, bakit ate,
Jay din pangalan nang bf ko eh,
Ah talaga po magkapangalan,
hanggang nakatulog na nga ang dalawa sa pagkukwentuhan,
Maaga palang, Mga dalaginding ko mhuwaa mhuwaa
hug hug hug, Gising na kayo at mag aalmusal na tayo
Sige po mama,
Pagbaba nga nagulat naman si Nicka, daming pagkain may cake pa,
Happy birthday anak happy happy birthday happy happy birthday
Nagulat naman si Nicka, at naglak naman sa tuwa,
Mama bakit naghanda pa po kayo, tapos na po ang birthday ko,
Syempre anak pang welcome party ko na din ito sayo,
Salamat mama,
habang kumakain naman silang tatlo,
Pagkatapos nyo kumain mag Walter tayo para maibili kita nang damit na susuotin mo Nicka anak
Mama mama alam mo po kapangalan nung bf ni ate yung mabait na lalking nagligtas sakin,
Aba talaga ba, oo nga mabait pa naman yun, sayang
Jay Palad ata ang buong pangalan tama Jay Palad nga
Mama sure po ba kayo Jay Palad po,
Oo nak bakit
Mama sya po ang bf ko, galing na po sya dito,
Diko sure anak kung pariho tayo nang tinutukoy pero may naiwan syang paper bag dito, sabi nya babalikan daw nya, teka kukunin ko, ito nak oh
Nakita naman ni Nicka ng nakasulat sa Paper bag, na malaking love,
Pagbukas nga ni Nicka, mga bagong damit ito. may pantulog pa,
Agad namang lumaglag ang luha ni Nicka, Mama
para sakin po ang mga damit na ito, ito po yung mga gusto kong damit na dapat bibilhin ko pero binili na pala nang bf,
Sigurado kaba anak,
Opo mama sigurado po ako kaya po pala hindi na ako pinagdala nang damit, meron na pala syang binili,
Anak kong ganun napakabait nga nang bf mo,
Mama pwedi po ba samahan nyo ako umuwi kakusapin ko po si Jay,
Oo naman anak, basta sa ikasasaya mo anak,
Nagpunta naman ako nang linggong yun kina Bry ilang beses na din kasi nya akong pinipilit na sumama sa pag bibigay nang tag sa mga bagong kasapi nang gang, sakto naman kasi na may limang teka teka na ulit akong nagawa,
Bry pre, kamusta savi ko sayo pupunta ako eh, ano balita,
Sakto pre ito yung mga bagong pasok natin mga pre ito si Jay kaibigan natin sya tumutulong satin para naman gumanda ang samahan natin,
Hindi naman ,
Magandang araw pre, agad naman akong binati, nang mga bagong pasok,
Bry pre may dala ako sayo, hahaha,
Naku parang alam ko na yan,
Pag lapag ko nga nang bag ko kumalampag na agad ang tunog nang bakal,
Sabi ko na nga ba eh,
Naglabas nga ako nang isa sige pre tistingin mo, pag tisting nga ni Bry, yun o galing,
tol dalawa na ang ganito natin, pagkasabi ni Bry,
nilabas ko pa ang apat,
Puta tol ang dami nyan ano yan lalaban tayo nang away,
IBA na yung madami alam mo ang daming nagsulputang gang ngayon hindi mawawalan ay magkakaron tayo nang kalaban, iba na ang handa,
Sa bagay pre, tama ka, O kita nyo ganito tayo kalakas hindi lang kahoy bakal ang armas natin may paltik tayo at hindi ito katulad nang ibang paltik subok ko na to, basta mabilis kang maglagay nang bala mabilis karing makakapagpaputok,
Yown ayos salamat Jay, sabi nang lahat sakin
Bry, usap tayo saglit,
dyan lang kayo ha,
Ano yun tol away ba, ready ang mga tropa natin,
Hindi yun alam ko dumadami na tayo, kelangan mo nang maglagay nang ibang pinono kada batch, hindi pweding tayo ng tayo ang nakaharap pano kung tirahin tayo nang patalikod, Ilan naba tayo,
Nasa 200 na tayo, plus 60 sa mga kababaihan,
Dapat may ibang namumuno sa babae dapat babe din,
Tama ka nga pre san mo natututunan yan, tanong sakin ni Bry,
Mahilig kasi ako mag basa,
iba talaga nagagawa nang pag aaral, pero tama ka,
Ipatawag ang lahat nang myembro sa susunod na sabado magkakaron tayo nang malawakang meeting,
natapos na nga ang tagging,
Ay oo nga pala tagging ang ginagawa namin sa mga myembro para alam namin kung sino mga myembro sa pamamagitan nang pagbitas nang tenga, tapos hihikawan namin nang bids na kulay asul, may call sign din ito para kung sakaling gayahin alam na agad kung myembeo o hindi,
hapon na din kami nakatapos umalis na nga ako kasi mag iinom pa, sila,
Nagulat naman ako kasi may nanlilisik na mata ang nakatitig sakin at parang galit na galit, hindi ko tuloy alam kung ano sasabihin ko,
Nicka love pano mo nalaman andito ako,
Sabay yakap naman sakin at kinurot ako nang kinurot sa aking likod,
Aray aray aray love bakit ba masakit,
Bakit mo ako iniwan dun bakit hindi ka nag paalam na aalis kna,
Love syempre nahihiya ako at isa pa family bonding nyo yun nang nanay at kapatid mo,
Bakit mo naman nalaman na may kapatid ako,
Nakinig ko syempre nakita ko may lumabas na babae dun, pagsisinungaling ko,
Pero iniwan mo pa din ako,
Sorry na love kasi gusto ko na yung moment na yun ay para sayo lang, at nung pumasok ka naman alam ko na ok na kayo kaya umalis na ako, ano kamusta mabait ba ang mama mo,?
Oo mabait si mama pati nga yung kapatid ko mabait din,
Mabuti naman teka pano ka nakauwi
E di nag bus iniwan mo ako eh, tara sa bahay kumain ka naba love,
Dipa nga nag iinom sila dun kaya ako umalis na ayaw ko mag inom, teka pano mo pala nalaman na andito ako,
Kay Dianne na txt ako sabi may meeting daw kuya nya kaya sure ako na nadito ka,
Aba lakas nang radar nang love ko ah,
Pag pasok nga namin sa bahay dalawang pigura nang babae ang nakatingin sakin,
Magandang gabi Kuya Jay,
Magandang Gabi Jay,
Ate Nympa Nicole, bababakit bakit,
Anong bakit love bakit mo sila kilala, hindi ko pa naman sila nakukwento sayo,
Jay wag kana mag kaila alam na ni Nicka ayan o suot na yung damit na binili mo sa kanya, Jay bakit di mo sinabi
sakin ang totoo,
Ate Nympa sorry po balak ko lang po talaga na alamin ang saktong lugar na ito, si lola po kasi laging nagbibilin sakin tungkol kay Nicka na wag ko sya pababyaan tapos binigay po yang Address nyo sakin, sabi nya pag nawala daw po sya ibigay kobkay Nicka, kaya lang po yung nangyari kay Nicole hindi ko din naman po alam na anak nyo po pala sya, kaya yun, kaya nung na confirm ko po bumalik ako para sadyaing iwan yung mga damit ni Nicka,
Salamat Jay ha at ikaw parin ang naging dahilan nang pagkikita namin ni Nicka tama nga si Nicka napaka bait mong bata,
Di naman po ate Nympa, kamusta kan nga pala Nicole,
Ok na kuya magaling na din yung sumakit kung paa,
Love salamat ha niligtas mo pala ang kapatid ko,
Wala yun love alam mo namang matulungin talaga ako,
Syanga pala Jay ipagkakatiwala ko sayo ang aking anak alam ko na din naman ang lahat, pero Jay wala munang asawa ha, gusto ko makapagtapos muna ang anak ko,
Opo ate Nympa,
Gusto kong matapos muna ang firstyear ni Nicka dito para pag transfer nya sa calamba ay secondyear na sya, tamang tama savay na sila ni Nicole, sa secondyear ilang buwan nalang naman pero friday uuwi si Nicka sa calamba at babalik nang Sunday para pumasok kinabukasan,
Ok po ate Nympa,
at isa pa tita ang itawag mo sakin,
Sige po ate Nympa ,,,,ay Tita Nympa po pala,
at nagtawanan nga kami,
Iniqan ko naman na sila kasi bukas na daw uuwi sila Tita Nympa, bukas naman dito ako tutulog,
Pasok na nga ulit parang ang bilis nga nang panahon dalawang buwan nalang at bakasyon na,
Sa hapon naman inintay na ako ni Nicka, para sabay na kami umuwi, kumain na din kami sa labas para tutulog nalang pagdating, habang nakahiga naman kami,
Love bakit mo nga pala di sinabi sakin na alam mo na ang bahay nang mama ko,
Kasi love ang totoo nung lagi nagbibilin si lolo aakin nisip ko na baka may gusto syang sabihin kaya lang hindi nya masabi sakin nang dirikta, kaya naman, nung ibigay nya ang address sakin naisipan ko na puntahan ito para alamin nadin kung anong klaseng pamilya ka mapupunta, syempre love mahal kita kung maghihiwalay man tayo gusto ko sa mabuting tao kita iiwan, kaya nung iligtas ko si Nicole hindi ko talaga inaasahan na dun mismo ako mapupunta, kaya nakilala ko sila at nalaman ko na mabait ang mama mo tapos may kapatid kpa, pero kung nalaman ko na hindi sila ok, kahit magalit sakin si lola hindi ko ipapaalam sayo kahit magalit kpa sakin kahit tawagin mo pa akong makasarili kung alam kong hindi ka naman magiging ok, tatanggapin ko lahat yun,
Salamat love, sumama ka na kaya sakin dun kana din pumasok nang secondyear para magkakasabay tayo,
Love kung pwedi nga lang ba, kaso kahit sabihin mong tanggap ako ni Tita Nympa ayaw ko din naman na may masasabi ang ibang tao sa kanya,
At isa pa basta hindi mo ako ipagpaplit sa mga taga calamba, eh,
Love ikaw lang mahal ko at hindi kita ipagpapalit kahit kanino pa, pupuntahan mo naman ako diba,
Oo naman, love ko