Natawa lamang si Major at nilapitan siya at kurutin ang kanyang pisngi na para bang pangingilin siya nito. “Aray naman!” reklamo niya at kumunot ang kanyang noo at inalis ang kamay nito sa pisngi niya. Natatawang tinaas naman ni Major ang mga kamay nito. “Easy, l just couldn't help it. You look adorable. Para kang pusang ini-aaway ng aso,” nakangising turan nito. Bumuka-sara ang bibig niya. Kailan pa ito na tutong mang-asar? Bakit ata nasa mood itong asar-asarin siya. “If you are done, we should get going before the departure store will close,” sabi nito bigla sa kanya at inakay siya palabas sa may hotel room nila. Napapikit siya ng maramdaman niya ang malamig na hangin pumasok sa loob ng hoodie. “Ito pala ang pakiramdam kapag wala kang panty?” bulong ng utak niya at napakapi

