HINDI akalain ni Merci na gayon na lamang kabilis ang takbo ng panahon at ngayon ay araw ng kanyang kaarawan mag-b-bente kwatro na siya.
“Hoy, bakit ka tulala riyan?” tanong ni Joy Lyn sa kanya. Isa sa mga matalik na kaibigan niya.
“Oo nga, bakla. Ano ba pinoproblema mo? Huh? Kanina pa kasi kami dito nagsasalita ‘e hindi ka naman nakikinig,” nakasimangot na ugot naman ni Rika.
“True to fire. Pwede mo naman sabihin sa amin iyang dinadala mo mukha kasing mabigat masyado at nakaka sumpong buntong hininga ka na,” singit naman ni Cristal.
“Hay naku, Merci. Kung ako sa iyo, huwag mo na iyang masyadong dibdibin total wala ka naman dibdib–”
“Hoy! Ang Oa ninyo ‘a. Bawal ba mag-isip, huh? Ikaw, Rollyn, ‘a. Ang hard mo sa akin akala mo naman may dibdib, pareho lang tayong dalawa ang likod, hoy!” giit niya at pinaikot ang kanyang mga mata.
“Loka! Mas mabuti pa siguro ‘e makisali na lang tayo don sa bonfire nila. Sumayaw at malasing hanggang sa gumapang tayo pauwi, hahaha,” sagot naman ni Rolly na pututsada niya.
“Mabuti pa nga at kanina pa ako nauuhaw sa alak, hahaha,” sang-ayon ni Rika at umakbay kay Rolly at saka lumakad papunta sa may grupo na nag-b-bonfire sa gilid ng dagat. Nandito sila ngayon sa boracay. Dito niya naisipan i-held ang kanyang birthday pero sila-sila lang magkakaibigan. Hindi naman kasi siya mahilig mag-party ng bongga.
“Oy, neng, tulala ka naman. Ano ba kasi iniisip mo, huh?”
Napakurapkurap siya nang marinig niya ang boses ni Joy Lyn. Tumingin siya kaibigan at napailing..
“Wala, naalala ko lang na huling taon ko na pala ito maging malaya kasi alam mo naman na may kasunduan kami ng ama ko, na kapag tumuntong na ako sa edad na bente singko ‘e pag-uusapan na namin iyong kasal ko sa Elias na iyon,” aniya at napayuko.
“Bakit hindi ka na lang kasi maghanap ng lalaking ihaharap mo sa tatay mo at para tigilan ka na niya,” suhestiyon ni Cristal.
Buntonghininga siya. “Sana ganun lang kadali iyon. Kilala mo naman si dad, makapangyarihan siya halos lahat ng lalaki ‘e natatakot sa kanya maliban sa isa.”
“At sino naman iyan?” sabay na tanong ng dalawa.
Napangiti siya nang maalala niya ang lalaking sumagip sa kanya. Gwapo, matangkad, makisig at moreno. Sobrang lakas ng dating na sa palagay niya’y halos lahat ng babae ‘e maakit sa angking kagwapuhan nito.
“Hoy, parang tanga naman ito ngumingiti mag-isa.”
Napatitig siya sa dalawa niyang kaibigan na pinagtatawan siya.
“Sorry naman, hindi ko lang kasi maiwasang mapangiti kapag naalala ko ang kanyang mukha. Sobra gwapo niya mga ante, kaya lang ‘e…”
“Eh, ano? Bakla ba siya? Ay sayang nga kapag ganiyan,” giit ni Joy Lyn.
“True to the fire pero kung type mo talaga aba’y subukan mo malay mo mapatayo mo ang kanyang flag pole,” nakangising sabi ni Cristal.
“Hindi siya bakla,” aniya at napabuntonghininga.
“Eh, ano pala problema?”
“May asawa na siya,” aniya gamit ang mahinang tinig.
“Ay girl, pass. Hindi ka pinanganak sa mundong ito para maging kabit lang sa ganda mong iyan,” ani ni Joy Lyn.
“Oo nga, hayaan mo’t makakalimutan mo din iyon. Mabuti pa ay, sumunod na tayo sa kanila, malay mo doon mo pa makita ang lalaking matapang na ipaglalaban ka sa ama mo,” nakangiting sabi ni Cristal at ginayak nga siya ng dalawa papunta sa may grupong sumasayaw at nagkakasiyahan sa gilid ng talampasigan.
MABILIS na tumakbo si Alex habang bitbit ang kanyang baril, nasa isla siya ngayon at may humahabol sa kanya na mga guwardiya sapagkat sinubok niyang pasukin ang casa ng mga sindikatong kumukuha ng mga batang babae at binibenta sa mga foreigners.
“Nalintikan na!” pabulong na mura niya nang hindi gumagana ang kanyang radyo kaya’t hindi niya makokontak ang kanyang kasama.
“f**k! I must find place to hide,” bulong niya ulit nang mapansing dumadumi na ang humahabol sa kanya.
Ngunit bago pa man niya magawang magtago ay pinaputukan na siya ng mga humahabol sa kanya dahil nakita siya ng mga ito.
“Damn it!” mura niya at pinutukan din ang mga ito. Nagtago siya sa may malaking kahoy na malapit sa gawi niya.
“Hanapin ninyo siya! Hindi siya pwedeng makalabas ng buhay sa islang ito, naiintindihan ninyo?” Narinig niyang utos ng leader ng mga sindikato.
“As if they can,” bulong niya at inayos ang kanyang hawak na baril at pinipwesto ito kung saan ang mga kalaban. Walang ideya ang mga ito kung saan siya banda nakatago dahil nagpalit siya ng pwesto.
“Bulls eye,” aniya matapos niyang matamaan ang tatlong kaaway niya. Sinunod niya ang iba pa, nang maubos na ang mga ito ay, ini-check niya ang area para masiguradong wala nang natira. Nang wala siyang makitang gumagalaw ay kaagad siyang lumabas sa kanyang pinagtataguan para tignan ang mga ito.
“f**k!” malutong na mura niya nang maramdaman niyang may karayom na tumurok sa kanyang leeg. Mabilis na tumingin siya sa kanyang likuran at nakita niya ang leader ng mga sindukatong nakangisi habang hawak-hawak ang pinanturok nito sa kanya.
“Tignan natin ngayon kung makalaban ka pa. Akala mo talaga ‘e mapapatay mo ako ng ganun lang? Asa ka! Heto sa iyo.” Inambahan siya nito ng suntok pero kaagad siyang umiwas at kaagad siyang bumawi at natamaan niya ito sa may ilong dahilan para mapamura ito sa sakit dahil basag na ang ilong nito sa suntok niya.
“Putang ina mo! Sinira mo ang ilong ko, papatayin kita!” Sigaw ng lalaki at bumunot ng baril pero mas mabilis ang kamay niya at nakalabit niya kaagad ang gatilyo ng kanyang baril at timaan ang lalaki sa ulo dahilan para mapaluhod ito sa lupa na wala nang buhay.
“NANDITO SIYA!!!”
Mabilis na tumakbo siya nang marinig niya ang sigaw na iyon mula sa malayo. Na sa malamang ay mga tauhan pa ng leader ng mga sindikato. Sa pagkakalam niya’y dalawa ang may ari ng ilegal na negasyo at magkapatid ang mga ito. Napatay niya ang isa at isa ay buhay pa at paniguradong hahabulin siya nito at ipaghihiganti ang kapatid at sa sitwasyon niya ngayon ay paniguradong hindi siya makakaligtas kaya’t mas mabuting umatras siya.
Mabuti na nga lang at may nakita siya na bangga kaya’t dali-dali siyang sumakay para makalayo sa lugar na iyon habang nasa bangka siya ay tinignan niya ang gamot.
“f**k, this is a drug they probably use to actives the one’s s****l desires. They probably use this to the womens they captures when they are selling them with foreigners. Damn him! How dare him to use it to me! Or maybe he was confuse which injection he should use againts me,” galit na giit niya nang maramdaman na niyang ume-epekto na ang gamot.
Pangkadating niya sa kabilang isla ay kaagad siyang bumaba at binasa ang kanyang katawan para kumalma ang init na kanyang naramdaman pero wala, hindi iyon nakatulong. Hinihingal na pasuray-suray siya papunta sa may natatanaw niyang kubo.
“f**k!” mura niya at inalis ang kanyang pang itaas. He could not breath if he won’t remove his shirt. Pakiramdaman niya’y nilalagnat ang buo niyang katawan sa sobrang init.
HABANG, tumungo si Merci sa may kabilang parte ng dalampasigan dahil gusto niyang mapag-isa at makapag-isip-isip.
“Hala, may kubo pala dito?” nasupresang bulalas niya nang matanaw niya ang kubo. Dali-dali siyang humakbang papunta sa kinaroon niyon. Liliko na sana siya para pumunta sa may side kung saan ang pinto nang may mapunggo siya at sa lakas ng impact niyon ay napaupo siya sa sahig.
“Aray ko naman!” reklamo niya at napahawak sa kanyang bewang, nakayuko siya kaya’t hindi pa nakikita kung sino na bunggo niya.
“Help me…”
Napakurapkurap siya nang marinig niya ang paos na boses ng isang lalaki. Sisigaw na sana siya nang hawakan nito ang kanyang paa nang maaninag niya ang mukha ng lalaki.
“Major Isagani?!” Gulat na bulalas niya.
“Help me please,” paos na pakiusap nito at hinawakan ang mga kamay niya.
Napalunok siya nang mapansin niyang wala itong pang-itaas at kitang-kita niya ang magandang katawan nito.
“Ay diyosko inay!” gulat na bulalas niya nang lumapit si Major Isagani sa kanya at tumama ang kanyang mga mata sa may kargada nitong humulma sa suot na pants. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansing double ang laki niyon sa jumbo hotdog na kinain niya kanina, kahit hindi pa niya nakikita ‘e alam ba alam na niya sapagkat humulma talaga.
“Jusko! Jumbo hotdog, kaya ko ba ito?” biglang kanta niya na parang tanga habang si Major Isagani ay nakatayo sa may harap niya at mapungay ang mga matang nakatitig sa kanya na para bang inaakit siya.