“Oh, diba kahit papano ay lumalayag na ang ShCy couple!” tuwang-tuwa na sabi ni Shyra sa kanya matapos nito isalaysay ang buong kwento. Napangiti siya. Masaya siya para rito. Nawala ang ngiti niya nang makita niya si Eloisa, parang nagulat pa ito ng makita siya. “Oh, bakit para kang nakakita ng multo diyan? Hindi mo ba ini-expect na buhay ako?” nakangiting banat niya sa babae nang makarating ito sa kinaroonan niya. “Hindi multo nakita ko kundi malanding kabit, akala mo ba dahil baliw na baliw sa iyo ngayon si Alex ay mahal ka na niya? Parausan ka lang niya tanga,” giit nito sa kanya. Bago pa man siya makasagot ay ihiblot na ni Shyra ang buhok ng babae. “Sinong kabit? Sinong tanga ha? Kagabi pa ako pikang-pika sa iyo a,” galit na galit na sabi ni Shyra at hinila pababa ang buhok n

