“Stop talking nonsense and keep eating. We need to buy everything we need as fast as we could. So, we can prepare for later mission,” seryosong pahayag ni Major dahilan para mapanguso siya. “Hmp! Ang sungit mo naman,” mahinang bulalas niya at pinagtuloy ang pagkain. Ilang sandali pa ay tahimik na silang kumakain, ayaw naman niyang hiritan pa ito at baka iwan siya ng lalaki kapag na pikon. “Major, pwede ba akong makitawag mamaya pagdating natin sa bayan?” aniya, nasa loob na kasi sila ng jeep wrangler nito at bumabayahe na. Sumulyap sa kanya ang lalaki at inabot ang cellphone nito. “Sure, here use my phone,” sabi nito. Tinangap naman niya at nang buksan niya’y tumambad sa kanyang mga mata ang larawan ng isang babaeng maganda at batang lalaki, nakangiti ang mga ito. Nakatayo si Major

