"Grabe ang ganda mo day!" bulalas ni Shyra matapos ang pag-aayos sa kanya ng make-up artist at hair stylist. "Hindi na ba makilala?" natatawang tanong niya rito. Yes, ni-request niyang make-up iyong hindi siya makilala, to protect her privacy and herself. "Oo mi! Para kang asawa ng mafia boss! Lalo pa't kulay black rin ang iyong long gown. Ang lakas ng dating! Baka mamaya niyan ikulong ka na lang ni Major sa kwarto kapag nakita kung gaano ka ganda at seksi," natatawang sabi ni Shyra. "If this mission is not important l will probably do that," singit ng pamilyar na boses mula sa kanyang likuran kaya't mabilis napalingon siya sa gawing iyon. "Major?" gulat na bulalas niya nang makilala ang boses nito at build ng katawan. Malayong-malayo ang anyo nito sa totoong itsura nito. Dahil mal

