Tumaas naman ang kilay niya sa inaasta ng lalaki. "Huwag mo sabihin ng seselos ka? At tama sabi nila? Na hindi ka kumakain ng matamis? At baka tumaas ang sugar mo?" nakangising sabi niya rito. "Don't mind them, they're lying. I do eat sweets, so, feed me, Merci," mabilis naman tugon ni Major Isagani sa kanya at hinila pa siya pagilid para hindi sila makaka-istorbo ng mga dumadaan. Nagkibit balikat naman siya at sumandok para ipakain rito pero tinitingnan lang iyon ng lalaki at hindi nito binubuka ang mga labi. "Ano na? Akala ko ba gusto mong kumain? Open your mouth na," aniya rito. "It's would be better if you serve it using your lips, l don't like it with spoon," parang batang demand nito. Umangat naman ang kanyang kilay.. "Seryoso ka? Nasa public place tayo, Major, kaya't tum

