"Sure," maikling sagot ni Dok Cyrex at pinunasan ang mga luha ni Shyra na animo'y tatay na sinusuyo ang anak. “Stop looking at him. I’m more handsome than he is, even though he has beautiful gray eyes," bulong ni Major Isagani sa kanya at hinawakan pa talaga ang baba niya para tumingin rito. Natawa na lang siya at iniangat ang kanyang kamay upang abutin ang ilong nito at pisilin iyon. "Oo na po, gwapo ka na at huwag ka mag-alala hindi man gray ang mata mo, baliw na baliw pa din naman ako diyan kaya't baby kalma, okay? Naaaliw lang ako sa kanilang dalawa," bulong niya sa lalaki at sinuklay ang buhok nito dahilan para mapaungol ang lalaki at napapikit pa. She doesn't know but his moan makes her feel hot. "Oh, god! Nahihibang na ata ako, bakit naman ako magiging ganito ka sensitive!

