Rezxca's POV: "Anong plano mo?" Tanong agad ni Xanon nang mapansin na hindi ako kumikilos. Nakatingin lang ako sa ilalim ng karagatan. Pinagmamasdan ang mga isda na patuloy na lumalangoy sa buong paligid. Napaangat ang aking ulo at saka binalingan ng tingin si Xanon. Binigyan ko siya ng walang ganang ekspresyon bago mapatingin sa maitim na kalangitan. Hindi katulad sa mundo na kinabibilangan nila masyadong maulap at maganda ang pagkakadisenyo nito. Samantalang dito ay hindi. Masyadong madilim at hindi maganda ang iyong mararamdaman sa buong paligid. Para bang sa isang maling galaw mo lang ay nasa panganib na ang iyong buhay. Kapag sasapit ang alas one at alad dose lalabas na sila. Maging alas tres ng hapon ay umaalis din sila sa lungga nila para maghanap ng kakainin sa paligid o hind

