9. OPPORTUNITY

1322 Words
REZXCA'S POV:   Nakarating kami sa bahay ko nang maggagabihan na. Kita ko sa mga mata nila na manghang-mangha sila sa kanilang nakikita.   "Wow! Ang astig! Mas malaki pa itong mansyon na ito sa dating mansyon natin, 'di ba Mom?" Tanong ni Anicka sa ina na nakatungo rin sa kisame habang pinagmamasdan ang buong ayos nito sa itaas.   Samantalang ako ay tinitingnan lamang ang galaw nila habang nasa likuran nila ako. Maging si Dillian ay nakasandal din sa pintuan.   Namamangha ang magkakapatid na lalaki habang pinagmamasdan ang buong paligid. Puro mga furniture at painting ang nakikita nila rito.   Ang iba ay gawa ng kilalang tao, samantalang ang iba naman ay mismong gawa ko kapag nililibang ko ang sarili ko. May isa rin na painting ang pinakakamahal ko na ayaw kong ibenta kahit kanino.   Napalingon naman ako sa relo ko upang malaman kung anong oras na ba. Napansin ko na mag-aalas singko na rin pala ng hapon at malapit na ang gabi.   Masyado pa lang malayo ang lugar nila sa aking bahay. Hindi na ako magtataka kung gagabihin kami sa pagbabyahe. Parang Daet to Panganiban lang, sobrang tagal ng pagmamaneho pabalik.   Napaayos naman ako nang aking tayo at naglakad palapit sa kanila. Napansin naman nila ang pagpunta ko sa direksyon nila kaya napatayo naman sila nang maayos.   " Kung gusto na ninyong magpahinga pumunta na lang kayo sa itaas at maghanap na lang kayo ng kwarto. Walong kwarto 'yan, bale pwede kayong mag-isahan. Bukas na lang natin sisimulan ang training." Napatango na lamang sila bago magpaalam na sa amin.   Natira lamang kaming apat dito sa sala.   Ang aking Ina at Ama maging si Dillian na kanina pa hindi umaalis.   "Iha san ba dito ang kusina para ako'y makapagluto na?" Tanong ni Mom kung kaya't tinuro ko ang pinto na nasa kaliwang direksyon lamang namin.    "Salamat iha." Tanging tango na lang ang naging sagot ko sa kaniya.   Naglakad na siya papunta sa direksyon na itinuro ko. Iyon lamang naman ang nag-iisa na pintuan sa bahay na ito sa ibaba. And the rest is pinto papuntang balcony.   Matapos mawala sa aming paningin si Ina. Si Ama naman ang tiningnan ko.   "Tara po sa office ko upang mapag-usapan natin ang magiging trabaho ninyo. At ikaw kailan mo balak umalis sa pagkakasandal sa pintuan?" Tanong ko naman sabay baling sa lalaking ito na hanggang ngayon ay walang balak umalis sa pagkakasandal.   'Mahal na ata nito ang pintuan. Ang daming pwedeng magustuhan, pintuan pa talaga ang naisipan. Wala ring taste ito 'e.'   Tiningnan naman niya ako at kapansin-pansin sa itsura niya na may gusto siyang ipabatid. "Kapag nawala na ito. Obviously naman na wala akong balak."      "Kailan ka ba makakausap nang matino?" Walang emosyon kong tanong dito.   "Kung magsasalita na ang mga hayop." Pilosopo na naman niyang sabi sa akin.    Napabuntong-hininga na lang ako at saka nilingon naman si Dad. Naiiling naman siya sa aming dalawa.    "Baka dumating ang araw na magka-inlaban kayong dalawa." Napangiwi naman ako sa nasabi nito.   'Sa lahat pa talaga ng naiisip. Ito pa?'   "No and Never." Malamig kong saad at saka masamang tiningnan ang lalaking iyon. "Mukha siyang unggoy, tara na po sa opisina ko."   Hindi ko na pinansin pa ang lalaking iyon at naglakad na kami para pumunta sa mini elevator.   "Sige iha, salamat talaga. Hindi ka magsisisi na kinuha mo ako kahit anong trabaho pa iyan papatusan ko. Janitor, tagalinis ng cr ,mekaniko o kung ano pa man, gagawin ko basta magkaroon lang ako ng trabaho para sa pamilya ko."   "Gagawin ninyo po talaga ang lahat para sa pamilya, ano po?"    "Dahil ayaw kong may masaktan na naman na isa pa. Hindi ko na kaya pa na makakita ng anak na nahihirapan, gusto ko sa pagbalik man ng anak ko na si Empress. Malaman niya na nagbago na kami, na nagsisisi na kami. Kahit na nag-iimagine lang ako na babalik siya, masaya pa rin ako na makasama siya sa imahinasyon lang. " Napatahimik naman ako sa sinabi niya. At hindi na nagsalita pa.   Hanggang pagpasok sa mini elevator ay wala ng nagsalita pa. Pinindot ko na lang ang 3rd floor na pindutan at saka humarap nang tuwid sa may pintuan.   Hindi ko talaga feel ang atmospera kapag binabanggit ang nakaraan naming lahat. Hindi ko pa tanggap ang mga nangyayari.    Pinagbigyan ko si Dillian, inalam ko ang nakaraan.    Pero hindi ibig sabihin noon kayang lunasan ang nakaraan sa panandalian lang.   "Ano bang trabaho ang iaalok mo sa akin Rezxca?" Tanong niya nang mapansin na ang tahimik ng paligid.   "Malalaman na lang po ninyo kapag nakarating na tayo sa office ko."   "Ah ganon ba..." Napatango-tango naman siya habang hindi nawawala ang tuwa.   Hinintay lang namin na pumunta ang red light sa 3. At nang mag-redlight na ay bumukas na ang elevator kaya lumabas na rin kaming dalawa rito.   Bumungad sa aming harapan ang tatlong pintuan. Kaya naglakad ako sa gitna mismo katapat lang ng elevator at saka binuksan iyon gamit ang doorknob.   Nakita ko ang kaylinis na aking opisina pagkapasok lang sa loob.   Umupo ako sa mismong upuan ko samantalang pinaupo ko siya sa upuan na nasa harapan ng table ko.   Binuksan ko ang cabinet sa aking harapan at may kinuhang kontrata.    Actually noon pa lang talaga desidido na akong makahanap ng bagong CEO ng kompanya ko na papalit sa akin.   Kaso wala akong mahanap dahil hindi nila kaya ang ginagawa ko.   At ngayong may nahanap na ako, sa kaniya ko na ipapamanage ang kompanyang nagpapatakbo ng bagong brand ng pabango.   Nilapag ko sa kaniyang harapan ang kontrata ganon din ang penmark.   "Read it and after that sign it." Formal kong utos kaya kinuha niya iyon at sinimulang basahin.   Hinintay ko lamang siya matapos sa pagbabasa. Inabot siya ng dalawang oras para lang intindihin ang nakapaloob sa kontrata.   Naiiling na lang ako sa bawat ekspresyon na ginagawa niya habang nagbabasa siya hanggang sa pagtatapos niya.   "T--totoo po ba ito? A-ako gagawin ninyong CEO ng kompanya ninyo? B–baka magsisi po kayo dahil sa pagkuha sa akin o di kaya ay may magawa akong di tama?" Hindi niya makapaniwalang saad.   Kita ko sa mukha niya na nag-aalinlangan pa siya sa kung ano ang magiging desisyon niya.   "As what you read may nakita kang consequence, 'di ba. Once you betrayed me at my back, you'll gonna pay it triple like you can't hold any longer. Hindi lamang sa iyo,kundi pati na rin sa pamilya mo." Nakita ko naman siyang napalunok ng laway.   "But I know hindi mo iyan magagawa sa akin diba Mr.Traverson at saka sana hindi mangyari sa aking kompanya ang nangyari sa kompanya mo Mr. Give your attention on other things not only on managing the company , but also on person you  just meet. Don't trust easily on person who have good face cause everyone have a dark side. Remember that?" Tumango siya sa aking sinabi kaya tinuro ko ang penmark.   "Then sign it, if you want to be the CEO of my own company. Don't worry about other people around you. Mababait sila and alam kong kilala mo na sila." Kahit na naguguluhan ay napatango na lamang siya at nagperma na sa kontrata.   "Salamat talaga Ma'am malaking tulong ito sa aking pamilya." Masayang sambit niya matapos gawin ang ipinag-uutos ko.   Ang tanging nagawa ko na lamang ay tanguhan siya. Kahit sa ganitong paraan lang may maitulong ako sa kanilang pamilya.   Kung gusto niyang may mapatunayan, dito niya ipakita sa pagtatrabaho.   "Maaari na po kayong umalis at makapagpahinga."   "Paano ka?"   "May gagawin pa po ako na importante." Sagot ko naman sa tanong niya.   "Ah ganon ba. Sige alis na ako, magpahinga ka na rin pagkatapos."    "Uumm..." Iyon na lang ang sinabi ko bago siya tumayo sa kaniyang pagkakaupo.   Yumuko muna siya sa aking harapan at saka naglakad palabas opisina. Binuksan niya muna ang pintuan at pagkatapos nagtuloy-tuloy na sa paglalakad.   Matapos niyang mawala sa aking paningin at maramdaman na nakapasok na siya sa elevator.   Ginamit ko ang kakayahan ko na magpagalaw ng mga bagay at saka minuwestra ang kamay ko sa mismong pinto.   Dahil sa konsentrasyon na mapagalaw ito, tuluyan ko ng nasarado ang pintuan.   "Pwew!" Sabay buntong-hininga ko nang mahina lang.   Hanggang ngayon mahina pa rin ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nararapat na mapabilang sa mga magagaling na magician. Pero...hindi ko pa rin alam kung isa nga ba talaga akong magician o isa talaga akong tinatawag nilang demonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD