Third Person's POV: Sa isang maliwanag na pasilyo at nagkikintabang mga perlas sa paligid. May pitong tao ang nakakulong sa isang bakal na rehas na pinaliligiran ng mga taong isda. May mga hawak itong sibat na sa dulo ay may tela na mahaba na kulay puti tulad ng mga perlas. Halata sa buong paligid na puro puti at walang makikitaan ng kahit anong kulay man lang. Pati ang damit ng mga kawal ay puti lahat. May isang nilalang naman ang nasa harapan ng pito at animo ay pinagmamasdan sila ng maigi. May iniisip ito na hindi maganda sa pandinig ng mga nilalang na nasa loob ng kulungan. Napapangisi na lang bago didilaan ang kaniyang labi. Ngayon pa lang ay sabik na sabik na sa lasa ng mga taong nahuli nila sa itaas ng kanilang isla. Samantalang ang pito naman ay napapahawak na lang sa bawat is

