KHLER POV: "Masarap bang makita ang nakaraan?" Dahan-dahan akong napalingon sa aking kanang direksyon. Napatalon ako sa gulat nang may makita akong isang nilalang na nakalambitin sa may puno. Ngayon ko lang din napansin na nasa ibang lugar na ako. Ano bang meron sa loob? Bakit…bakit nagagawa ng silid na ito ang mga bagay na hindi naman totoo. Isa lang ba talaga itong teknolohiya na gawa ni Rezxca? P…pero...hindi… "O-oo…h…hindi ito totoo…" pakukumbinsi ko pa sa sarili ko habang nakapikit. Pinipilit na sabihin sa sarili na wala lang ito, na nagha-hallucinate lang ako. Pero pagdilat ko nang aking mga mata, akala ko ay normal na silid ang aking makikita. Ngunit hindi pala. Nandito pa rin ang taong kanina ko pa sinasabi sa sarili na hindi ito totoo. 'Ngunit tao nga bang talaga?' Am I r

