Still Third Person's POV: "Hep kalma para kang high eh!" Inis na sambit ni Anica habang sinusugod siya ng samurai nang kalaban niya na galing sa middle class. Pero imbis na makinig ay patuloy pa rin siyang kinakalaban nito. Napatingin siya kay Prince na nakatayo na dahil tapos na ito sa kaniyang kalaban. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi tapusin na rin ito. Umikot siya paibaba at parang nakita ito ng kalaban pero napangisi siya bago umikot pabalik at nilabas agad ang kaniyang dagger at tinapon sa kalaban. Sakto naman ito sa leeg ng kalaban kaya nahiwa ito na naging sanhi ng pagkalas ng ulo sa sariling katawan. Napangiwi na lamang siya sa kaniyang nakita bago kunin muli ang dagger sa puno. "Napakabayolente talaga." Pailing-iling na sabi nito kay Anica pero ngumisi lamang siya. "

