Maraming tao sa mall pagdating namin. Karamihan ay mga kabataan. Palibhasa bakasyon kaya walang mga inatupag kundi gumala. "Anong bibilhin mo?" tanong ni Drew sa akin. "Titingin lang ako ng damit saka sandals sana." Konti lang kasi nadala kong mga damit lalo na ang panlakad. Karamihan pambahay ang nailagay ko sa maleta ko. Iniisip ko kasi baka hindi din lang ako lalabas kaya 'yon ang dinamihan ko. "Ah okay. Sa taas tayo," anito. Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Dinala niya ako sa store ng mga branded na damit at sapatos. "Wala ka bang bibilhin?" tanong ko sa kanya. "Tingnan ko maya," anito. "Sige na pili ka na. Hintayin kita" Naupo ito sa upuan na para sa mga customer. Nagsimula na akong mamili ng damit. Magaganda ang mga 'yon kaya nahirapan akong mamili. Sa huli'y apat na dres

