Maraming nagbago sa buhay ko pagkatapos ng Fashion Show sa Paris. Simula nu’n malalaking projects na ang offer sa akin mapa local man or international. Everyone treated me like I’m a big time celebrity. Kahit saang sulok ako ng mundo magpunta, pinagkakaguluhan ako. Parang hindi na tuloy ako makakilos ng maayos. Halos lahat kasi ng galaw ko may mga mata at kamerang nakatutok. Pakiramdam ko tuloy I can’t live a normal life anymore. Wala din akong magawa kasi I need to live with their expectations. Isa pa ito naman ang pangarap ko talaga di ba? Maging sikat na model at magtagumpay sa buhay. Ang it’s happening now… Actually, medyo nakakapagod din talaga ‘yong trabaho ko. Pero wala akong magagawa kasi nakabook na 'yong mga schedule na 'yon. Isa pa wala naman akong karapatang magreklamo kasi ‘

