HINDI ko alam kung anong sasabihin ko ng mga oras na 'yon. Para kasingng nablangko ang utak ko.Bigla'y nakaramdam ako ng galit sa hindi ko malamang dahilan.Nanginginig ang katawan ko at tila gusto kong manuntok.Hindi ako makapaniwala sa narinig. Umalis na lang si Allycia ng ganun lang! Tinalikuran ko si Rafael at nagmadaling umuwi ng bahay.Pagdating ko doon ay agad akong umakyat sa kuwarto ko.Kinuha ko ang basurahan at hinanap doon ang sulat ni Allycia na itinapon ko.Nanginginig ang kamay ko habang kinakalkal ko 'yon. Pero naibuhos ko na't lahat-lahat ang laman ng basurahan ay hindi ko pa rin 'yon nakita. Wala na doon ang sulat! Baka naitapon na ng katulong na naglinis dito sa kuwarto ko. Mabilis akong lumabas ng kuwarto at pinuntahan ang basurahan sa labas ng bahay.Kinalkal ko isa-isa a

