"Seatbelt mo hindi pa naayos." Inginuso nito 'yon." Wait lang ako na ang mag-aayos." Lumapit ito sa akin at nagsimula 'yong ayusin. Naaamoy ko na ang pabango nito dahil halos magdikit na ang mga katawan namin. Naiilang tuloy ako. Samo't-saring emosyon ang nararamdaman ko ng mga sandaling 'yon. Ewan ko kung naririnig na ni Drew ang t***k ng puso ko. Sobrang lakas nun lalo't kinakabahan ako. Ang lamig sa loob ng sasakyan pero ang init ng pakiramdam ko at medyo pinagpapawisan pa ako. Pakiramdam ko tuloy ay lalo akong nahirapang huminga. "Ano ba naman 'to?' naiinis kong sabi sa sarili. "Ang ganda mo." Narinig kong bulong niya sa tenga ko. Buti hindi masyadong maliwanag sa loob ng sasakyan kundi kitang-kita sana ni Drew ang pamumula ko. Medyo kinilig ako pero hindi ko na lang 'yon pinahala

