Naramdaman kong unti-unti na niyang nililuwagan ang pagkakahawak niya sa akin. "Thanks," naiilang na sabi ko ng tuluyan na niya akong bitawan. Agad naman akong umakyat sa kwarto at inilock ang pinto. Sunod-sunod na paghinga ang pinakawalan ko habang nakapikit at nakasandig sa nakasarang pinto. Ramdam ko pa rin ang lakas ng t***k ng puso ko ng mga sandaling 'yon. Pati mga tuhod ko'y ramdam kong nangangatog at hinang-hina. 'Drew almost see me n***d' Isipin ko pa lang ang bagay na 'yon ay para na akong hihimatayin. Hiyang-hiya talaga ako. Thankful pa din ako na binitawan din ako agad ni Drew. Akala ko'y kung ano na talaga ang mangyayari lalo ng makita ko ang pagnanasa sa mga mata nito kanina. Parang nanlamig ang buong katawan ko sa takot. Ilang taon ko siyang nakasama at ngayon ko la

