EPISODE 15

1684 Words
Ang kaninang maayos na buhok ni Darlene ay naglaho, hindi niya na napigilan ang sarili't kinuwestiyon na ang Panginoon sa nangyayari. Pakiramdam niya'y wala siyang silbi, walang karapatan na maging payapa ang kaisipan. Siya ang biktima ngunit siya ang lumalabas na makasalanan. Dalawang kamay niya na ang nakahawak sa buhok, bumaba iyon sa kaniyang mukha't napatakip na lang ng kaniyang bibig. Hindi rin sumasagot si Helsey sa tawag niya, ito na lang ang pag-asa niya alam niya ngayon. "Nasaan na ba siya?" Ang imahe ni Darlene sa salamin ay hindi na magkamayaw sa pagparoon at pa rito, kagat niya ang dulo ng kaniyang daliri, nag-iisip. Ngunit ang buong lakas niya upang kumalma ay bigla na lang naglaho. Hindi na napigilan ni Darlene na maiyak, hindi dahil sa nakulong siya, o dahil sa may posibilidad na hindi siya hanapin at ituloy nila ang shoot nang wala siya kundi dahil sa damage na nararamdaman niya ngayon emotionally. Hindi siya okay sa mga negatibong salita na natatanggap lalo sa mga taong hindi naman siya talaga kilala. Naglandas sa kaniyang maamong mukha ang epekto ng sama ng loob na pilit niyang kinikimkim sa sarili. Hindi niya mapatda ang luhang tuloy-tuloy na tinatahak ang kawalan. She's been hopeless since day one. Sa labis na pagka-independent, kahit na kaibigan na masasabihan ng problema ay wala siya. Naging miserable ang kaniyang buhay sa ilang taong paglagi sa piling ng dating kasintahan. Masiyado siyang nagpamanipula rito, nakalimutan na niya na mayroon pa rin siyang sariling isip na dapat ay siyang nagdesisyon para sa kaniya. 'I hate this. I f*****g hate it.' 'Bakit naman sa dinami-rami ng ipapapasan sa aking problema ay ito pa, bakit ang career ko pa? MAatagal kong pinaghirapan na maging successful, pinangarap ko na marating sa kung saan ako naroon ngayon. Deserve ko ba na bumagsak ng paunti-unti?' Hindi niya na napagilang hindi makagawa ng tunog sa pagitan ng paghikbi. 'Iiiyak ko 'to ngayon, but I make sure na makakabawi ako later.' Then, out of nowhere ay tumunog ang cellphone niya with a familiar caller id on the screen. "Jethro?' Tinawag niya ang pangalan ng asawa na nasa kabilang linya. Si Jethro naman na napatawag dahil sa 'gut feeling's ay nagtaka sa tono ng boses ni Darlene. Though his heart race when she called her name ay mas nanaig rito ang pag-aalala sa asawa na magtatatlong araw nang malayo sa kaniya. "What's the problem, Darlene?' "I've been locked." Sobs. "I think hindi ako makaka-participate para sa last shoot." "Locked? What do you mean? Where are you?" Mataas ang tono nang pagkakatanong ni Jethro rito, niluwagan niya ang necktie na suot, tumayo sa swivel chair at sinenyasan ang assistant na tawagan si George. "They hate me. Hindi ko naman sila masisisi ro'n. Hindi nila ako kilala, hindi sila mag-aaksaya ng oras para makinig sa kung ano mang Ipaliwanag ko. But do I really need to explain?" Binilog ni Jethro ang kaniyang kamao nang marinig na nag-se-self pity ang asawa, bumakat ang kaniyang ugat roon dala ng malakas na puwersang nilaan. "Who are they?" tanong nito. 'I'll gonna punish them.' dagdag nito sa isipan. "Huwag na hindi mo naman sila Kilala," humihikbing turan nito. "Uuwi na lang ako." "No! You're not. Wait for the help I sent for you. This is your fight Darlene. Are you gonna surrender now?" Hindi nakapagsalita si Darlene, hindi rin niya alam kung ano ang isasagot sa asawa. Alam niya sa sarili niyang ginawa niya ang lahat to endure the words, it's just that the anxiety to be left out or discriminated attacked her. "Bakit hindi mo sila labanan gamit ang talento mo? Mas magaling ka, maganda, alam kong kaya mo silang talunin kahit hindi ka magsalita. Hayaan mo silang mapagod sa ginagawa nila." Natawagan na ng assitant ni Jethro si George na kasalukuyang nasa venue rin pala para sa huling shoot ng La Vienna project. Nakasunod ito sa sa location ni Darlene, ang problema lang ay hindi ito makapasok doon due to high security. Subalit nangako ito sa amo na gagawan ng paraan para lang mapuntahan ang asawa nito. "Tingin mo, kaya ko?" pagtatanong ni Darlene sa kabilang linya. "Yes. Wanna do a bet to me?" "A-ano naman 'yon?" "You can crash back everyone who mistreated you." Pahapyaw na napatawa si Darlene, tipong alam niyang hindi niya kaya 'yon at pinapatawa lang siya ng asawa to cheer up. "Ano, ayaw mo bang makipag-bet sa akin?" Jethro. "Kapag hindi ko nagawa, ano ang maipu-pusta mo sa akin?" Darlene. "You name it." Tumayo si Darlene. She wipe off the tears that ruined her make up, then she immediately retouched it. She just put on the loud speaker mode on to still hear what her husband might say. "You'll give me a ride to my work everyday." Jethro chucked. He expected her wife to ask for something so simple. "Call. Then want hear what my bet is?" "Oo, ano bang bet mo?" Napangiti si Jethro mula sa kabilang linya. Goal niya lang naman ay pakalmahin ang asawa habang hindi pa dumarating si George upang tulungan ito ngunit nagkaroon pa siya ng tsansa na makakuha ng pabor sa asawa. "Hmm. Simple lang. Kapag nanalo ako'y kailangan mong pagbigyan ang isang kahilingan ko." Napatda si Darlene sa kinatatayuan, kumunot ang ulo't dinampot ang cellpone at saka muling itinapat sa tainga niya. "Ano naman ang hiling mo?" Gusto pang pag-isipan ni Jethro ang magiging sagot sa asawa, ngunit mula sa kinatatayuan niya'y naabot niya ang pagsensyas ng assistant na kailangan na nilang umalis para sa kaniyang board meeting. "Hindi ka mabibigatan sa kahilingan ko. Kasi ang gusto ko lang naman eh—" Creak. Ang usapan ng mag-asawa ay naputol nang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa niyon si Helsey na halatang tarantang-taranta sa pagkakabungad sa talent niya. Kaagad ding nagpasalamat si Darlene sa pagdating nito, nakalimutan niya na nasa kabilang linya pa ang asawa't may balak pang sabihin. Subalit hindi naman naging problema 'yon kay Jethro, mas napanatag pa ang loob nito ng malaman na may kasama na ang asawa, siya pa nga ang mismong nagpaalam kay Darlene kahit hindi na niya natapos ang sinasabi Sa kabilang banda naman ay hindi na ipinaalam ni Helsey na may nag-approach sa kaniyang isang lalaki na hindi rin nagpakilala kung sino. Ito ang nagsabi nang sitwasyon sa kaniya, napuno man ng pag-aalinlangan no'ng una ay mas minabuti pa rin nitong maniwala rito. Agad na inagapan ni Helsey si Darlene, kinausap at ilang beses na nagtanong kung ayos lang ba talaga ito. Sinamahan niya ang babae patungo sa set nila kung saan naabutan nila parehas ang pagsisimula ng photoshoot. Halos ang lahat ay nagulat sa pagdating ni Darlene, walang bakas na takot, kaba o kahit na ano pa man sa mukha ng babae. Mina-ige nitong maging nonchalant sa mga kasamahan, lalo na sa dalawang babae na nasa harapan na. Ngunit ang mas ikinagulat ni Darlene ay ang presensiya ni Maxine, ang idolo niyang Modelo. Ito ang tumatayong Lead model ng dalawang babaeng tiyak siyang nagsadya na magkulong sa kaniya sa dressing room. "Oh, akala ko ba wala siya?" Nakatingin kay Darlene na tanong ni MAxine, ngunit ang tanong ay para naman sa mga staff. Napakamot ang isa sa mga naroon at bilang natural ang pannalita. "Aah, y-yun kasi ang matanggap naming text message kanina galing sa kanila." Pagkatapos ay kay Darlene naman ito nagtungo. "Ano ba ang nangyari sa inyo?" Baling ng lalaking kunot ang noo't sumesenyas kay Helsey ng kung ano, gamit ang pagtaas-taas nito ng kilay niya. "Aywan ko sa inyo, at saka ano'ng text ang sinasabi niyo riyan. Wala kaming tinetext na kahit na ano sa kung sino sa inyo." Iritadong sagot ni Helsey. "Isa pa, hindi man lang ba kayo nag-follow up call sa gano'ng problema? Talagang in-echapwera niyo agad ang talent ko? " "Huwag kang magalit, nagtatanong lang naman ako." Agad na kumapit si Darlene sa braso ng Manager upang pigilan ito na sumagot pa. Wala rin naman silang mapapala sa gano'n lalo pa't halata niyang ayaw sa kaniya ng ilang sa staff ng Project. "So, ano bang nangyari talaga? Alam mo namang mahalaga ang bawat oras natin Darlene, bakit late ka. Nakakuha na kami ng ilang shots with Maxine, and we're good at it--" Isa sa nagmamanage ng photos na nakukuha ang nagsalita, at ang pino-point nito ay okay na sa kanila ang presensiya ni MAxine bilang Lead model sa category na ito. Hindi pa man natapos ang Photo Assistant sa pagsasalita ay agad namang rumesbak si Helsey. "Are you sayng na aalisin niyo si Darlene rito? Ito na lang ang Lead role na itinira niyo sa kaniya tapos ngayon ay tuluyan niyo pang aalisin?" "Well, it was not intended but this is it. I think were good at it. Feeling ko ay mas fit si Maxine sa role na ito." Kalmado lang ang naging sagot ng babae, na para bang siguradong-sigurado ito sa sinasabi niya. "This is a contract breaching! You're suppose to protect my talent, Imbes na alamin niyo kung ano ang totoong nangyari eh mas pinili niyong mag-go with the flow na lang, para sa pictures niyo? Huh!" Walang kaabog-abog na bulyaw ni Helsey sa mga naroon. "Tama na," pagtulong ni Darlene. "I think we should just go." "Ay hindi ako papayag! I am demanding for a reasonable explanation to this team," sabi pa ni Helsey. Pagkatapos ay sa dalawang babaeng model na katabi ni Maxine tumingin. Para namang napaso ang mga ito sa titig ni Helsey kaya ang tingin ay itinutok sa kisame. "Lalo na sa dalawang babaeng nasa harapan na 'yan, magkakasama sila sa dressing room impossibleng hindi nila alam na iniwan nila si Darlene doon." Agad namang napalingon ang mga naroon sa tinukoy ni Helsey, nagtatanong ang mga tingin nila tungkol sa tinuran ni Helsey. "Kung sino man ang may balak na magsabotage sa amin . . . Sorry you poked the wrong person." Doon na natapos ng eksena, umalis sina Helsey at Darlene sa venue. Ngunit sa pag-alis ay nadala ni Helsey ang init ng ulo hanggang Hotel. Kinuha niya ang telepono't nag-dial ng numero saka nagmando ng kung ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD