Hindi ako makapaniwala na napunta kami sa dubai. Paano? Hinila kaagad ako ni Archie nang mamataan namin si Gelo na lumabas ng tower, lumilinga na para bang may hinahanap. Laking pasalamat ko, ang daming torista. Marami ding local na namamasyal kaya hindi kami kaagad nakita. Halos kumalabog pa ang puso ko ng makitang may mga pulis na. Siguradong makikita nila si Maricel . Kinabahan kaagad ako sa pweding mangyari. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari.Pero ang maramdaman ang higpit ng hawak ni Archie sa akin, nakakawala ng mga alalahanin. " Archie..", mahina kong sabi. Halong halo na emotion na nanunubig na ang mata ko habang nakatingin sa likuran niya. " Love", huling sabi ko. Pero hindi parin siya umimik. Hilang hila niya ako hanggang sa dumating kami sa isang itim n

