" Hoy Archie.. Halika na dito... Kanina ka pa dyan hah.. matatapos na ako dito.. ", sigaw ko habang ang damoho, andoon sa beranda niya nag dadrama nanaman habang ako, nag liligpit sa mga gagamitin na sa live selling. Hindi ko talaga alam kong ano ba talaga ang lalaking ito. Sobrang siga sa school kapag kasama niya ang mga alipores niya, pero pagdating dito ,kapag kasama ako, parang batang kailangan ng lambing palagi. Papansin pa masyado.. Iyong pabebe?..Hindi naman sana ikinagwapo niya, ang sarap pa nga hambalusin. Hindi ako nakatiis, lumapit na ako sa kanya at agad siyang binatukan dahil naglalaro lang naman pala ng mobile legends.Nakakunot noo niya akong tiningnan. Hindi makapaniwala na nagagawa ko ito sa kanya. " What was that?", galit niyang sabi.. Nang makitang nakataas ang kil

