" Nasaan ang mangga?", naparolyo kaagad ang mata ko ng bumungad kaagad ang mukha ni Archie sa may entrance ng hospital. Kasama niya si Zey na ngayon ay naghahanda na sa pag uwi. " Ano to?. OFW ang peg?. May pagsundo? Hindi makapaghintay?", mataray kong sabi sabay pakita sa kanya sa plastic bag na hawak ko. Paborito ko to eh. Hindi ko alam kong anong klasing mangga ang bibilhin ko ng tumawag siya at sinabing yung paboritong mangga ko raw ang bibilhin ko. Kaya ito ang binili ko. Alam niya bang paborito ko ang mangga?. " Naglalaway kana?.", nakangisi nitong sabi. Napataas kaagad ang kaliwang kilay ko ng marinig yun. Napatingin pa sa kanya si Zey bago ulit bumaling sa akin. " Wala ako sa mood para bulyawan ka Archie kaya pwedy tigil tigil din?", galit kong sabi. Nang sabihin yun ay

