54

1798 Words
"Daniel... May bago ka yatang kasama.. Iba na pala si Maricel ngayon.", seryoso kong tiningnan ang isang lalaking magkasing edad lang namin. Nangangamoy gulo pa yata ang awra nitong lalaki na ito. Nagkatinginan pa kami ni Archie at agad rin na umiwas. " Si Doctor Roxanne, nandito para dalawin si Nanay. ", seryosong sabi ni Archie. Bumuntong hininga ako. Masyadong Pormal. The way he call me before is different from what he is calling me right now. Tumunog pa ang phone ko at nakitang kay Zey yun galing. "Punyeta itong so called asawa ni Kuya Archie.. Ang kapal ng mukha na huthotan kami, para lang makausap si Kuya.. Isang salita pa nito, ipapasuntok na ito sayo.. "natawa pa ako sa sinabi niya. Nagreply kaagad ako sa kanya at tutok na tutok na sa aking phone. " Wala na tayong magagawa, since Archie choose to be with that Girl. Pati dito, nangngamoy kabit ako. ",nagtiim bagang pa ako ng e send ko yun. Ang sakit sa pakiramdam na parang sinisiksik ko ang aking sarili gayong itong Archie noon ay patay na patay sa akin. " Wala ka ng balak pang puntahan si nanay?.. Busy na sa kakareply sa boyfriend mong doctor rin?... pwedy ka ng umalis,kung hindi an yun makapaghintay. . ", kumunot ang noo ko sa sinabi ni Archie. Binulong niya lang ito, pero kita ko ang mata niyang nakatutok na sa aking phone. " No.. I will see her first.. ", sabi ko nalang at hindi na pinansin ang pagmamaktol niya. Akmang pupunta sa kabaong ng humarang ang lalaki sa harap ko, yung lalaking pagbungad palang, ginawa na akong kabet ni Archie. . Automatic nakataas ang kilay ko habang tiningnan siya sa mata. Nakangisi at halatang pinagnasahan pa ako nitong animal na ito. . Base sa kilos, at amoy ng hininga nito, halatang nakainom pa . " Makikiraan. ",seryoso kong sabi. " Hulyo.. ", seryosong tawag ni Archie. " Ito ba ang doctor na umasikaso kay Nanay.. Ito pa Daniel?.. bakit hindi niyo siya binuhay?..Naging Doctor pa kayo ,hindi naman niyo kayang buhayan ang isang may sakit. ", galit nitong sabi. Ahhh,,, So akala niya pinabayaan ko ang nanay niya?.. Halos wala na nga akong tulog magawan lang ng paraan na maging mas mahaba pa ang buhay niya. Sa bagay, hindi yun alam ng mga pasyente since wala sila kapag nagdediscuss kami ni Gelo sa situation ng isang pasyente. " Are you the son then?... ", seryoso kong sabi. "Aba't... Oo.. Ako nga.. Nag iisang anak ng Nanay Ofelia.. Bakit?", sigaw niya pa sa akin. Napaatras pa ako ng hilahin ako ni Archie at ilagay sa kanyang likuran. Pero sanay na ako dito eh. Takaw gulo ako...Kahit noon pa, baka madugtungan ngayon.. . At hindi ko kayang naririnig ito sa taong hindi ko nakita nong nagkasakit ang nanay niya. "Where are you when your mother is sick?.. Saan ka nong nabubuhay pa siya?..Bakirt wala ka sa panahong kailangan ng Nanay mo ang mag aalaga sa kanya. Do you know what your Nanay said to me when I ask for her Son?... Your no longer exist, .. Itong si Ar...I mean si Daniel lang ang tumutulong sa kanya. So better get off my way and let me see your mother for the last time.. ..",panunukmat ko kaagad. Natahimik siya. Pero nandoon ang galit sa kanyang mga mata. " Kung hindi mo kayang mawala ang nanay mo?.. Eh di sana,ikaw nalang ang gumamot sa nanay--", " Doc.. Sumusubra na kayo.. ", sabat naman ng isa pa. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya ' Sino ba yan Daniel?..Bakit ka pa nagdala ng isang hindi naman natin kakilala..Parang takaw gulo pa. Hindi pa magawang itikom ang bibig. ", Napatingin kaagad ako sa kanila, sa huli kay Archie na ngayon ay seryoso nang nakatingin sa kanyang mga kasamahan. " Pagkatapos mong makita si Nanay. Umalis ka Na Doc. Ayaw ko ng gulo dito sa lamay. ", seryoso at may diin na sabi niya sa akin. Napatitig pa ako sa kanya. Umiwas siya at pumunta na sa kanyang mga kasamahan. Sa bagay, sino ba naman ako diba sa buhay niya ngayon. Di hamak na nong isang linggo lang kami nagkita, ganito pa ang eksena. Hindi pa naniniwala na pamilya niya ang mga Ferrero. " Salamat parin sa pagpunta.. Baka gusto mo pa mag abot ng abuloy.. Tatanggapin namin kung may konsensiya ka pa. ", narinig ko pang sabi nong isang babae. Napahiya ako. Hindi kay Archie, kundi sa sarili ko. Tang*na,.. Ako pa ang nagmumukhang masama dito. Imbes na pumunta pa sa harap ay minabuti ko nalang na umalis. masyadong mainit ang ulo ko ngayon at tumataas nanaman ang dugo ko sa subrang pagkapahiya at galit. Iba pa naman ako magalit, ubos lahat ang nasa harap at baka mahospital pa ang aabutin. "Ohhh... ang kabet. ",napagting ang tenga ko ng marinig yun mula sa asawa ni Archie. Kadadating niya lang, sakay ng isang tricycle. " What are you talking about?.." hanggang sa labas , may mga tao kaya alam kong rinig na rinig nila ang sinabi nitong animal sa harap ko. Si Maricel. Asawa ni Archie. " Sabi kasi nong pamilyang subrang kuripot ng Asawa ko, ikaw daw ang fiance.. Ako nga ang asawa ehh.. Noh?.. Kasal kami at may papel kaming pinirmahan. Ehh kayo?.. Wala naman di ba.. Kaya umayos ka Doctora.. kahit may propesion ka, iba a rin kapag ang asawa na ang kumaso sayo.. Aultery ang tawag don. ",mas lalong lumokot ang mukha ko sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo?...Nakasyabu ka ba hah.. at parang naging impakta kana sa paningin ko. " " Huwag kang mag deny deny dyan.. Kabit ka nga ehh.. Kabit na doctora.. walang delikadesa.. ",pinagsisigaw niya pa kaya halos nakuha nanamin ang attention ng mga tao. Kung kanina, halos malunok ko pa ang kahihiyan, ngayon, parang gusto ko nalang magpalamon at maalis sa lugar na ito. Knowing that Archie has a memory loss, kaikibat nito ay nag asawa pa siya. Anong laban ko? Hindi ako nakapagsalita. NAkita ko pa kung papaano ako tiningnan lang ni Archie kasabay ng luhang dumaloy sa aking pisngi. Agad ko yung inalis. Hindi ako ipinanganak na inaapi. Hindi ako basta basta nadudurog dahil lang sa mga salita ng impakta sa harap ko. " Ang utak nakakalimot, pero ang puso, Hindi.. Tandaan mo yan. ", nakataas kilay kong sabi at agad na tiningnan si Archie na ngayon ay nakanganga ng nakatingin sa akin. Nilakas ko yun ng marinig niya. Ng buong tao dito at agad na nagwalk out. " Ohhh by the way.. Archie.. I mean Daniel... I'll suggest to Tito Fidel to have a DNA test for you.. para alam mo ang totoo. Hindi yung nagkadakoba ka sa kakatrabraho gayung bilyonaryo naman ang pamilya mo. ", nakangisi ko pa yung sinabi sa harap ng impakta at agad siyang nilapitan.. Namamangha sa sinabi ko. Mukha pa namang pera ang isang ito at halos magliwanag ang mukha ng sabihin kong bilyonaryo. "Si Daniel O archie lang hah?.. My annulment naman , kaya kayang kaya kang e.itsapwera kapag nagkataong malaman ni Daniel ang totoo.. Hindi ka kasama. ..So better, enjoy being his wife habang may oras ka pa. Itong pagiging pobre,, sa ganito ka nababagay.. Impakta. ", agad akong tumalikod pero ang babaeta, hinila ako at agad na sinabunutan. Halos maramdaman ko ang hibla ng buhok kong bagong rebond na puputol at namimilipit na ako sa sakit. . Halos ramdam ko ang matutulis niyang kukong nagmamarka na sa aking pisngi.. Tinulak ko siya ng ubod nang lakas. Kasabay rin ng paghinto ng isang sasakyang pamilyar sa akin. " Who do you think you are....Pinadapo mo ang kamay mong amoy imbornla sa aking pisngi.. Bagong rebond pa tong buhok kong sinabunutan mo.. .", galit kong sabi bago ko pa siya sinuntok sa mukha na lumanding kaagad sa maputik na lupa. " Maricell... ", sigaw ni Archie.. Pati ang mga kamag anak niya. Nilapitan ako at agad akong hinawakan. Hindi ako nakapagpigil, pinagtutulak ko sila at walang pag alinlangan pang kinaladkad ang impakta pero isang tulak lang ni Archie sa akin, napadapa na kaagad ako. Sanay ako na binubuully niya noon. Pero ni minsan, hindi dumapo ang kamay niya sa akin para saktan ako. " Daniell... ang mukha ko.. Sinuntok niya ako... ", umiiyak niyang sabi kay Archie. " Umalis na kayo. ..kayong lahat.. Umalis na kayo.. kung hindi.. tatawag ako ng pulis.. ", galit na sabi ni Archie sa harapan ko pa mismo. Zey immediately hold my arms para patayoin ako. Ganoon din ang ginawa ni Mrs Ferrero. Hinihingal akong humarap sa kanya ng buo habang pinipiga ang puso ko dahil sa kung paano niya aluin, yakapin ng husto si Maricel. Nagmumukha akong tanga. Mang aagaw lahat lahat na. Nahawakan ko pa ang singsing na palagi kong suot, hindi nawawala sa aking daliri. Pero parang ..gutso ko nalang itong hubarin at itapon sa kanya. Ginawa ko ang naisip. Lumapit ako sa kanila. Inilagay niya pa sa harap ang babaeng impakta at siya ang humarap sa akin. " Roxie.. ", rinig ko pang sabi ni Zarniah pero hindi ako nakinig. ' Kapag naalala mo ito... . Itong singsing?... This is one of a kind na pinagawa mo pa para lang sa akin. To promise you na hindi ako magmamahal ng iba .. Na mananatili ka sa trono ng puso ko. ..But .. . I guess,.. I can't hold it anymore where you are the one who broke it first. Nag asawa ka pa ng hindi man lang lumevel sa akin. Isang impakta pa at palengkera... Archie Ferrero..still the bully .. kahit nawala pa yang alaalala mo, bully ka pa rin sa akin. Sinasaktan mo pa rin ako. Paulit ulit.. ",tinapon ko sa kanya ang singsing na sinalo naman niya kaagad. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Kita ko rin kung paano siya naapektuhan sa sinabi ko. Pero hindi yun mapipigilan ang sariling salbahin ang sarili at kalimutan nalang siya. " I am going to go first. Hintayin ko kayo sa sasakyan Tito.. I don't have a Car with me. ", tanging sabi ko kay Mr Ferreor at agad na pumasok sa sasakyan. Pagkapasok palang.. halos pigilan ko ang paghikbi.. Pero ramdam na ramdam ko ang sakit, paghihinayang at pighati sa aking puso. Galit sa sarili dahil para akong tanga doon na nagagalit kahit alam ko namang ako lang ang nakakalam sa nararamdaman ko. " Ano ka ngayon Roxanne.. Nagmukha kang tangang sinaktan ng isang damoho.. Sana pala, nagmadre nalang ako.. Hindi ko pa maramdaman ang sakit ngayon.. ", bulong ko pa sa sarili habang pinapahid na ang luha sa aking pisngi. This is the last tears I am going to cry. ....................NEXT................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD